Chapter 2

37 5 10
                                    

Eve's Pov

"...There are three types of plate boundaries such are Divergent, Convergent and Transform Fault. Ms. Lanfort! What type of plate boundary the Eurasian plate and philippine plate is?".

Plate? Paghahagusahin ba ko ni mama ng plato pag-uwi ko? Baka nga hagisan pa ako nun pagnakita ako.

"Ms. Lanfort!! Nakikinig ka ba?!".

"Opo mama". Kaya nga ko nandito kasi nakikinig ako sayo—este Natatakot pala.

"M-mama?! Ms. Hapiso! Batukan mo nga yang si Lanfort!"

"Yes ma'am!"

"Aray!!! Bakit mo ko binatok?!". Kamot ko sa ulo matapos akong batukan ni Rose. Anong ginawa ng batok ko sa'yo?

"Tinatanong ka ni ma'am". tinuro pa niya ang pisara sa harapan kaya napaharap ako at doon ko nakita ang isang legendary dragon.

Mas dumami yata yung wrinkles ni mrs. Elaida kumpara kahapon?

Agad akong tumayo at hinintay ang mga sigaw niya pero matalim lang siyang nakatingin saakin habang hawak ang isang buklat na libro. May hawak din siyang eraser ng chalk sa isa pa niyang kamay. Ibabato niya ba saakin yun?

"Ms. Lanfort! Gusto mo na bang umuwi sa inyo?".

"H-hindi po". Bakit niya natanong?

"E bakit mo hinahanap ang nanay mo sakin?! Tinawag mo pa akong mama!!". Kailan ko ginawa yun?

"Wala akong anak na baboy!!".

Malakas na umugong ang tawanan ng mga kaklase ko pagkatapos ng sigaw ni ma'am. Ang sakit sa tenga kasi nag-eecho yung tawa nila sa buong room pero wala akong paki dun. Ang tanong ko lang ay kung bakit pati si Rose nakikitawa? Napapaiyak pa siya sa sobrang tawa niya habang hawak yung tiyan niya. Akala ko ba friends na tayo?

"Tigilan mo nga yan". Batok ko sa kaniya. Ginantihan ko lang kanina.

"S-sorry, Eve! Nagjo-joke kasi si ma'am hindi ko mapigilan yung tawa ko!! Whahahahaha!"

"Anong joke ka diyan?!". Malakas na bulong ni Heena. Buti pa si Heena at Andris hindi tumawa.

"Ang slow niyo naman! Mga wala kayong humor sa katawan!! Ang sabi kasi ni ma'am wala daw siyang anak na baboy, PFFT!! E kailan ba kasi nagka-anak na baboy yung T-rex?! Whahahaha! Ang funny ni ma'am dun!!! WHA HA HA HA HA!".

"SILENCE!!!". Sa isang iglap, parang magic na tumahimik ang room. Pati ako napakagat ng bibig dahil sa totoo lang nagpipigil talaga ako ng tawa ngayon. Kasalanan ito ni Rose at sa humor niya!!

"Ms. Lanfort. Kapag hindi mo nasagot ang tanong ko, wag ka ng pumasok sa klase ko maliwanag?!".

"H-hala ma'am!, wag naman po". Hindi ko talaga alam ang ginawa kong kasalanan!

"What type of plate boundary—No, not that. Give me the three example of Trenches within the phillippines"

Luh? Sa next lesson pa yun ha? Balak ba niya talaga akong paalisin sa klase niya?

"P-Philippine Trench...M—"

"Ms. Lanfort! dinadaan mo lang ba ako sa hula?! What are the five trenches of the philippines?!".

Anak ng T-rex! teacher ba 'to? Yung tatlo naging lima. Bakit hindi mo nalang nilahat?!

"Dalian mo, Sagot!!".

Haaaay..."The Philippine Archipelago contains only six Trenches, and they are Manila Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench, Negros Trench, East Luzon Trench and finally, the Philippine Trench. That's all".

Daughter of MercenariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon