Chapter 3 - 2/4

11 4 0
                                    

North's PoV

Zum gali gali zum gali gali. Starting a ritual. Why? Because this is the day. First day of being a freshy. It's seven AM and my first class is at eight AM. Nakaligo na 'ko. Nakakain. Ewan ko lang kay Feist, hindi yata magkapareho schedule namin ng classes. Hindi kami masyado naguusap simula noong naging roommate ko siya. Ay! Freshmen party pala ngayon! Muntik ko nang makalimutan!

Ayala texted me.

[ "Yala: Nasaan ka na??!! Ang daming nang tao dito North! Mauubusan ka ng Freshy tags." ]

Shia! Seven thirty AM pala start! Mag0trousers at long-sleeves na lang ako. Binilisan ko nang magbihis.

Naglalakad na ako ng mabilis. Bawal ako pawisan. Buti makulimlim ang araw ngayon. Habang nakikipagsapalaran ako sa sidewalk, may pumarada na nakamotor. Balot na balot siya sa itim na damit. Naka-leather-jacket at maong.

Wait...parang pamilyar itong sitwasyon ha. AH! Riding in tandem yata 'to!

Wala nang time para tumakbo. Tinago ko ang bag ko sa likod. Riding in tandem? Nasaan ang kasama niya? O kaya Holdupper na lonely?

Tinanggal niya ang helmet niyang kulay itim rin. Bumulgar sa 'kin ang pagmumukha niya. Normal lang ba 'to sa magnanakaw? May itsura naman siya. Ba't hindi siya magmodel kaysa magnakaw?

"Patungo ka rin ba sa University? Freshman ka 'di ba?" Sabi niya. Parang hindi naman siya magnanakaw.

Tumango ako. "Papunta rin kasi ako doon...Gusto mo makisakay?" Nagulat ako. Hindi pa nga niya ako kilala tapos papasakayin niya ako sa sarili niyang motor.

"Huwag ka mag-alala, sophomore na ako this year, and I'm going to be your senior... By the way, I'm Kai." Kai? Okay kapangalan si Khai sa Theory of Love. Pero bakit ako naisipan nitong pasakayin?

"Magse-seven twenty five na. Mauubusan ka na ng Tags." Totoo? 'Di pa nga niya talaga ako kilala or spy 'to? "Ganito na lang, if you let me drop you off sa school, I'll let you have my senior signature." Anong senior signature?

"Ahh..." I exclaim.

"North!!" Biglang may sumigaw. Si Rick pala, tinatawag ako. Nasa loob siya ng puting kotse.

"Sino kausap mo? Tara sama ka na sa 'min. Pupunta rin kaming University." Sabi ni Ricky.

'Yon! May masasakyan ako!

"So you're North, right?" Napatingin ako sa lalaking kausap ko na naka black, si Kai.

"Opo, kuya" Sagot ko.

"Kuya?" Clarify pa niya.

"North! Tara na!" Sigaw na ni Ricky habang kumakaway sa 'kin

"Kuya, may sasakyan na po ako. Mauna na po ako." Nagpaalam na ako sa weird na lalaki at naglakad papunta sa kotse ni Ricky. Lumilingon-lingon pa ako kay Kai habang naglalakad.

"Sino 'yong kausap mo, North?" Bulong na tanong ni Ricky. "Nakatingin pa rin siya sa 'tin."

"Hindi ko rin alam, sophomore daw siya, senior ko." Bulong ko rin kay Ricky.

Nakita ko nang sinuot ni Kai ang helmet niya at umalis kasama ang motor. Pumunta na rin kami sa University. Nagtataka pa rin ako sa lalaking 'yon, Kai pangalan. Hindi normal ang magpasakay ng hindi mo pa kakilala.

Habang umaandar ang sasakyan, Tinanong ako ni Ricky kung nasaan na si Feist. "Tulog pa rin ba si Feist no'ng umalis ka sa apartment niyo?"

Si Feist? Hindi naman kami masyado nag-uusap. Parang sampong salita lang ang sinabi namin sa isa't isa sa buong linggo na 'to tapos tungkol sa gawaing bahay pa. Magkaiba yata kami ng schedule pati sa bahay. Nakakulong ako buong araw sa kwarto ko hanggang hapon tapos lalabas lang ako ng gabi para magluto. Minsan ko lang siya makita, sa tanghali ang pinakamadalas.

Ewan ko kung anong ginagawa niya't ginagaya niya akong magkulong sa kwarto. "North." Pagtawag sa 'kin ni Ricky habang binabangga sa 'kin ang kanyang balikat. Agad pumitik ang aking sarili sa realidad.

"Hah? Si Feist? Hindi ko alam, hindi naman kami masyadong nakikipag-usap sa isa't isa... Pero oo, tulog pa yata, nakalock 'yong pinto ng kwarto niya...Chineck ko bago ako lumabas." Sabi ko.

"Aah...Kasi ang strange, pareho naman kayo ng schedule of classes. Siguro ayaw lang niya umattend ng orientation."

Napatingin ako kay Ricky. "Pa'no mo nalaman na magkapareho kami?" Lito kong tanong.

Ngumiti siya ng bahagya. "Ano kasi, 'di ba no'ng isang araw ay bumisita ako sa inyo. Nakita ko schedule mo sa wallpaper ng lockscreen ng CP mo." Sabi ni Ricky.

"Luh, Stalker ka ha?" Bigla siyang tumawa.

"Hindi, hindi."

"Pero kung magkapareho kami ng schedule, siguro magkapareho rin kami ng course na kinuha?" Pagtataka ko.

"Oo, nasa film making din si Feist." Nagulat ako sa sinabi ni Ricky. Nagbibiro lang ako na magkapareho course namin pero totoo pala.

"Weh!?" Hindi ako makapaniwala. 'Yong tao na 'yon ay nasa Films din?

"Oum." Paglinaw ni Ricky habang tumatango.

CalendarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon