Chapter 19

32 5 0
                                    

Chapter 19

"Napagalitan ka ba ng Papa mo?" Jake asked.

Umiling ako habang patuloy na chinecheck ang mga sagot niya. Nasa library kami ng mansion ngayon.

I am still helping him review and answer his assignments. Bumabawi ang mga teachers dahil isang linggong walang pasok dahil sa Intrams na ngayong paparating na linggo na.

"Hindi ba siya nagtanong kung sinong... kasama mo?"

"I told him I was with Sheerness." tipid kong sagot.

"Bakit hindi mo sinabi na ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's calmly sitting in front of me. Nakasandal at dinidilaan ang labi.

"Magagalit si Papa."

"Bakit? He knows me, Gwen. I sometimes see him when I go to office."

Kilala ka niya, kaya nga pinagbabawalan niya ako. Hindi ko na sinabi iyon at muling bumalik sa ginagawa.

"Do you want me to talk to him? I want to apologize for bringing you home late last Saturday."

"No, it's fine. Hindi naman ako pinagalitan."

He chuckled. "Baka ma-bad shot ako, e."

I realized he doesn't know my father doesn't like him. I know he's doing his best to change but I still doubt if this would last. I still think that he will return to Manila and go back to his old life.

I'm sure I'd be heartbroken when that time comes. These days, I thought about my feelings and realized this is going deep for me. Kahit na sinasabi kong pinagbibigyan ko lang siya at titigil din siya, hindi ko maloloko ang sarili ko.

Ginusto ko ito. At alam ko ang mga posibilidad, na magsasawa siya, at aalis. Kaya pinipilit kong pigilan, itago, at tiisin.

Naging abala ako pagdating ng Lunes. Ngayon ang opening ng Intrams at ang Miss Intrams. Nasa classroom kami habang inaayusan ako ni Homer at si Mama ay nanonood.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Gwen!" puri ng mga kaklase ko na nandoon din at naghihintay.

Tipid lang akong ngumiti. My eyes saw Angel glaring at me. I know she wants to be the representative but I was the one chosen by our adviser. I heard she's planning to join Mr. and Ms. Pampanga Colleges on February. Sigurado akong makakasali na siya doon kasi nanalo na ako last year.

"Ikaw, Kim, kailan ka sasali?" si Mama kay Kim na nanonood din.

"Kapag nanalo po si Gwen, sasali ako next year para siya ang magkorona sa akin."

Tumawa ako. Everyone thinks I'll win. Kunsabagay, nakita ko ang ibang representatives. Magaganda rin at magagaling, mga nakalaban ko na noon sa pageant.

I looked outside. Maingay sa labas. Maaga kaming dumating dahil may parade pa bago ang mismong programme. Inaayusan na ako ngayon pa lang kasi kasali din ako sa parade. Ako ang hahawak ng banner kasama ang captain ball. We will walk around the town then the program will start.

Nasa katabing building ang classrooms ng senior high school kaya tanaw ko si Jake na nakikipagtawanan sa mga kaibigan. He's holding the banister while facing ahead. Hindi niya ako matanaw dahil nasa loob ako pero panay ang sulyap niya sa classroom namin.

"Dadami ang manliligaw mo nito, Gwen." si Homer pagkatapos akong ayusin.

"Naku, Homer, may magagalit!" tawa ni Kim.

Umiling-iling ako. Sumulyap ako kay Mama na nakangisi lang.

Kalaunan, tinawag na kami para sa parade. We were organized in the quadrangle. Dahil Grade 10 na, nasa bandang likuran kami at medyo malapit sa Senior High.

Waited (Pampanga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon