Chapter 21

27 4 0
                                    

Chapter 21

Wala sa sarili kong pinanood ang paglalaro ng mga kaklase ko sa christmas party namin. Kinahapunan ng huling araw ng exams, christmas party na. Mamayang gabi ang party na para sa lahat ng estudyante ng high school.

I keep thinking about my father. Nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko sa kanya. I assured him I will never be close to Jake but actually, I am already beyond that. I even crossed the borders between us.

Nasabi ko noon na hindi ako natatakot dahil kapag nalaman na ni Papa, siguradong wala na si Jake dito. Siguradong tapos na rin kami, o ang kung ano mang meron kami, kaya wala nang halaga kung malaman man ni Papa pero unti-unti na akong kinakabahan sa tuwing nagtatanong siya tungkol kay Jake.

Hindi ko alam kung dahil ba alam kong nagsisinungaling ako kaya masyado akong kabado o nagtatanong lang talaga si Papa. Pero minsan pakiramdam ko, may alam si Papa at sinusubukan niya lang ako.

Iniisip ko kung dapat ko na bang sabihin ang totoo? But then I am sure he will be mad at me. He will be disappointed in me for defying him. All my life, he has been trusting me and has always been proud of me. Hindi ko kakayanin kung sakaling madisappoint at mabigo ko siya.

Kaya siguro todo ang pag-aaral ko ngayon kahit maraming sinasalihan. Gusto kong pagtakpan ang kasalanan ko sa kanya. Umaasa ako na kapag nalaman niya, at hindi nagbago ang standings ko sa school, hindi siya magagalit.

The only thing I can do right now is to hope that he won't know anything about me and Jake. Ayaw ko rin munang isipin kung anong dapat kong gawin kung sakaling malaman iyon ni Papa.

Bumuntong-hininga ako at nagdesisyong makisali sa mga pakulo ng mga kaklase. Sandali lang din kami at umuwi agad dahil maghahanda pa para sa Christmas Party mamayang gabi.

"Himala! Pupunta ka?" si Bryan nang makita akong nag-aayos ng sandals sa sala.

Nagtaas ako ng kilay sa suot niya. He's only a year younger than me but he could belong to Rake's group.

"Obviously." irap ko sa kanya. "Do you have a date? You look so prepped up."

He smirked at me. "Kailan pa ako nawalan?"

"Asshole. Huwag ka ngang masyadong sumasama kina Rake."

"Tss. Bakit si Kuya Jake? Matino naman, ah."

Sinamaan ko siya ng tingin. Pasalamat kami na biyernes ngayon at mamayang gabi pa ang uwi ni Papa. Sasapukin ko siya kapag binanggit niya si Jake habang nandito si Papa!

"Saan daw sila ngayong bakasyon?" si Mama galing sa kusina.

"Out of town daw po." sagot ko dahil nakwento nina Jake at Kim. "May balak po yata silang mamasyal abroad."

Tumango si Mama. Saglit pa kaming nag-usap at nagbilin siya sa amin bago kami tuluyang umalis. Kina Kim ako pumunta habang ang kapatid ko naman ay nauna na sa school. S'yempre, lagi kaming nagsasabay ni Kim at Jake kaya kailangan ko silang hintayin.

Natanaw ko si Jake na nasa labas na ng mansyon nila. He looks agitated or worried about something. Panay ang lingon niya sa loob ng mansyon at halos mataranta pa nang matanaw ako.

"What's wrong?" tanong ko.

"Nothing. Si Kim kasi, ang tagal." he said in a panicking voice.

"Maaga pa naman. Nagmamadali ka ba?" tawa ko.

"No, no. I'm just-" he exhaled loudly. "Nothing, Gwen."

Ngumiti siya. I still sense his agitation about something. Sumulyap ako sa mansyon na punong-puno ng ilaw ngayon at mga christmas lights. Pinapanood ako ni Jake habang nakatingin ako doon.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon