HAPPY FIRST ANNIVERSARY BIAMI, dahil anniversary ng BiaMi now, slight na manakit muna ako charut, haha:)
February 28, 2022
CHAPTER TWENTY-SEVEN
MEET MAXINE PAULINEYumi’s pov.
Gusto ko siyang makita, kahit malabo nang mangyari.. wala na ‘yung taong mahal ko, wala na siya, I thought siya ‘yung kasama nila ate Ashtine nung isang araw, pero mali ako. Hindi pala siya ‘yun, kapatid niya pala ‘yun. Napatingin naman ako sa dagat, madalas kami noon dito ni Bianca, nung panahong okay pa kaming dalawa.. nung panahong nandito pa siya sa tabi ko, kasalanan ko ata kung bakit nangyari sakanya ‘to nung naaksidente siya.. tsaka tuloyan siyang nawala sa tabi ko.
I guess that’s it.. we are not meant for each other, wala na siya.
“Ate, ano pala ang ginagawa natin dito? Bakit nandito tayo sa dagat?” napalingon naman ako kay Ethan nang mag-salita siya. Nakatingin lang din siya sa palabug na araw.
“Wala lagi kasi kaming nandito ni Bianca.. noon..” seryosong sabi ko naman sakanya kaya naman napatingin naman siya sa’kin, kita ko kung pano nagunot ‘yung noo niya.
“You really love that girl, right? Kasi kahit ilang taon ang nakalipas.. she’s still in your heart ate.” seryosong sabi naman ni Ethan sa’kin kaya naman napatitig ako sakanya ng seryoso sakanya.
“Yumi!” may sasabihin pa sana si Ethan ng biglang may sumigaw ng pangalan ko, napalingon naman ako kung sino ‘yun si Fatima lang naman pala. Nang makalapit sila sa’ming dalawa ni Ethan, napatulala ako kung sino ‘yung kasama nila.. si Bia— este si Maxine, kasama nila si Elmo.
“Pano nyo nalaman na nandito ako?” takang tanong ko naman sakanila, hindi ko maiwasan na hindi napatingin sakanya.. kay Maxine.
“Oo nga pala.. uh, si Maxine, kakambal ni.. Bianca” seryosong sabi naman ni Fatima.
“Uh, Pau, si Yumi, ‘yung girl— este ex ng kakambal mo na si Bianca.” seryosong sabi naman ni Fatima, parang sarcastic pa ‘yung pag-kasabi niya nun.
“You know what, pwede mo namang sabihin na without a sarcastic.” inis namang rinig kung sabi naman nung isang babae.
“Okay lang,” sabi ko naman sakanila saka ngumiti ng mapait sakanila.
“Yumi, dadalaw kami kay Bianca, sama ka?” takang tanong naman ni ate Ashtine sa’kin kaya naman natahimik ako dahil sa sinabi niya.
“Diba sabi mo gusto mong sumama?” bulong naman sa’kin ng kapatid ko, hindi ko alam kung pano niya nalaman na gusto kung sumama sakanila na dumalaw kay Bianca.
“O-Oo, kung pwede sana..” nauutal na sabi ko naman sakanila, rinig ko naman ‘yung mahinang tawa sa’kin ng kapatid ko, gustuhin ko man siyang sitahin. Kasu hindi ko na ‘yun ginawa.
“Let’s go.. sasama pa ‘yang kapatid mo?” tanong naman sa’kin ni Fatima.
“Oo, hindi ko naman ‘yan pwede’ng iwan eh.” sabi ko naman kaya naman biglang lumingon sa’kin si Ethan, saka ako sinamaan ng tingin.
“I’m fine naman eh, naiwan ako here, pero ikaw ‘yung malalagut kay Mommy..” he whispered to me, kaya naman natawa ‘yung mga kaibigan nila ate Ashtine.. pati si Maxine. Buti naman ay hindi niya kasama si Elmo, pati talaga kakambal ni Bianca? Seriously? The fuck.
“Oh sige tara na..”
****
Maxine Pauline’s pov.
Hindi ko talaga alam, if matagal ko na siyang nakilala, pero bakit parang hindi ko siya matandaan? Bakit? Wala namang sinasabi si ate Ashtine, about kay Yumi. Pati rin sila Fatima, wala ring sinasabi, kahit tanungin ko pa sa parents ko wala rin.. parang may tinatago talaga sila sa’kin, minsan hindi ko sila maintindihan.
YOU ARE READING
I'm In Love With My Enemy [ COMPLETED ]
RandomBIAMI Series One - LITZ Pauline Bianca Santos and Former LITZ Yumi Garcia "They say.. the more you hate, the more you love.." Yumi Garcia Officially Started: December 09, 2021 Officially Ended: July 06, 2022 The photo in the background credits to th...