December 09, 2021
PROLOGUE
Yumi's pov.
Papunta na sana ako ng classroom ng biglang may bumangga sa'kin kaya naman inis akong napatingin kung sino 'yun. She wasn't familiar to me.. parang newbie siya dito sa University, baka naman ay naligaw lang ng campus.
"What the fuck? Hindi mo ba nakikita ang dinadaanan mo? Are you fucking blind?" inis na sabi ko sakanya kaya naman napatingin sa'kin 'yung babae, saka naman siya ngumisi sa'kin. Napataas naman 'yung kilay ko dahil sa ngisi niya.
"Sorry.. nag-mamadali na ako, late na ako sa first class ko." sabi naman niya saka binangga 'yung braso ko kaya naman inis akong napatingin sakanya.. kita ko naman kung san siya dumeretso na room. Accountancy.
"Oh? Bakit parang bad mood ka na naman d'yan, Yumi? Ang aga-aga, ah?" bungad naman sa'kin ni Cassy ng maka-pasuk ako ng room namin, nasa kabilang room 'yung babae'ng naka-bangga ko kanina.
"Wala may.. naka-banggaan lang ako kanina sa hallway, buti nga ay hindi ako nalate, bwesit pa naman sa'kin 'yung Professor nating terror." seryosong sabi ko naman sakanya, kita ko naman kung pa'no napangisi sa'kin si Alex, na kaibigan rin namin ni Cassy.
"Ano? Mag-papalate ka pa?" nakangising tanong naman niya sa'kin kaya naman inis ko siyang sinamaan ng tingin.Umupo na lang ako sa upuan ko saka ako nanahimik, pero dahil dito sa dalawa kung kaibigan ay hindi ko magawang manahimik dahil panay ang kanilang bulongan. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Ang nakaka-irita lang ay panay bulongan nila, pero naririnig ko rin naman. Kaya naman napatingin na ako sa kanila ng seryoso.
"Anong pinag-uusapan niyo? Pwedeng pabulong? O pasagap naman d'yan sa pinag-uusapan niyo. Hindi 'yung panay bulongan kayo d'yan." inis na sabi ko naman sa kanilang dalawa kaya naman tinawanan lang nila ako. Oh diba anlakas ng mga trip.
"May bago kasing accountancy student, parang may makakahanap ka na ng papatol sa'yo, papatol sa mga kalukuhan mo dito. Na kick out kasi sa kabilang University 'yun, dahil sa mga gulong pinapasuk niya. Tsaka bumagsak siya, sayang third year na 'yun eh, so basically balik freshmen." seryosong sabi naman sa'kin ni Cassy, kaya naman napatingin ako sakanya. Lagi kasing may malalaman 'tong babae'ng 'to dahil sila ang may ari ng University kaya naman ay malalaman niya siya 'yung source of chismis namin minsan ni Alex. Pero kahit sila na 'yung may ari ng University ay isa rin sa mga bully.
Hindi nga lang alam ng parents niya na kung ano-ano ang ginagawa niya, malaya kasi siyang gawin ang gusto niya dito sa Manila. Dahil nasa malayo ang parents niya sa kanya. Ang alam ko lang ay inasikasu ng parents niya 'yung kabilang University nila sa New York.
"Anong name? Tss.. may bago na naman akong pag-tripan." sabi ko naman sakanila, kaya naman ay agad ng pinakita ni Cassy 'yung picture sa phone niya lahat ng information about 'dun sa babae ay meron siya.
Pauline Bianca Santos
Accountancy Department"Pauline Bianca Santos? Siya 'yung babae'ng nakabangga ko kanina sa hallway." sabi ko naman sa kanila, nanahimik kaming tatlo ng biglang pumasuk 'yung terror naming Professor.
"Himala, hindi ka ngayon late, Ms. Garcia." nakangising sabi naman sa'kin 'nung Professor naming babae, kaya naman linabanan ko ang kanyang nagisi.
"And? May magagawa ka ba kapag na late ako, uli?" nakangising sabi ko naman sa kanya, kaya naman rinig ko ang mga bulong-bulongan na naman ng mga kaklase ko.
