Chapter 6 - 1/4

14 3 2
                                    

North's PoV

It's the second day today and this is the official start of classes. No more playing. No more mushrooms of comedy.

Nasaan ang phone ko?

Kinalkal ko agad bag ko. Bawal ko makalimutan 'yon! Malapit na ako mataranta, o natataranta na ako.

Ito.

Nahanap ko na, nasa sulok lang pala ng bag ko. 'Yong schedule din ng classes ko nasa phone ko. Bago lang kaya 'tong phone ko kaya iniingatan ko.

Alam kong Filmmaking unang subject namin. Klase ni Mr. ...Martinez. Nakikita ko sa lockscreen. Nakalagay sa sched ay nasa room eight of filmmaking 'yong klase. Inner building.

Dito.

Nakatayo na ako mismo sa building. Pero nasa taas na taas pa 'yong film room.

Oh-

May elevator sila. Sa Campus. Ang galing. Sorry, walang mga elevator sa highschool.

Naghihintay ako sa harap ng elevator. My mind's telling me 'maghagdan ka,' ayaw ko nga. Nakatayo ako ngayon habang nakikita ang numero sa taas ng pinto ng elevator na bumababa.

Parang may hindi akma. Tinignan ko ang oras sa lockscreen ng phone ko, eight forty-five. Malapit na akong ma-late. Tumingin ulit ako sa portal ng elevator. Three na, maya-maya makaka-akyat na ako.

Students keep piling up para gamitin rin ang elevator. May kataka-takang lalaking tumabi sa 'king gilid. I looked at him head to toe. Nakasalamin, naka-earphones tapos jeans. Typical college students.

Tinignan din niya ako sa mga mata. I felt awkward.

"Hi." Kumusta niya.

Tumango na lang ako sa harap niya.

Habang naghihintay bumukas ang elevator, nagtanong siya. "Films ka?"

Tumango ulit ako sa tanong niya. Pero bakit parang bulol siya sa letter L. Parang narinig ko kasi 'Fims.'

Fims ka? Fims na khap? Pamilyar 'yong accent. Thai?

Siguro Films rin siya. Ang dami ko namang nababanggang ka-uri ko. After ages, nagbukas na ang elevator. Eight fifty na rin.

Katabi ko siya ngayon sa isang sulok habang tumataas kami.

Lumihis ako sa kanya, "ako si North." Bulong ko.

Bumaling na naman mga mata niya sa 'kin. Lumihis din siya. "Ako si Red." Bulong din niya. Para kaming drug dealers. Feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga tao sa elevator.

Inayos ko na mga gamit sa bag ko. Sabay labas ng lahat ng tao sa elevator.

"Same ata tayo ng sched at unang klase." Sabi sa 'kin ni Red habang sinusubukan kong ayusin case ng phone ko.

"Hmm?"

"Ang phone mo may sched."

"Ahh, oo ni-lalockscreen ko class schedule ko." Fifty percent ng college students do this-

Napatigil ako sa paglalakad. "Films ka rin?" Tanong ko kay Red.

"Krub"—yes in Thai. Mahinang sagot ni Red.

Khap? Sagot niya khap? Nalilito ako. "Ah, Oo," sagot niya ulit.

I become silent for a second. I have this instinct na marunong siya mag-thai. Pero maybe siguro mali ang instinct ko at accidentally lang niyang nasabi ang khap. Pero hindi, from the looks of him, parang may thai blood siya.

"Thai dai mai?" Tanong ko na parang nasa suspense scene kami. It translates to something like 'are you thai?' Baka mailabas ko inner Thai niya kapag nagsaboy ako ng Thai words. Or kapag hindi gumana at hindi talaga siya Thai, magmumukha akong baliw.

Tumingin siya kaliwa't kanan at bumalik sa mga mata ko kasama ang buong sirko. Huminga siya ng mababaw sabay sagot, "chai"—Yes in Thai.

Muntik na akong hindi maniwala sa sagot niya. "Phom-phom thuk!"—I-I was right!

"Saychatyan khawng phom thuk tawng!"—My instincts are right! Nagdidiwang ako sa wala. 'Di ko namalayang ma-lelate na kami.

Biglang tumunog ang alarm ng phone ko. Nine na! Huy! Okay lang mamatay basta 'wag late! First day of class pa.

"Shia! Pai kan thue rao ja ma say"—Sh*t! Let's go, we're gonna be late. 

CalendarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon