02

1K 38 3
                                    

December 14, 2021

CHAPTER TWO
YUMI VS. ASHTINE

Yumi's pov.

Kinabukasan.

Papunta na sana ako ng room ng biglang may nabangga na naman ako, she wasn't familiar to after all, wala akong alam na may bago na namang students. Napatingin naman ako sa suot niya! Uniform ng Archi student from UST.

"Excuse me? Pwede padaan? Naka-harang ka kasi sa dadaanan ko." seryosong sabi naman niya kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Newbie?" takang tanong ko naman sa kanya saka siya nag-iwas ng tingin saka siya napabuntong hininga.

"Wala akong oras para makipag-talo sa'yo, I'm not newbie here. I'm just exchange student from my University, so please.. excuse me." seryosong sabi naman niya kaya naman mas lalo kung tinaasan ang aking kilay, mag-sasalita na sana ako ng biglang.. may dumating and it was her again.

Siya 'yung babae kahapon, ah?

"Ate Ash! Hanap ka ng Dean!" si Bianca. Kita ko naman kung pa'no tumango 'yung Ashtine na tinutukoy niya.

Ate niya 'yun? Napabuntong hininga na lang ako saka ako pumunta ng room namin.

"Hoy, Cassy. Hindi ka sinasabi sa'kin, may exchange student pala ang Architecture." sabi ko naman kay Cassy.

"Sis, wala rin akong alam, kanina ko lang nalaman na exchange student ng Architecture of UST si Ashtine Olviga, graduating na 'yun." sabi naman niya sa'kin kaya naman napatango na lang ako sa kanya.

"Olviga? Santos? They wasn't same surname.." sabi ko naman kaya naman napalingon sa'kin 'yung dalawa.

Natawa naman si Alex sa'kin kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ayus ka lang ba d'yan? Kinaka-usap mo 'yung sarili mo." natatawang sabi naman ni Alex sa'kin.

"Tinawag kasi ni Bianca 'yung Archi student na ate. The hell I care." sabi ko naman sa kanila.

"Yumi, mas matanda si Ashtine kay Bianca. Ka-edad natin si Bianca, parehas kasi silang University dati." sabi naman ni Cassy.

"That nerd girl?" takang tanong ko naman sa kanya.

"Class sa audio-room daw sabi ni Dean. Announcement ata."

~•~•~•~•~•~•~

"We'll having a exchange student from UST, Architecture student- please welcome, Ashtine Olviga." seryosong sabi naman ni Dean, nanlaki ang mga mata ko ng makita 'yung babae, she wasn't wearing her.. eyeglasses, parang hindi siya nerd.

O baka naman dahil sa kanyang itsura kanina na mukhang haggard. Fuck, naka lugay ang kanyang buhok na light brown na medyo nag-kulot dahil sa naka puyod ang kanyang buhok.

"Hi! I'm Ashtine Olviga, fifth year.. Archi." seryosong sabi naman niya kaya rinig na rinig ko ang buong audio-room dahil sa ingay ng mga lalaki.

"Miss, may boyfriend ka na?" rinig ko namang 'nung isang Engineering student.

"I don't have time for that thing." sagut naman niya.

~•~•~•~•~•~•~

Bianca's pov.

Kanina ko pa hinahanap si ate Ashtine, napalingon naman ako nang parang may inaaway na naman and it was Yumi, again. Siya na naman? Napatingin naman ako kung sinong babae'ng kaaway na naman niya- and it was ate Ashtine, palaban pa naman 'yung babae'ng 'yun.

"Ate Ash! Hanap ka ng Dean!" sabi ko naman.

Kita ko naman kung pa'no napangisi si Yumi, alam kung anong binabalak niya, wala akong paki-alam as long wala siyang ginagawa kay ate Ashtine, subukan niya lang talaga ay ako ang kanyang makakabangga. Exchange Student naman si ate Ashtine dito, gustuhin niya sanang lumipat ng University pero hindi na pwede dahil nga ay graduating na siya.

"Sino ba 'yun?" takang tanong sa'kin ni ate Ashtine kaya naman napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Yumi, siya 'yung tinutukoy ko sa'yo kagabi, hayaan mo na h'wag mo nang pansinin, taga USTe ka pa naman." sabi ko naman sa kanya kaya naman napailing na lang siya sa'kin. Sinamahan ko na lang siya papunta sa Dean Office.

"Sabihin mo rin 'yan sa sarili mo." sermon naman niya sa'kin kaya naman napatango na lang ako sa kanya.

Nang maihatid ko si ate Ashtine sa Office ng Dean ay bumalik na ako ka-agad sa classroom ko, bawal pa naman kasing ma-late terror pa naman 'yung Professor nami. Hanggang matapus 'yung klase namin ay palabas na sana ako ng room ng harangin ako nila Heart at Fatima.

"Sa'n ka ba galing kanina? Muntik ka pang maunahan ni Prof." takang tanong naman ni Heart, halus mag-ka-sunod ata kaming dumating 'nung Professor namin kanina.
"Kay Dean, sinamahan ko kasi 'yung best friend ko, na exchange student." sabi ko naman naman sa kanilang dalawa.

"Ah kaya naman pala."
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang mag-vibrate 'yun, si ate Ashtine lang pala, ang nag-text ang sabi ko kasi sa kanya kanina ay sabay kaming mag-recess

From: ate Ashtine
Message: dito na ako sa cafeteria na sa'n kana?

"Uh, tara na sa cafeteria, pakilala ko kayo kay ate Ashtine.." sabi ko naman sa kanila.

"Tara." si Fatima.

"Ate Ash, sila Fatima at Heart.. kaibigan ko." sabi ko naman kay ate Ashtine ng makarating kami ng cafeteria. Busy na naman siya sa kanyang thesis. Walang pahinga 'to.

"Hi, I'm Ashtine.."

"Busy ka pa rin ba sa thesis?" tumango naman siya sa tanong ko sa kanya.

"Nga pala, sino 'yung Yumi Garcia? Bakit ang tunog ng pangalan niya? Kahit sa Archi Building." sabi naman niya kaya naman napatingin ako kaila Heart.

"The one and only.. the bully." sagut naman ni Heart.

"Kahit mga graduating dito ay takut sa kanya?" takang tanong na naman niya.

"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo na hindi maganda? Teka anong nangyari d'yan sa braso mo?" seryosong tanong ko naman sa kanya nakita ko kasing may pasa siya, at alam kung wala 'yun kanina.

"Wala lang 'yan." naiilang na sabi naman niya sa'kin.

"Ate 'yung totoo may ginawa ba siya sa'yo?" seryosong tanong ko sa kanya. Kaya naman napabuntong hininga siya dahil sa inakto ko, sila Fatima at Heart naman ay nanahimik. Napatingin naman ako sa braso niyang may pasa. Kapag talagang sinabi niyang accidentally ang nangyari, talagang malalagut sa'kin si Yumi, hindi ko alam kung bakit.. kung bakit ganito siya.

to be continue..

Follow me here for more update:

Facebook: LadyUnderTheDarkness STORIES
Instagram: _ladyunderthedarkness
Twitter: msamandagracewp
TikTok: a_ladyunderthedarkness

Ms. M

I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now