Chapter 36

47 3 0
                                    

Chapter 36

"Baliw ba 'yan?!" I heard Nica hissed to Mich.

Nag-angat ako ng tingin sa pintuan ng classroom. Abala sa pag-aayos ng gamit ang mga kaklase ko para makalabas pero pansin ko ang pagsulyap nila sa kung sinong nasa labas.

"I think so. Kaya nga nagtatanong na si El." Mich whispered but she's near me so I heard it.

I swallowed hard and ignored the loud thumping of my heart. Pilit kong binalewala si Jake na naghihintay sa labas.

"Hinihintay kayo ni Jake." narinig kong sinabi ni Destine kina Nica.

"As if kami ang hinihintay n'yan. Huwag n'yo siyang pansinin." sabay alis ni Nica kasama si Mich.

Ramdam ko ang tingin ng magpipinsang Sioco sa akin. Yumuko ako at inayos ulit ang mga gamit kahit kanina pa maayos ang mga 'yon.

"Ilang beses na 'yan, ah. Anong gusto sa'yo, Gwen?" si Clark.

Sumulyap ako kay Jake na nanatiling nakatayo sa labas kahit na pinagtitinginan siya. Of course, an Engineering student here in the building of Accountancy? His girlfriend's classroom is at the third floor!

"Pinopormahan ka ba?" I sensed Clark's growing anger in his tone.

"N-No, Clark. Why would he?" tawa ko.

Kunot ang noo ni Clark sa akin bago sumulyap kay Jake. Umiling-iling siya at naglakad na palabas. I saw him talk to Jake but the latter only smirked at him.

"Mauna na kami, Gwen. Magkita na lang tayo." si Anya.

Sumunod ang mga magpipinsang Sioco kay Clark, siguro nabahala sa reaksyon niya. Tahimik naman akong lumabas at sinubukang lagpasan si Jake pero hinarangan niya ako.

I heard the gasps of the students who saw it. Napasinghap din ako dahil sa gulat na sobrang lapit niya. I stepped a foot backward then glared at him.

Alam kong siya ang may karapatang magalit pero sa ginagawa niyang ito, hindi ko maiwasan ang iritasyon.

He's been doing this for days already and I am now hearing rumors. Hindi ko lang pinapakinggan pero s'yempre nababahala pa rin ako lalo na kilala rin si Elena dahil president ng organization ng course namin.

"Sabay na tayong maglunch." aniya na para bang madalas naming gawin iyon.

I heard the gasps again. Some are already whispering about us while looking at us judgingly. Hindi ako komportable.

"May kasabay ako." tukoy ko sa mga Sioco.

"Well then sasabay ako sa inyo." he grinned.

Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. The smirk in his lips didn't falter, though. Para bang natutuwa pa siya at hindi man lang pinapansin ang mga bulungan sa paligid namin.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong binabalak niya. Ayaw ko siyang kausapin at dapat ko siyang iwasan.

Hindi ako tanga. Siya pa lang ang nanligaw sa akin pero alam ko kung ano ang mga kilos ng mga lalaki. I know what he's doing. I just don't know why he is doing these.

Does he want to hurt me? To get even? To bring back the pain I've given him? Does he want me to experience the pain that he felt when I said those hurtful words to him? Hindi ko siya maintindihan.

When we first saw each other, I can clearly see the anger in his eyes. But now... I don't know why he's treating me like this.

Anong gusto niya? Isipin ko na hindi siya galit sa akin at balikan siya? Tapos ano? Iiwan niya ako tulad ng ginawa ko sa kanya? Hindi ko alam kung alam niya ang dahilan ko noon pero hindi iyon ang dapat kong isipin. Ang problema ko ngayon ay paano lumayo sa kanya.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon