--KABANATA 1--
YASHAN's POV
KASALUKUYAN ako ngayong papunta sa Lithan Academy kasama ang iba pang mga estudyante na galing rin sa iba't-ibang paaralan na mula rin sa iba't-ibang kaharian.
Galing ako sa isang maliit na bayan na nasa dulo ng Eranos Kingdom. Ang bayan ng Sintle, may katamtaman lamang na pamumuhay ang mga naninirahan doon. Hindi mayaman at hindi rin naman mahirap.
Kahapon ay bigla na lamang nag-bigay ng anuns'yo ang headmistress ng L.A at sinabi na maaaring pumasok ang mga piling mag-aaral mula sa iba't-ibang paaralan.
Ang mga mag-aaral na ipapadala sa L.A ay dapat may mga ibubuga.
Walang limitasyon ang bilang ng estudyante na maaaring ipadala ng bawat paaralan subalit dapat ay karapat-dapat ang mga ito.
Inilibot ko ang paningin sa paligid at hindi na nagulat pa ng makitang marami kami.
Aabot sa daan ang aming bilang.
Maraming magkakakilala at masasabi kong ako lamang ang walang katabi o kasama na galing rin sa Sintle High.
Ako lang kasi ang masasabing malakas sa paaralan na pinanggalingan ko. Dahil kagaya nga ng sinabi ko kanina, isang maliit na bayan lamang ang lugar namin kung saan bilang lang rin ang mga naninirahan.
Walang propesyunal na guro na siyang maaaring makapag-hasa ng mabuti sa aming mga Vi. Ayan ang isa sa dahilan kung bakit walang panama ang mga estudyante ng Sintle High sa ibang mga estudyante na galing sa paaralan na nakatayo sa lungsod at mas malalaking bayan.
Isa pang problema ay ang mga Vi na mayroon ang mga Lithians sa Sintle High. Mas'yadong simple at normal ang karamihan sa taglay nilang Vi na hindi kailangan pagtuunan ng pansin para paunlarin dahil wala rin namang maitutulong sa pakikipag-digma.
Maaari naman na mag-aral ang mga lithians mula sa bayan namin sa ibang paaralan subalit nasa dulo na kami ng Eranos Kingdom kaya naman magiging pahirapan ang pag-pasok sa ibang eskwelahan.
Malayo rin kasi ang bawat bayan sa isa't-isa lalo naman ang lungsod kaya mas pinili ng mga naninirahan sa bayan namin na manatili nalang sa paaralan na mayro'n kami.
"Aru!" Kinunutan ko siya ng noo matapos niyang ikiskis ang ulo sa pisnge ko
Si Aru ay isang kwago.
Kasama ko na siya bata palang ako.
Nakita namin siya no'n ni ama sa gubat at may tama ng palaso ang kan'yang kanang pakpak kaya naman ini-uwi namin siya sa bahay at inalagaan.
Sinubukan ko siyang palayain but he kept on coming back kaya naman kinupkop ko na siya.
I groaned ng lawayan niya ako.
Damn this playful owl!
Bumabawi ba siya dahil sa ginawa ko kaninang pagpapatakbo ng mabilis sa kalesa kahit natatakot siya? Tss!
I was about to grab him pero bigla nalang siyang lumipad at nawala.
That bastard owl is not ordinary, he can turn himself into an invisible owl.
I sighed at itinuon nalang ang tingin sa labas ng tren.
Kung hindi ko lang kailangan ang kwago na iyon para makapag-padala ng mensahe kay Gineva kahit kailan ko gusto ay hindi ko siya isasama.
Napailing nalang ako matapos maalala ang magulang ko.
Si Geniva ay matalik na kaibigan ng mga magulang ko subalit sa kasamaang palad ay namatay ang mga ito matapos sumulpot ng mga Daralo na higit sa limampu ang bilang sa aming bayan sampung taon na ang nakakalipas.
BINABASA MO ANG
Lithan Academy: The Mysterious Lithian (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
FantasyYou can read the whole story on (NOVELAH APP) 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1: 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐘𝐒𝐓𝐄𝐑𝐈𝐎𝐔𝐒 𝐋𝐈𝐓𝐇𝐈𝐀𝐍 YASHAN CASMONIA, a young mysterious lithian thought that she fully knows herself, but, it turned out that she was wrong because...