January 02, 2022
CHAPTER SEVEN
Bianca's pov.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako parating nakatingin o napapatingin kay Yumi, nahahalata na rin ako nina ate Ashtine, hindi ko din maintindihan si Yumi, dahil noon ay gusto niya ako parating napagtripan. Puro kalukuhan ang nangyayari sa'kin sa loob ng University nang dahil sakanya. Si Yumi ay tumigil na pero sila Cassy at Alex ay hindi pa 'yun tumitigil.
It's been a month, ngayon ay nasa library, wala akong magawa. Kasama ko 'yung dalawa kung kaibigan sila Heart at Fatima, si Marco naman ay may practice sa football. Niyaya nga niyang manood si ate Ashtine sa next game nila dahil para daw ay ganahan daw siyang mag-laro. Tinamaan ang luko.
"Bianca, please.. sabihin mo kay Ashtine na manood siya sa game ko, please.." kakalabas ko lang ng library ng biglang sumulpot sa harapan ko si Marco, kaya naman napatingin ako sa kanya saka ako napabuntong hininga, saka ako tumango sa kanya.
"Hindi kasi siya nag-r-reply sa mga messages ko, eh." sabi naman niya sa'kin kaya naman napabuntong hininga na lang ako sa kanya.
"Talagang hindi 'yun mag-rereply sa'yo, kasi nga busy 'yun, tsaka finals nila ngayon. Busy sa mga plates niya, ngayon.. well, baka manood 'yun ng game mo, kasi ang alam ko ay tinatapus niya na 'yung mga plates niya this week." seryosong sabi ko naman sa kanya, tumango naman siya sa'kin, kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.
"Tsaka kasama niya 'yung kapatid niya, kaya ayun.. bantay sarado na naman."
"Ahh, okay." sabi naman niya saka siya nag-lakad palayo sa'ming tatlo nila Fatima.
"Anak ng.. may gusto nga talaga kay ate Ashtine, pero mukhang may chance naman siya kay ate.." rinig ko namang sabi ni Fatima kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Kung may chance siya, pa'no kung ayaw naman 'nung kapatid ni ate Ashtine? Gusto kasi 'nun siya lang 'yung baby ng ate niya." seryosong sabi ko naman sa kanila, kita ko naman kung pa'no tumawa si Heart ng dahil sa sinabi ko.
"Tignan natin, well.. mapapalavan siya sa kapatid ni ate Ash." natatawang sabi naman ni Heart kaya naman napangisi ako dahil sa sinabi niya.
"Matagal na ba siyang nag-lalaro?" takang tanong ko naman sa kanilang dalawa.
Well, hindi ko alam kung anong gusto ni ate Ashtine sa lalaki. Wala kasi pa siyang nagugustuhan, and hindi ko naman siya masyadong nakaka-sama kaya hindi ko alam kung anong type niya o gusto niya sa iisang lalaki.
"Maybe, they know that.. they like each other, but they can't say it." seryosong sabi naman ni Heart, kaya naman napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Marco na nasa field ngayon. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka ako napabuntong hininga, nag-tama naman ang paningin naming dalawa ni Yumi, kasama niya 'yung dalawa, bigla na lang lumapit sa'min sila Cassy at Alex.
"Tss, napapansin ko parati kang nakatingin sa kaibigan namin, why.. do you like her?" napatigil na lang ako sa tanong ni Alex, agad namang sumunod sakanila si Yumi.
"Love.." rinig kung sabi naman ni Cassy kay Alex, kaya naman napalingon ako sa kanya.. pati pala sila Yumi at 'yung dalawang kasama ko ay napalingon rin sa kanilang dalawa.
Did I heard right? She called her love?
"Alam mo, Alex. Tama na. Let's go." sabi naman ni Yumi sa'min saka siya na unang tumalikod sa'min, bago pa siya tumalikod tumingin muna siya sa'kin. Saka siya ngumiti ng alanganin.
Randam ko namang lumapit sa'min si Marco.
"What.. happen? Sorry, hindi ko na kita. Naka-focus ako sa—" hindi ko na siya pinatapus pa.
"Hayaan mo na."
"Uh, hayaan mo na Bianca si Alex, ganyan naman talaga. At least diba, hindi ka na binubully ni Yumi." seryosong sabi naman ni Fatima, tumango na lang ako sa kanya. Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang nag-vibrate 'yun, si ate Ashtine lang pala 'yun.
"Hmm? Ate.. napatawag ka?" takang tanong ko naman sa kabilang linya.
[Wala naman.. gala tayo? Ayain mo na sila Marco.] seryosong sabi naman ni ate Ashtine, sa kabilang linya. Napangisi na lang ako, kita ko naman kung pa'no naguluhan sila Heart, Fatima at Marco.
"Sige."
"Uh, gala daw tayo sabi ni ate Ashtine."
"Ay, bad timing naman." si Heart, kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Susunduin ko pa si Gab." sabi naman niya.
"Edi, i-sama na lang natin si Gab." suggest naman ni Fatima, tumango naman si Marco sa sinabi ni Fatima.
"Sige."
______
Yumi's pov.
Hindi ko alam kung bakit sinugod ni Alex, si Bianca. Mag-s-sorry na sana ako sa lahat ng kalukuhan ng ginawa ko sa kanya, pero shuta! 'Yun pa 'yung ginawa niya.. ni Alex, buti na lang ay naawat ni Cassy. Hindi ko siya maintindihan.
"Bakit mo biglang sinugod si Bianca?" takang tanong ko naman sa kanya.
"Sorry, I thought she want a fight." pag-kasabi naman 'nun ni Alex, ay agad siyang binatukan saka ito sinamaan ng tingin ni Cassy.
"Aray ko naman, love!"
"Hoy! Hindi, ah! Hindi ganun 'yung tingin ni Bianca, kapag nag-aaya ng gulo! They looked like.. they like each other!" sabi naman ni Cassy, kay Alex.
"Sinira mo 'yung moment nila!" sabi naman ni Cassy.
"Alam niyo kayong dalawa, puro kayo kalukuhan. Nagiging third wheel na ako sainyo." sabi ko naman sa kanilang dalawa.
"Umamin ka na kasi." si Cassy.
"I don't want.. malay natin, she have a boyfriend." sabi ko naman sa kanila, tinawanan naman ako ni Alex.
"Gago ka ba? Pa'no ako aamin kung inaaway mo!?" inis na tanong ko naman sa kanya.
"Okay, maybe next time umamin ka na." sabi naman niya, napailing na lang ako sa kanya.
____
this story is fictional!
YOU ARE READING
I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]
AléatoireBIAMI Series One - LITZ Pauline Bianca Santos and Former LITZ Yumi Garcia "They say.. the more you hate, the more you love.." Yumi Garcia Officially Started: December 09, 2021 Officially Ended: July 06, 2022 The photo in the background credits to th...