CHAPTER 2-❤BEAUFORT MANSION❤

11 1 0
                                    

Nasa taas po ang picture ng bawat lugar.. 😊😊

Photos are not mine ❗
Credits to the rightful owner😊😊😊

Sandro's Pov:

"Nananahimik ka ata, Alpha. May bumabagabag ba sa iyong kaisipan? O baka naman dahil dun sa babae sa cafe na panay ang titig sayo.hahaha", panunukso ni Zeke ang aking beta at bestfriend ko.

"Oo nga naman Alpha, baka naman, siya ang mate mo? Kaya napapatulala ka diyan, ayaw mo lang sabihin samin? Hahaha", dagdag pa ng aking delta na si Clinton.

"O baka naman na love at first sight ka na, Alpha.. Okay lang yan pinagdadaanan talaga yan ng mga kabataan ..", Xander said, ang aking Zetas (highest ranking warriors in the pack). Nakikihalo na rin pala ang mokong na to. Matindi pa kung mang-asar.

Pinasadahan ko silang lahat ng matalim na tingin and slightly growl na animo'y sasakmalin ko silang tatlo. Kaya parang biglang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan. Kapag kami lang kasi ang magkakasama hinahayaan ko lang na casual ang aming pag-uusap. Nakakalimutan ata ng tatlong ugok na ito na ako parin ang kanilang Alpha. Pero kahit naman mapang-asar yang mga yan, kaibigang tunay ko silang lahat. Tumayo ako at lumapit sa bintanang salamin ng aking balkonahe, nandito kami ngayong apat sa bahay na pag aari ko sa Manila. May punto naman sila, di naman talaga maalis sa aking isipan ang babaeng yon.

Sa mala anghel niyang kagandahan, kaputi-ang taglay, mahaba at maalong buhok na tinirnuhan pa ng mapula at tila malambot na labi ay sadya naman talagang nakakabighani siya. Sa unang kita pa lang alam ko ng siya ang aking mate, dahil sa amoy nitong strawberry mint with chocolate , ngunit ayokong ipaalam yun sa kanila dahil ayokong madamay siya sa alitan namin ng DARK WOOD PACK at ng iba pang pack's, its really hard lossing someone you treasure. Ngayon pang papalakas sila ng papalakas dahil sa pakikipag-alyansa ng MADFUR CLAWS at FEARLESS HUNTERS.

"Bukas na ba ang uwi natin Alpha sa NIMUEK?, pagtatanong ni Zeke. Na nakapukaw ng aking atensyon.

"Oo, matagal-tagal na din tayong wala sa bayan. Kaya panahon na para umuwi at gampanan ang mga tungkulin doon"- seryosong sagot ko.

"Thanks God., after a long ride. Makakauwi na din."saad ni Clinton na akala mo naman hindi nag-enjoy sa states kasama ang mga babae.

"Aayusin ko lang ang mga gamit Alpha para wala na tayong makalimutan bukas.", anas ni Xander. Napaka resposable talaga ng isang to.

Madaling araw pa lamang ay napag-pasyahan na naming umalis patungong bayan ng NIMUEK. Ang aking tahanan.

Naging matagal ang aming paglalakbay dahil sa kalayuan nitong taglay sa Manila. Lumipas pa ang ilang oras, naramdaman ko na ang simoy ng malamig na hanging pumapasok sa bintana ng sasakyan. Kung maliwang na siguro ay makikita ko na ang matataas at matatayog na punong kahoy na nababalot ng malalagong dahon. Iisipin mong walang nakatira sa lugar na ito dahil sa ito ay puno ng kakahuyan at tanging sinag lamang ng araw ang nagbibigay liwanag sa daanan.

------------
AUTHOR'S POV:

Sibilisado na rin naman ang bayan ng NIMUEK, mayroong cafe, internet access, bar, pamilihang bayan, paaralan ng elementarya, high school, college, simbahan, malls at mga pasyalan. Mayroon din itong dagat at malawak na bukirin. Marami na din ang nakatira dito at halos karamihan dito ay mga lobo. Maganda ang pamamalakad sa lugar na ito ng kanilang Alpha, walang sino man ang nagtatangkang gumawa ng gulo. Dahil wala itong awang pumatay kung mapatunayang nagkasala ka. Gayunpaman patuloy parin ang pagpapatrolya ng mga Zeta's at Omega sa kanilang bayan, sapagkat my mga mangilan-ngilang rogue na namamataan.

-------------

Sandro's POV:

"Nalaman mo na ba ang kadahilanan ng pag-aalyansa ng ibang pack sa DARK WOOD PACK, Alpha.?", tanong ni Zeke.

"Hindi pa sa ngayon, Zeke. Pero isa lang ang nasisigurado ko nagpapalakas sila upang labanan tayo.", sagot ko habang nakatingin parin sa labas. Kaming dalawa lang ni Zeke ang gising, sapagkat himbing na himbing sa pagkakatulog ang dalawang ugok na nasa backseat ng sasakyan.

"Wala naman ata tayong dapat ipangamba Alpha, diba? Kaanib natin ang malalakas na pack.",saad ni Zeke na patuloy ang pagmamaneho.

"Sa ngayon siguro wala pa.", sang-ayon ko habang nakapikit na.

Habang binabaybay namin ang daan patungong pack house, biglang pumasok sa isip ko ang babaeng yun na nasa cafe. Hindi parin pala talaga siya nawawala sa isip ko. Ganito ata talaga ang tinatawag nilang mates bond.

"Bakit kasi hindi mo pa inalam ang pangalan niya, paano kung maunahan ka ng iba?, tucker (ang wolf ko)

"Alam mong kailan man hindi ko sineryuso ang pagkakaroon ng isang mate, makakasagabal yan saking mga plano.", sagot ko.

"Ayaw mo ng mate pero gustong-gusto mong maki-paglampungan sa ibang babae.", tucker.

Isang buntong-hininga na lamang ang aking isinagot at sabay block dito. Baka kung saan-saan na naman mapunta ang usapan namin. Knowing na ayaw nitong magpatalo.

"Another chapter. Hope you like it, my dear readers 😊😊"..

***********
xxxlheizhyllxxx

Hidding the Pup's Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon