Chapter 15

32 5 0
                                    

Chapter 15

"Magkagroup ba kayo? Bakit gabi na kayo natapos?" Jake asked.

Nasa loob na kami ng Fortuner. Nagulat pa nga ako na tumabi siya sa akin imbes na sa front seat. At nahihiya rin kay Kuya Marlon sa pagsulyap niya sa amin.

"Medyo nalate lang," sagot ko habang nasa labas ang tingin.

"Pinopormahan ka?"

Nilingon ko siya at natawa. "Papayag ba akong pormahan niya ako? It's nothing personal. May ginawa lang kami kaya nalate lang."

Napansin niya ang iritasyon ko kaya ngumuso na lang siya. Sumulyap ako kay Kuya Marlon na tahimik at supladong nakatingin sa kalsada.

"Sige, hindi na ako magtatanong... Pinagbigyan mo naman ako, e." aniya at tumahimik na.

Hindi ako nagsalita. May munting ngiti na sumisilip sa labi niya habang nakatitig sa akin. Tumikhim si Kuya Marlon kaya bumaling ulit ako sa labas.

"Next next week na ang opening ng South Zone, Gwen. Mas magiging busy kami dahil start na ng games." aniya nang hindi matiis ang katahimikan at malapit na kami sa bahay.

"Alright. Good luck."

"Pupunta ka ba sa opening?"

"Of course."

Bumaba na ako at nagpasalamat sa paghatid nila. Lumabas si Mama kaya bumaba rin si Jake para bumati.

"Magandang gabi po." si Kuya Marlon na binuksan na lang ang bintana.

"Good evening po, Tita." si Jake at lumapit kay Mama para magmano.

"Naku, pasensya na. Naistorbo yata kayo ni Gwen. Kanina pa ang uwian ninyo, 'di ba?"

Ngumisi si Jake. "Ayos lang po. Sinundo ko siya kasi sabi ni Kim, hindi pa raw nakakauwi. Gabi na rin po kasi."

"Salamat, Jake." ngumiti si Mama at sumulyap sa akin.

Tumango si Jake. Sumulyap siya sa akin bago tuluyang nagpaalam. Pinanood ko ang pag-alis ng Fortuner nila bago pumasok sa loob.

Hindi kinwestyon ni Mama ang paghatid ni Jake sa akin. Tingin ko wala lang naman iyon sa kanya kasi sumasabay naman talaga ako kina Kim. Isa pa, sinabi nga ni Kim na hindi pa ako nakakauwi kaya iniisip siguro ni Mama na nagmagandang loob lang si Jake.

Lalo akong naging abala sa paglapit ng opening ng South Zone. Kailangan kong asikasuhin ang mga susuotin at mga gagamitin sa pageant kaya minsan, hindi na talaga ako nakakasabay kina Kim pauwi. Ganoon din sila dahil humihigpit ang practice nila. Sa mga tune up games daw kasi, nag-improve ang mga nakakalaban nila.

"You think you'll get to play?" pang-aasar ko sa kapatid nang makitang naka-full gear pa siya.

He's wearing a sweatband and leggings to protect his legs. Sikat na brand ng sapatos at latest na model pa ang suot. Hindi naman first five at baka mabangko pa kasi bagong pasok pa lang sa team.

"Baka porma ka lang do'n." sabi ko pa.

Mapang-asar ko siyang nginisian habang inaayusan ako. Paalis na siya, mauuna sa venue kasama ang mga kapwa players.

Ako naman, magtatagal pa kasi inaayusan pa ako at hinahanda ang mga gamit. Ayaw ni Mama na mauna kami doon kasi maghihintay lang daw kami. Gusto niyang sakto lang ang dating namin doon para kakaayos ko pa lang.

Isang oras na lang yata magsisimula na ang opening. Dapat thirty minutes bago magsimula ay nandoon na kami. Mabuti na lang pumayag si Tito Jomar na ihatid kami. May sariling sasakyan kasi ang mga players kaya doon sasabay sina Kim at Jake. Manonood si Tita Laarni kaya sa kanila kami sasabay.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon