Chapter 39

52 5 0
                                    

Chapter 39

Nagkatinginan kami. Ngumuso siya, halata ang pagpipigil ng ngisi. My lips twitched so I pursed them.

Matagal ang tinginan namin. Ramdam ko ang panonood ng mga tao sa paligid. Nasa library kami at ngayon ko lang naranasan ang ganitong sobrang katahimikan na paghinga lang namin ang naririnig at ang paggalaw ng kamay ng wall clock.

Kalmado ako at walang iritasyong nararamdaman. Maybe I was carried away and comforted by what I was thinking earlier. Or maybe I realized that if I continue being angry, I am only wasting my time.

Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Siguro nainip sa paghihintay sa susunod naming sasabihin o gagawin ni Jake dahil nakatitig lang kami sa isa't isa.

I rolled my eyes as I felt my cheeks and ears burn and looked at my book instead. My chest is thumping so hard but I tried to focus on what I'm doing and ignored Jake.

Sinulyapan ko siya nang mapansin ang paggalaw niya. He sighed then rummaged his bag. He took out a book and started reading.

Tumaas ang kilay ko at bumalik sa libro nang maramdaman ang pagbaling niya sa akin. I bit my lower lip as I remembered some of our memories in high school when he always accompanied me while I review.

Minsan napapansin ko ang ilang tinginan ng mga tao sa table namin para siguro mag-abang ng mangyayari pero wala kaming ginawa. Jake focused on reading while I am busy reviewing too. Ni hindi kami nag-usap pagkatapos niyang sabihin na liligawan niya ako.

"Are you going home now?" aniya nang mapansin ang pag-aayos ko ng mga gamit paglipas ng ilang oras.

Tumango ako at tahimik na tumayo. I saw some heads turned to us immediately, like they've been waiting for some action.

Umiling na lang ako. I decided to ignore them. Ayaw ko nang magpaapekto sa kanila. Ang importante naman alam kong wala akong kasalanan at mali ang panghuhusga nila sa akin.

Nag-ayos na rin ng mga gamit si Jake. Pinanood ko pa siya at nang matanto ang ginagawa ko, nauna na ako sa paglabas. Nakasunod naman siya agad dahil patapos na siya sa pag-aayos nang marealize kong hinihintay ko siya.

"Ihahatid na kita." pagsasalita ulit niya habang palabas kami ng building.

Napatingin ako sa area ng mga pavilion dahil sa narinig na tawanan ng grupo niya. Agaw-pansin talaga sila kaya laging napag-uusapan lalo na halos galing sa mga malalaking pamilya. Kaya nga agad ding kumalat ang isyu sa amin.

Hindi ko sinagot si Jake at nagpatuloy sa paglalakad. I played my lips with my teeth as I felt him glancing at me every minute. Tila nananantya at naghihintay kung papayag ba akong magpahatid.

Sa ilang linggo niyang pagsunod sa akin, hindi ko siya pinansin kahit minsan. Kahit sa offer niya at pag-aaya sa akin, ni isang beses hindi ko siya kinausap. Desididong-desidido ako noon na iwasan siya dahil iniisip ang relasyon nila ni Elena.

Kaya halos mapangisi ako nang makita ang gulat at hindi makapaniwala niyang ekspresyon nang lumiko ako papunta sa parking lot imbes na sa gate dumiretso. Pinigilan ko ang pagngiti at kinagat ang labi.

"O-Oh, alright..." he said as realization hit him. "Damn it..."

"Saan ang sasakyan mo?" tanong ko nang huminto sa gitna ng parking.

Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago tumango at kinuha ang susi para patunugin ang sasakyan niya. Medyo hindi ko inasahan na isang pulang Vios ang sasakyan niya. Naalala kong halos luxury brands ang sasakyan ng mga pinsan niya kaya inisip ko rin na ganoon din ang kanya.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon