——KABANATA 5——
3RD PERSON's POV
“We finally got back to L.A, I badly want to wash myself.” Ani Zakeinya “Kein” Puffin habang nag-uunat ito.
Kasalukuyan silang nag-lalakad papunta sa kanilang dormitoryo dahil kagagaling lang nila sa opisina ng Headmistress upang mag-report tungkol sa nangyari sa kanilang mission.
Ang dahilan kung bakit ilang araw rin silang wala sa L.A.
Sa isang bayan kasi na matatagpuan sa Norbes Kingdom ay may nangyayari na pagkawala ng mga bata that's why the hm sent them there to investigate the case.
As a part of Stelle na siyang tawag sa mga estudyante na pasok sa Rank 1-10 at bilang member na rin ng royalty ay sila ang na atasan na i-solved ang problema sa bayan na iyon.
Nalaman nilang ang pinuno lang pala ng bayan na iyon ang kumukuha sa mga bata upang i-alay sa isang Daralo na bigla nalang sumulpot sa kanilang bayan.
Ginawa raw iyon ng matanda upang hindi silang lahat patayin ng malakas na Daralo.
But because it's still wrong ay ikinulong pa rin siya. Mabuti na nga lang at hindi napahamak ang mga bata na nagawa pa nilang iligtas no'ng araw na ng pagkain ng halimaw sa mga ito.
Malakas ang Daralo at mukhang ibang uri ito dahil tila may kakayahan itong mag-isip kahit papaano.
Medyo nahirapan nga sila sa pakikipaglaban rito e, pero nagawa pa rin naman nila itong matalo.
“Me too, I also miss my bed.” Sang-ayon naman ni Proulx Floquet sa sinabi ni Kein
Sa pinuntahan kasi nilang bayan ay hindi nila nagawang maligo o matulog man lang ng maayos dahil bukod sa kailangan nilang maging alerto anumang oras ay hindi rin sila kumportable sa mga bagay roon.
Malamig ang tubig sa Norbes na sa ilog lamang kinukuha ng mga Lithians roon. Ang higaan naman nila ay hindi gano'n kalambot.
Hindi sila roon sanay dahil bilang importanteng lithians sa lupain ng Lithia ay sanay silang nakaka-tanggap ng special treatments.
“Mami-miss ko ang bayan na 'yon.” Sabi naman ni Drake Escoffier kaya napairap nalang sila
“Ang bayan ba ang mami-miss mo o ang mga dalaga roon?” Tukso ni Dwyer Collymore na pinsan ni Proulx
“Both,” Ngising tugon nito kaya binatukan nila ito
Halos pakikipag-landian lang ang ginawa nito sa mga dalaga ng bayan na iyon no'ng naroon pa sila.
Playboy talaga.
“You guys are just bitter, palibhasa ay nag-seselos kayo dahil ako ang pinaka-sikat sa ating lahat.”
Agad na umasim ang mukha nila dahil sa sinabi nito. Alam naman nilang lahat na hindi iyon totoo dahil kung may sikat man sa kanilang royalties si Venom at Dark iyon.
“Lol!Binabangungot ka na naman ng gising Drake,” Ani Aphelion “Lion” Verlice na kan'yang pinsan
“Edi wow! Inggit ka lang dahil hindi mo ako kagaya. I take care of girls while you are treating them bad.” Dumila pa si Drake kaya sinamaan ito ng tingin ni Lion tsaka sila nag-habulan
“Parang aso't-pusa talaga ang dalawang 'yon.” Irap na sabi naman ni Beverly “Verl” Puffin na kambal ni Kein.
“Pabayaan niyo nalang sila, hindi na kayo na sanay sa dalawang 'yon.” Ngiting sabi naman ni Dark Monterrey
BINABASA MO ANG
Lithan Academy: The Mysterious Lithian (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)
FantasyYou can read the whole story on (NOVELAH APP) 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 #1: 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐘𝐒𝐓𝐄𝐑𝐈𝐎𝐔𝐒 𝐋𝐈𝐓𝐇𝐈𝐀𝐍 YASHAN CASMONIA, a young mysterious lithian thought that she fully knows herself, but, it turned out that she was wrong because...