CHAPTER 8-❤ABOT TANAW❤

5 1 0
                                    

Nasa taas po ang picture ng bawat lugar.. 😊😊
Photos are not mine ❗
Credits to the rightful owner😊😊😊

Jzhielle's POV:

" Hindi mo na sana pinatulan pa ang Alpha, iha.", wika ni nanay Norma. Habang nag-aayos ng pagkain namin.

" Kasi naman ho inay ang yabang niya.", naiinis kong sagot. Mayabang naman kasi ang lalaking yun.

" Basta sa susunod pag-pasensyahan mo na lang ang aming Alpha, iha
..", pakiusap ni tatay Johnny.

"Opo 'tay.", sumang-ayon na lamang ako. Sapagkat ayuko ng humaba pa ang usapan.

" O siya, sige kumain na tayo. ", pag-anyaya ni nanay.

Matapos ang aming hapunan ay pumanaog na ako sa aking kwarto, nanonood pa kasi sila nanay at tatay ng t.v sa baba.

...argh.. Nakakainis talaga ang lalaking yun, strike two na siya..aisttt..gwapo nga sana ugaling aso naman..ang lakas daw ng loob kong sagutin ang kanilang Alpha...Sabi ng mga tao roon sa farm kanina...Nakakabadtrip siya...bwesit naman talaga...

Sabay hampas sa unan. Para akong tangang kinakausap ang sarili. Naalala ko nga pala hindi pa ako nakakahawak ng cellphone simula ng pagdating ko dito. Hala lagot na. !!

Dali-dali kong kinuha at binuksan ang aking cellphone. Sunod-sunod ang mga mensaheng nagsidatingan, mula kila mommy at daddy at sa tatlo kung beshy. Agad ko naman dinial ang video call para makita at makausap sila mommy. Online naman kasi ito kaya inunahan ko na. Sandali pa itong nag-ring bago sagutin.

" Mom, Dad.", tawag ko sa kanila ng rumihestro ang kanilang mukha sa screen ng aking cellphone.

"Salamat naman sa Diyos anak, at naisipan mo na kaming tawagan. Alam mo bang alang-ala na ako sayo?, di ko lubos maisip kung napano ka na diyan?", pag-aalala at maluha-luhang wika ni mommy.

"Alam mo bang pasusunduin na sana kita diyan anak, kung hindi ka pa tumawag samin. Halos dina kami makatulog kakaisip kung bakit di ka pa nagpaparamdam.", inis at may halong pag-aalalang bungad sakin ni daddy.

" Pasensya na mom, dad. Di ko ho kasi namalayan ang paglipas ng araw. Sorry na mom, dad. Di na po mauulit,", pag-hingi ko ng paumanhin. Naging matagal ang pag-uusap namin nila mommy at daddy. Pinaliwanag ko na din ang lahat upang maibsan na ang kanilang pag-aalala. Natuwa naman silang nag-eenjoy ako dito kila nanay Norma. Kung kaya pumunta na lang raw ako ng states kapag handa na ako.

Sunod ko naman tinawagan ang tatlo kong kaibigan, di na ako nag-abala pang basahin ang mga mensahe nito total online naman sila sa gc.

"Oh my gosh, look who's here. My goodness. It tooks how many days bago mo kami tinawagan. Humihinga ka pa pala", wika ni Alora na may halong inis.

" So, you remembered us pa pala. Buti naman at naisipan mo pang-magparamdam sa amin. Titirik na sana kami ng kandila para sa missing soul.", supladang saad ni Livvy

" Akala ko nilamon ka na ng lupa dyan. Tagal gurl ha. Akala ko ba pagdating mo agad dyan, magsesend ka na ng picture saamin?", taas kilay na turan ni Kiesha.

" Pasen-sorry na mga girls. Diko sinasadya.", pag-hingi ko ng tawad sa mga ito with matching paawa effect. Minsan talaga masama rin ang tabas ng dila ng mga to. Di rin nagtagal ay dina nagsusungit ang mga ito. Napahaba rin ang aming kwentohan. Naikwento ko rin sa mga ito ang lahat. Akala ko pa naman maiinis sila sa ginagawa ng ugaling aso na yun bagkus, ay tinutukso-tukso pa ako ng mga loka-loka.

Matapos ang aming pag-uusap ay napag pasyahan kong lumabas muna sa balkonahe ng aking kwarto. Malamig ang simoy ng hanging nanggagaling sa kakahuyan sa tabing kagubatan nila nanay norma. Matiim kong pinagmamasdan ang mga bituin sa langit, ng madako ang aking paningin sa kakahuyan. Isang lalaking nakakubli sa puno ang aking namataan.??  Bigla akong kinabahan at nagsipagtayuan ang aking mga balahibo. Kaya naman dali-dali akong pumasok sa aking kwarto't nilock ito.

Sino kaya ang lalaking yun? ...
Anong gingawa niya roon?? Ng ganoong dis-oras na ng gabi... ???
Guni-guni ko na naman ata ang bagay na yun....aixt..humiga na lang ako sa aking kama.

Sandro's POV:

Agad-agad akong nagkubli sa malaking puno ng makita kong nakatingin siya sa gawi ko. Ganoon na ba kalakas ang aking presensiya para maramdaman niya? Ilang minuto pa ako sa ganoong ayos ng tinangka kong sumilip ulit ngunit wala na siya doon. Sarado na rin ang pinto ng balkonahe at nakapatay na ang ilaw sa kanyang kwarto kaya naman lumabas na ako mula sa aking pinagtataguan. Nalaman kong dito sila nakatira dahil sinundan ko ang sasakyan ni Mang Johnny ng makita ko itong pauwi na galing sa farm isang beses. Ngayon lang ako nagtangkang pumunta dito dahil sa di ako matahimik sa kakaisip na baka nasaktan ko ng husto ang damdamin niya sa mga binitawan kong salita kanina. Ayaw ko man ngunit kusa akong dinala ng mga paa ko sa kanya. Maiiwasan at mapipigilan ko ba talaga ang nakatakda?..???

..babantayan kita mula sa malayo.. .. Kung yun ang tanging paraan para maalagaan kita kahit papano...aking mate....bulong ko sa aking sarili habang nakatanaw sa kanyang silid....Sabay takbo papasok s kakayuhan patungong pack house.

*********
xxxlheizhyllxxx

Hidding the Pup's Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon