01

1.5K 48 4
                                    

December 31, 2021

CHAPTER ONE

Pauline Bianca's pov.

Napatingin naman ako sa pinto ng condo ko ng biglang bumukas 'yun at ilinuwal 'dun si ate Ashtine, kaya naman nag-taka ako kung bakit nandito si ate Ash, akala ko ba busy siya sa thesis niya at plates sabi ko naman sa isip ko.

"Anong ginagawa mo dito? May problema ba?" takang tanong ko sa kanya, umiling naman siya sa'kin saka siya umupo at ilinabas 'yung laptop niya sa bag na dala-dala niya.

"Dito muna ako, wala akong kasama sa condo.. umuwi sila Mama sa probinsya." seryosong sabi naman niya kaya naman natahimik ako sa sinabi niya, kaya naman pala nandito dahil walang kasama.

"Alam mo ba ate, walang pinag-bago 'yung University ko ngayon." sabi ko naman sa kanya kaya naman napatingin siya sa'kin at iniwan 'yung ginagawa niya sa side table.

"Oh? May inaway ka na naman ba?" First day mo palang, ah."

"Hindi ko inaway. Ako nga 'yung inaway. Naka-banggaan ko kanina sa hallway."

"Sino?" takang tanong naman sa'kin ni ate.

"Yumi, Yumi 'yung pangalan kaibigan 'nung may ari ng University, wala namang issue sa'kin 'yun, kasalanan ko rin naman dahil muntik na akong malate sa klase ko kanina." sabi ko naman sakanya kaya naman napabuntong hininga siya dahil sa sinabi ko.

"Ah, nga pala.. naka-tanggap ako ng email.. uh.. exchange student sainyo, one week." seryosong sabi naman ni ate Ashtine kaya naman agad akong napalingon sa kanya.

"What? Seryoso? Tinanggap mo?" tumango naman siya sa'kin saka niya tinapus 'yung dapat niyang tapusin.

"Seryoso ka na ba talaga ate d'yan sa course na kinuha mo? Mahirap ba 'yung Architecture?" seryosong tanong ko naman kay ate Ashtine kaya naman napalingon siya sa'kin.

"Madali lang, kung gusto mo talaga ng Archi, depende naman 'yan sa mga plates at depende rin sa'yo kung madadalian ka sa course." seryosong sabi naman sa'kin ni ate Ashtine.

"Hey don't forget to wear your eyeglasses." sabi ko naman sa kanya.

"Yeah." sagut naman niya sa'kin, ni hindi manlang niya ako nilingon! Talagang busy siya kaya naman tumayo na ako saka nag-palit ng pambahay, saka ako nag-luto ng dinner naming dalawa ni ate Ashtine.

Sanay naman na akong lagi kaming mag-kasama simula 'nung lumipat siya galing Probinsya, transfer lang rin naman siya 'nung second year siya, sa University kung sa'n ako bumagsak. Alam naman niya kung anong dahilan kung bakit ako bumagsak. Dahil rin sa kanya ay nalaman nila Daddy tungkol 'dun.

Habang nag-luluto ako ng sinigang ay biglang nag-vibrate 'yung phone ko kaya naman napatingin ako kung ano 'yun, dalawang friend request lang pala 'yun sa Facebook tsaka sila Heart at Fatima lang pala 'yun, agad ko naman 'yun ina-accept.

"Hoy Bianca Marie! Bakit nakatingin ka d'yan sa phone mo habang nag-luluto!" sabi naman ni ate Ashtine, kaya naman napatingin ako sa kanya pero hindi naman siya nakatingin sa'kin!

"Wala! Gawin mo na lang 'yang ginagawa mo! Hindi ba't graduating ka na ngayon? Internship tapus mag-take ka pa ng board exam after two years?" seryosong tanong ko naman sa kanya.

"Oo, kung papalarin, anong linuluto mo?" takang tanong niya sa'kin, lumingon naman siya sa'kin saka itinigil 'yung pag-type sa laptop niya.

"Sinigang." sabi ko naman sa kanya. Ibinalik naman niya ka-agad 'yung tingin sa laptop niya.

Buti nga ay hindi siya na-s-stress sa course niya, eh. Buti nga ay gusto niya ang kinuha niyang course, ang alam ko ay balak siyang kunin ng Tita niya sa Spain. Kaya ayan tinatapus niya na 'yung pag-aaral niya, ng walang fail sa lahat ng classes niya. Running for Cum Loude ba naman.

"Ate, tuloy pa rin ba sa Spain?" takang tanong ko naman sakanya kaya naman napalingon siya sa'kin.

"Oo, pero— baka 'dun na rin ako kukuha ng licenses." sabi naman niya kaya naman tumango na lang ako sa kanya saka ko tinignan 'yung linuluto ko.

Napailing na lang ako ng maalala si Yumi, ang cute niya. Pero hindi ko gusto ang kanyang ugali, mas bagay sa kanya siguro ay ngumiti, hindi katulad kanina galit agad. Eh, siya ang nakabangga sa'kin kanina, wala naman akong magagawa dahil nangyari na, ang sabi sa'kin nila Heart at Fatima ay ganun na daw 'yun.

Pero ayaw ko na lang ng away or issue sa'kin dahil baka malalaman na namin nila Mama, si ate Ashtine ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako sa Pinas kasi kung hindi dahil sa kanya ay baka nasa Germany na ako, buti na lang talaga ay nauto ni ate Ashtine ang parents ko.

"Ate Ashtine! Kailan uli 'yung tinutukoy mo about sa exchange student thing sa P.U?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Bukas, sabay tayong papasuk."

Nang matapus akong mag-luto ay tinawag ko na si ate Ashtine, at mukhang tapus na rin siya sa ginagawa niya dahil busy ba naman siyang kaharap sa phone niya.

"Ate Ashtine! Kakain na!" sigaw ko naman sa kanya, kaya naman ilinagay niya 'yung phone niya sa bulsa ng skirt niya.

"Ma-tanong ko lang may close ka na ba sa P.U?" sabi naman ni ate Ashtine, tumango na lang ako sa kanya.

"That's good." sabi naman niya saka siya nag-focus sa pag-kain.

"Kamusta love life?" tanong ko naman sakanya.

"Plates ang jowa ko, Bianca." sagut naman niya sa'kin kaya naman napailing na lang ako sa kanya.

"Bakit kasi hindi ka pa mag-boyfriend?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko kailangan ng boyfriend, dahil aalis rin naman ako. After I graduate." seryosong sabi naman niya, okay naman kaila Tita na mag-boyfriend siya ayaw lang niya dahil ini-spoil niya 'yung bunso niyang kapatid.

"Pero kapag meron?"

"Ewan ko sa'yo, kumain ka na lang." sabi naman niya sa'kin kaya naman napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya sa'kin. Ever since may mga nanliligaw naman sa kanya pero halus lahat 'yun ay wala. Naka focus lang talaga siya sa studies niya na para bang ayaw niyang maging fail, panganay pa naman siya.

to be continue..

Follow me here for more update:

Facebook: LadyUnderTheDarkness STORIES
Instagram: _ladyunderthedarkness
Twitter: msamandagracewp
TikTok: a_ladyunderthedarkness

Ms. M

I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now