V

413 16 2
                                    

Celeste

"C'mon Honey let's eat. The dinner is already served."

"Okay."

Nagtungo kami ni Liam sa veranda ng rest house doon daw kami kakain ng special dinner.

Pagdating namin sa veranda may naka set na table for two at ang buong veranda napapalibutan ng magagandang ilaw. Nakahain sa mesa ang beef Wellington, pasta at Red Wine.

Napakanganda ng veranda matatanaw mo ang dagat na kulay asul may bonus pang sunset kaya mas lalong gumanda ang view.

Inalalayan ako ni Liam sa pagupo sa mesa.

"The food looks good."

"I know paborito mo yan."

"Yes, they are my favorite thank, you Liam."

"For you my beautiful wife. Naalala mo pa ba yung una tayong nagkita?"

"Yes, I remember that! Hindi ko malilimutan ang araw na yun." sagot ko habang sumusubo ng pasta.

"Sh*t! My car was broke!" bulalas ko.

Bumaba ako sa kotse para tignan kung bakit biglang huminto ang kotse ko nakita kong umuusok ito.

Ngayon pa talaga kung kailan may important client meeting ako. Kinuha ko yung phone ko para tawagin yung mekaniko ngunit hindi ito sumasagot.

"Aish! Answer the phone!"

"Miss, did you need help?" biglang tanong ng lalaking naka sakay sa pulang SUV.

"My car broke down. May client meeting pa naman ako."

"Then I can help you."

"How?"

"Ihahatid kita sa client meeting mo."

"How about my car?"

"Just leave it here. I will call my friend na isang mekaniko."

"Okay."

Kinuha ko yung bag, laptop at mga important files na kailangan ko for my client meeting today tapos sumakay na ako sa kotse niya.

"My friend said he's coming to pick up the car. Dadalhin niya sa repair shop."

"Thank you for helping me."

"No problem miss."

"Can we take pictures? For security purposes mahirap na baka may gawin kang masama sa'kin."

"Kunwari ka pa! Eh, magpapapicture ka dahil na gwapuhan ka sa'kin."

"Of course, not! For security purposes lang."

Kinuha ko yung phone ko para kumuha ng lirato kasama niya. I need this for security purposes baka mamaya may gawin siyang masama eh.

Nakarating na rin kaming dalawa sa coffee shop kung saan ko kikitain ang client ko.

"Thank you for helping me. Naabala pa tuloy kita

"No, problem Miss."

"Celeste Evangelista," pakilala ko.

"Liam Fajardo."

"Mauuna na ako Liam."

"Wait, may ibibigay lang ako sa'yo."

May kinuha si Liam sa wallet niya at iniabot ito sa'kin.

"Here's my calling card. You can call me on that number."

"Okay, I will call you. Thank you ulit Liam Fajardo. Basta I'll text you na lang kung paano kita pasasalamatan sa tulong mo.'

"Your welcome, Celeste Evangelista. Masaya ako na natulungan kita."

A Wife's RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon