Eve's Pov
"Yayang!". Marahas niyang binuksan ang puting kortina na nakapaikot sa kama ko at una niyang napansin agad ay ang ulo kong puno ng benda saka niya ko tinitigan ng masama sa mata ko.
Sasabog na yan pustahan bente.
"Bakit ka ba kasi away ng away kung saan-saan?! Daig mo pa mga lalaki!!"
Ang ganda ko namang lalaki?—chariz
"Ikaw nga hindi mo ko pinapansin". bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya dahil mas namula ang mukha niya sa galit.
"E bakit ka kasi nandito?!"
"Pinalayas kasi ako ni mama samin!"
"Puro ka nalang kasi away sa inyo at sa bawat school na pinapasukan mo!! Hanggang dito ba naman?!"
"E bakit hindi mo sila pahintuin total besty mo naman yung demonyong yun?!"
"Parehas kasi kayong matitigas ang ulo! Masasayang lang laway ko sa inyo!!"
"Mas mahal mo pa yang laway mo kaysa sakin?!"
"Ineng, Hijo! Magkakaintindihan ba kayo diyan kung sigawan kayo ng sigawan sa isa't isa? Mag-usap nga kayo ng matino at ako ay aalis na. Kayo lang ang tao rito sa clinic pero wag kayong gagawa ng masama ha, mabuti ba Ineng?". Ang lalim ni lola magtagalog. Akala ko ba english people ang mga doctor at nurses?
Ano bang gagawin naming masama? Wala namang mananakaw dito?
(A/N: Clue; makikita mo siya sa kama)
"S-sige po lola, thank you po sa paggamot sakin". sagot ko nalang at nginitian niya lang ako bago umalis kaya kaming dalawa nalang ang natira sa loob. Walang ibang estudyante ang naka-confine dito, tanging kami lang at isang kuliglig na kanina ko pa naririnig.
Tahimik lang akong nakatingin sa bintana na bukas sa tabi ng kama ko. Ayoko siyang tignan sa mata at baka mas lalo siyang magalit sakin. Alam kong may galit pa rin siya sakin kahit na mukhang nag-aalala siya kanina papunta rito. Malaki ang naging atraso ko sa kaniya.
"Please lang, Yayang, Wag mo ng patulan si Van. Ayokong matulad ito sa dati".
Hindi pa nga ako nakakaganti e
"Sinasabi mo ba na ginusto ko ang mga nangyari noon?!". lakas loob ko siyang tinignan sa mata niya.
"Ang sinasabi ko lang na itigil mo nato!".
"Pakunwari ka pa, e mukhang gusto mo rin namang magdusa ako diba?! Gusto mong makarma ako!!"
"AVERICE!!!".
"Pwede bang umalis ka nalang Shawn?! Pagod ako!". sabay taklob ng kumot sa buong katawan ko.
Ang sakit kaya ng buong katawan ko ngayon!
"Sana lang hindi ito matulad sa dati, Nagmamakaawa ako sayo". malungkot niyang pagsusumamo bago siya sunod na lumabas ng clinic kaya kami nalang ni kuliglig ang natira sa loob.
Sorry talaga Shawn, Kasalanan ko 'tong lahat. Ng dahil sakin nawala siya.
"Oo kasalanan mo talaga ang lahat Eve!!!"
"E,Ella?". galit na galit ang pulang mukha niya na nakatingin sakin habang madiin na sinasakal ang leeg ko sa kama.
"Ganun mo ba kadali makalimutan kung sino ang pinatay mo?!"
"E-Ella, S-Sorry!, Patawarin mo ko Ella!"
BINABASA MO ANG
Daughter of Mercenaries
RomantikEve is a troublesome daughter of some mysterious couple, living in a rural province. And because of a big problem she did cause, Her mother commands to get her transferred to Traiden International University, which it's within a City. On her first d...