--KABANATA 2--
YASHAN's POV
"LITHAN ACADEMY," Basa ko sa nakaukit na letra sa itaas ng gintong gate.
Ang Lithan Academy na magiging paaralan ko na rin simula sa araw na ito. Hindi ko maitatanggi na talaga namang nakakamangha ang paaralan na ito.
Hindi na nakakapagtaka kung bakit sikat na sikat ito sa mga lithians.
Mataas ang pader na naging designs na ang mga makukulay na bulaklak.
Labas palang ng paaralan ay napakaganda na, paano pa kaya ang sa loob?
"Wow! Sobrang ganda pala talaga nitong L.A."
"I still can't believed that i'll be studying here from now on."
"Oh my gosh! I'm so excited to stay here."
Napatango-tango nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga estudyante na nakasabay ko sa pag-punta rito.
Tama naman sila e.
Unti-unting bumukas ang higanteng gate kasabay ng pag-bungad sa amin ng mas magandang tanawin.
Agad na nag-unahan sa pag-pasok ang mga kasama ko kaya naman napapailing akong sumunod sa kanila.
As expected from the most popular school for lithians, the scenery is truly breath taking.
Magagandang bulaklak sa paligid, malinis na daan, malulusog na puno at may mga nagliliparan pang makukulay na ibon at paru-paro.
Malawak rin ang paligid at maraming nagtataasan na building.
"Amazing,"
Malayong-malayo ito sa paaralan na pinanggalingan ko. Ang Sintle High kasi ay napaka-simple lang.
"Attention please," Napalingon kaming lahat sa taong nag-salita
"Sound Manipulator," The first word that came out from my mouth dahil sa kabila ng ingay ng mga excited na estudyante ay narinig naming lahat ang boses nito
"That's right! It's so cool isn't it? That kind of Vi is quite useful. Sana ay gan'yan nalang rin ang Vi na mayro'n ako."
"Shut up Seph! You are being demanding. Why don't you just thank the goddess hariya for gaving you a Vi?"
Tinitigan ko lang ang dalawang tao na bigla nalang sumulpot sa tabi ko.
May kayumanggi silang balat at mataas na height. Normal na katangian ng mga lithians na mula sa Santes kingdom.
Bumaling sa akin ang babae tsaka malapad na ngumiti, "You looked cute, anong pangalan mo?" She boldly asked na para bang matagal na kaming magkakilala
Hindi ko dapat siya papansinin pero naalala ko bigla ang sinabi ni Geniva. Isama mo pa si Aru na agad umiling matapos mapagtanto ang dapat ay gagawin kong pag-iignora rito.
Tss.
Ngumiti ako ng peke tsaka inilahad ang palad ko for a shake hand, "Yashan Casmonia," Pakilala ko
Agad niya naman iyong tinanggap bago niya ipinakilala ang sarili.
"Olivia Laspel, at siya naman ang kaibigan ko." Itinuro niya gamit ang hinlalaking daliri ang lalaking kasama na agad namang humarap sa akin
"Joseph Larose, but you can call me seph. ikinagagalak kitang makilala Yash, is it okay for me to call you that?" Ngumiti ito kaya nginitian ko nalang rin siya
"No problem,"
"Then call me oliv," Singit ni Olivia and I just nodded my head bago namin ituon ang atens'yon sa harapan
BINABASA MO ANG
Lithan Academy: The Mysterious Lithian (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
ФэнтезиYou can read the whole story on (NOVELAH APP) 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1: 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐘𝐒𝐓𝐄𝐑𝐈𝐎𝐔𝐒 𝐋𝐈𝐓𝐇𝐈𝐀𝐍 YASHAN CASMONIA, a young mysterious lithian thought that she fully knows herself, but, it turned out that she was wrong because...