Chapter 1

125 5 0
                                    


Chapter 1

I licked my lips as I wait for my mother to wake my brother up. Kanina pa kami sa hapag at nakaayos na kaming lahat pero hindi makakilos dahil tulog pa ang kapatid.

"Napuyat kasi kagabi sa kakalaro." Si Mama na sumuko na sa paggising sa kapatid ko. "Wala pa namang gaanong ginagawa ngayong unang araw kaya ayos lang kahit hindi muna siya pumasok."

"Shiela, importante ang attendance." giit ni Papa.

"Ako na po ang manggigising sa kanya."

"Ikaw na nga, Gwen. Takot sa'yo ang kapatid mo."

Tahimik akong tumayo at nagtungo sa kwartong katabi ng akin. Kinalampag ko ang pintuan ng kwarto ni Bryan.

"Bry! Malelate na tayo! Gumising ka na d'yan!" mariin ngunit hindi malakas ang boses ko.

Kinatok ko ulit iyon pero hindi pa rin siya nagigising. Lumapit ako sa drawer ng console table kung saan nakalagay ang mga susi at binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

I saw him still sleeping soundly. Lumapit ako sa gilid ng kama niya at dinungaw siya.

Unti-unti akong yumuko at hinila ang kanyang unan dahilan ng paggising niya. I smirked then throwed the pillow to his face before walking out. He grunted.

"Bumangon ka na at mag-ayos. Hihintayin ka namin sa hapag. Magagalit si Papa kapag hindi ka nakapasok."

"Tss. Sunod-sunoran ka talaga."

Natigilan ako at nilingon siya. Nakasimangot siyang kumukuha ng damit sa cabinet.

"We should follow our parents, Bry. They sacrifice to give us better life."

"Oo na, oo na. Manang-mana ka talaga kay Papa. Maliligo na ako."

"Bilisan mo." malamig kong sinabi at pabagsak na sinarado ang pintuan ng kwarto niya.

Bry is my opposite. Hindi seryoso kaya nakakairita at hindi kami nagkakasundo dahil lagi niya akong pinipikon. He only thinks about what's fun. He's not concerned with the essential things in life like dreams, priorities, future, and such.

He's more interested in what games to play, what items to buy in that stupid game, when to play basketball... He wants non-essential things, which I think is offending for our parents and a wrong mindset.

I don't like people with that kind of mindset. Ayaw ko sa mga taong happy-go-lucky, mga taong hindi nagsisikap para sa kinabukasan, mga taong hindi tinitignan ng seryoso ang buhay. Because I believe that if you don't care about the future, you will suffer.

You should think about your priorities, your dreams, and your future. Iyon dapat ang inuuna dahil iyon ang magtatagal at kailangan sa buhay. The rest are fleeting. Games? Fun? You can have them once you are successful.

Iyon ang tinuro sa akin ni Papa. Na dapat kong unahin ang mga bagay na importante. Dapat kong isipin ang mga makakatulong sa akin para sa magandang kinabukasan ko. Iyon ang dahilan kaya nagsusumikap siya. Iniisip niya ang kinabukasan namin.

"Sasali ulit ako sa tournament ngayon, Pa." saad ni Bryan sa tabi ko habang nasa biyahe papunta sa eskuwelahan.

Sinamaan ko siya ng tingin sa gilid ng mata ko. Humalukipkip ako at umirap.

Nasa sasakyan kami ngayon. Hinahatid kami ni Papa tuwing Lunes bago siya lumuwas pa-Maynila kung saan siya nagtratrabaho. Umuuwi lang kapag weekends.

"Maayos ba ang mga grades mo? Last year sumali ka pero hindi matataas ang grades mo. Saka ka na sumali kung pasado ang mga exams mo."

"Pasado naman sila, Pa. Hindi nga lang mataas pero pasado."

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon