Eve's Pov
Unang araw ko dito sa Traiden International University.
School ito ng mga mayayaman kaya okay lang kung may mga magtataray saakin dito. Marami naman na kong nakasalamuhang tao katulad nila.
Ayoko sana sa school na ito pero ang sabi saakin ni mama ay dito ako mag-aral, siya ang boss kaya kailangan kong sumunod.
Kaya for basic survival here, kailangan kong iwasan ang mga kilalang tao rito, meaning yung mga milyonaryong brat na nag-araral dito dahil malaki ang probability na may mga ugali sila. Hindi ko naman nilalahat, karamihan lang.
Ayon sa formula ng Attitudenesstics na gawa-gawa ko lang:
Ang mahirap = Masipag
Ang maykaya = Minsan lang nagsisipag pag need.
Ang mayaman = Spolied brat
At ang milyonares = Spoiled brat with high quality standard and class.Tulad ng sabi ko. Hindi ko sila nilalahat, karamihan lang. Kaya dapat, lie low muna ako. Ayoko ng away spoil brat. Walang akong perang panampal ng mukha, hindi tulad nila.
Medyo malapit lang ang building ko mga ilang lakad lang mula sa gate. Pagdating sa third floor, makikita mo ang Room 9-B, Ang room ko.
Pagkapasok ko, umupo ako sa unahang row para magmukhang akong normal na student at dahil din doon, napansin ako ng buong klase.
"Yuck, New transfery?"
"Yeah and another nerd nanaman"
"No no no, isa siyang pig nerd!"
"Whahahaha". Bulungan ng mga babaeng over sa make-up, Hindi ba nila alam na naririnig ko sila or sinasadiya talaga nilang iparinig saakin?
Hindi ko na lang sila pinansin dahil wala naman akong interes sa lahat ng mga classmate ko maliban sa isa.
Sa pinakadulo sa kaliwa ko. Napatitig ako sa isang babae roon. Ang siko niya ay nakapatong sa desk na ipinanglumbaba niya naman sa kaniyang baba habang nakatingin lang ito sa labas ng bintana. Half face lang ang nakikita kong view niya pero ang perpekto na noon sa paningin ko.
Medyo pale ang balat niya, manipis at mapula ang labi, matangos na cute niyang ilong, katamtaman lang ang laki ng mukha niya, matambok at makinis niyang pisngi at higit sa lahat ay ang mga mata niyang kalmado at singkit!
She defined the word 'Gorgeous' itself!
Pero bakit walang tumatabi sa kaniya? Bakante kasi ang dalawang upuan sa tabi niya, pati na rin yung sa likuran niya walang umuupo. Binubully ba siya kasi maganda siya?
"Why are you staring me?". Napabalik ako sa reyalidad ng lumingon siya saakin.
"H-Ha?"
"I said why are you staring me?". May diing tanong niya. Sh't! Mas maganda siya pag nakaharap!
"I-I d-don't". Pagsisinungaling ko. English question kaya dapat english din ang sagot.
"Pss! Loser...". At ibinalik niya ulit ang paningin niya sa bintana.
Luh? Problema nito? Akala ko ba bully victim ka?
Biglang bumukas ang pinto ng room at pumasok ang isang teacher namin sa science, medyo may katandaan na ito, pandak at ang ilang hibla ng buhok niya ay maputi na, mapapansin ding masungit ito sa unang tingin palang. Mayaman din siya sa wrinkles.
Dahil likas na nagtsi-tsismisan ang mga babae at nagkukulitan ang mga lalaki, hindi na nila napansin si ma'am na matalim na kung tumingin.
"SILENCE!!!". Sigaw ni ma'am kaya biglang nagsitahimik ang mga mokong. Nabasag yata ang eardrums ko. Maling desisyon na nasa unahan ako. Napatingin saakin ang teacher at tinaasan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Daughter of Mercenaries
RomansaEve is a troublesome daughter of some mysterious couple, living in a rural province. And because of a big problem she did cause, Her mother commands to get her transferred to Traiden International University, which it's within a City. On her first d...