"Wala ka talagang respeto 'no?"
"What you'll expect to me, huh?"
"I'll talk to your parents."
"Do whatever you want, I don't care after all." pag-kasabi ko 'nun ay lumabas na ako ng room na 'yun, rinig ko naman ang pag-tawag sa'kin Nina Cassy at Alex pero hindi ko na lang sila liningon at tuloy-tuloy na lumabas ng Campus na 'yun.
What I expect to my parents? Wala naman silang paki-alam sa'kin, asaan sila 'nung mga panahong nahihirapan ako? Nandun sa mga business nila. Para sa kanila mas mahalaga ang pera kesa sa anak nila.
~•~•~•~•~•~•~
Pauline Bianca's pov.
Muntik pa nga'ng malate sa first subject ko sa bagong University, ito kasing ate Ashtine, todo sermon pa sa'kin kagabi. Anong oras na ata ako nakatulog dahil sa kanya, tumawag lang kasi dahil namimiss niya na daw ako. Nag-hiwalay kaming dalawa ng University dahil na kick-out ako at bumagsak sa isang subject, napabayaan ko ang studies ko dahil kaila Mama. Nag-away kasi kaming dalawa ni ate Ashtine— ate Ashtine was like my ate na.. kaya ganun na lang siyang magalit sa'kin 'nung nalaman niyang na kick-out ako.
Papunta na sana ako ng room ng biglang nabangga ako, siya siguro ang tinutukoy ng mga students dito na bully, base palang sa action niya kanina— well, ayaw ko na ng gulo ayaw kung bumalik ng Germany, ayaw ko pa naman mag-stay 'dun, ayaw ko na.
"What the fuck? Hindi mo ba nakikita ang dinadanaan mo? Are you fucking blind?" inis na tanong niya sa'kin kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.
Confirm siya nga 'yung bully.
"Sorry.. nag-mamadali na ako, late na ako sa first subject ko." sabi ko saka ko siya binunggo sa braso.
Hindi ko naman kasi inaasahan na babagsak ako sa isang subject na 'yun, tuloy back to freshmen ako, sayang ang four years. Kung anong pinag-aralan ko ay uulitin ko na naman. Gusto ko sanang mag-shift ng course pero hindi ako pinayagan ni Daddy.
And now I want my life back in peace, ayaw ko nang gulo sa year na 'to, at kung hindi baka talaga ay ipapadala na ako nila Mommy at Daddy sa Germany para tapusin ang pag-aaral ko 'dun.
"Transfer? Buti hindi mo na kita si Yumi, baka mamaya napagtripan ka." napatingin naman ako sa katabi ko ng bigla siyang nag-salita.
"Ahh, oo. Transfer, fourth year na sana ako ngayon kung hindi lang bumagsak, tsaka na kick-out, sinong Yumi?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Siya 'yung babae'ng siga dito sa campus, from Business Ad." sagut naman 'nung isa kaya naman tumango na lang ako sa kanila.
"By the way I'm Heart Ryan Evangelista."
"Hi! I'm Fatima Añonuevo, best friend namin 'yun kasu lumaki ang ulo kaya ganun." tumango na lang ako sakanya saka ako nanahimik na.
"Huh? Miss Santos please introduce yourself in class." si Mrs. Hernandez, Professor namin.
"Hi! I'm Pauline Bianca Santos, fourth year na sana kung hindi lang bumagsak." sabi ko naman.
to be continue..Follow me here for more update:
Facebook: LadyUnderTheDarkness STORIES
Instagram: _ladyunderthedarkness
Twitter: msamandagracewp
TikTok: a_ladyunderthedarknessMs. M
YOU ARE READING
I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]
RandomBIAMI Series One - LITZ Pauline Bianca Santos and Former LITZ Yumi Garcia "They say.. the more you hate, the more you love.." Yumi Garcia Officially Started: December 09, 2021 Officially Ended: July 06, 2022 The photo in the background credits to th...