CHAPTER 12-❤PINAGMAMASDAN KITA NG 'DI MO ALAM❤

9 0 0
                                    

Maybe some other pictures at the top are not related to the title chapter, but please read the story line..😍😍😍 thank you and wabyu readers 😘😘

Jzhielle's POV:

Maputing kisame at maliwang na ilaw ang tumambad  sa akin sa pagmulat ng aking mga mata. Batid kong hospital iyon. Malinaw pa sa aking isipan ang mga pangyayari bago ako mawalan ng malay.

"Iha anak, mabuti at nagising kana. Alalang-ala na ako sayo. Di ko alam ang sasabihin ko kapag tumawag sina senior.", umiiyak na saad ni nanay norma.

"Ayos na ho ako inay, 'wag niyo na ho'ng ipaalam sa kanila ako na ho ang bahalang kumausap kina mommy't daddy. Nasaan ho ang tatay?.", takang tanon ko.

"Nasa ibaba siya iha bumibili ng makakain  para sa iyong pag-gising.", wika ni nanay.

"Ganun ho ba. Ilang araw ho akong nandito, inay? ,matamlay kong tanong dito.

"Tatlong na araw na anak. Pero sabi ng doctor pag-mabuti na ang iyong pakiramdam ay maaari na tayong umuwi.", saad ni nanay na siya namang pagpasok ni itay Johnny.

"Salamat sa Diyos iha at nagising kana. Patawarin mo sana kami ng nanay Norma mo sa aming kapabayaan.", nakayukong turan ni itay.

"Wag niyo na ho'ng iisipin ang bagay na iyon. Ang mahalaga'y maayos na po ako.", pagpapaunawang wika ko. Sabay naman nila akong niyakap.

Simula ng magising ako ay wala ng tigil sa pagkukwento sila inay kung sino ang nakakita at nagdala saakin dito. Ang sabi ni nanay ay ang Zeta daw ng Alpha. Panay naman daw ang text sa akin ng mga kaibigan ko. Sila mommy't daddy ay text lang din ang ginagawa dahil busy raw ito sa kanilang mga trabaho. Si nanay lang ang nakatanggap at sumasagot sa mga mensaheng iyon sapagkat wala pa akong malay noon. Binisita na rin ako ng doktor ang sabi'y makakalabas na ako bukas.

Tulog si nanay sa aking tabi habang si itay naman ay nasa sofa. Nakatanaw ako sa buwan na sumusulyap sa bintana ng makaramdam ako na parang may naka-tingin saakin. Lumingon ako sa may bandang salamin na pinto ngunit walang tao roon. Hinayaan ko na lamang ito dahil baka guni-guni ko lamang iyon..

Sandro's POV:

Pinagmamasdan ko ito habang nakitingin sa buwan. Ang maganda at maamo niyang mukha ay nagpapa-bilis ng pag-tibok ng aking puso. Ginagawa ko ito tuwing gabi, kung saan tulog na ang ibang pasyente at walang masyadong mga doktor at nurse na naglalakad. Kahit pa ako ang may-ari ng hospital na ito, ayuko paring malaman ng lahat ng nandito na siya ang aking mate , ang LUNA ng pack.

"Please be with her, and let her feel the love that we had for her, Sandro." ,tucker simply whispered.

"No! I wouldn't. ! We don't know who are the people or maybe a wolves that spying us.", I strongly dis-agreed on tucker's opinion.

Just a simple growl I heard from him.

Mahirap gawin ang bagay na gusto niyang mangyari. Ayukong madamay siya sa kaguluhang ito. Naramdaman kong lilingon ito sa aking kinaroroonan kung kaya't mabilis akong nagtago sa gilid ng pinto. Nakatingala ako sa puting kisame ng hospital na ito habang sinasabi sa aking sariling , "pasenya na kung kailan mong maranasan ang mga bagay na iyon, samantalang ang tanging hangad mo lang naman sa pagpunta dito ay ang mamasyal".,

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at mabilis na tumalon sa bintanang malapit sa pinto ng kanyang kwarto.

Jzhielle's POV:

Nakalabas na ako ng hospital at umuwi na ng bahay nila nanay Norma. Pababa na ako ng hagdan ng makita ko ito sa kanyang hardin na ginugupit ang mga bulaklak ng kanyang orkidyas na dancing lady.

"Ano ho ang ginagagawa ninyo, inay?, pang-uusisa ko.

"Tuwing namumukadkad ang orkidyas na ito ay ginugupit ko't dinadala sa Alpha. Ito na lang kasi ang ala-alang mayroon siya sa kanyang yumaong ina.", pag-papaliwanag ni inay.

"Dadalhin niyo po ba ang mga iyan sa kanya, inay? ", tanong ko.

"Oo anak, gusto mo bang sumama?? ,balik tanong ni inay. Sasagot na sana ako ng may tumawag sa labas ng gate. Dali dali kaming lumabas ni inay para alamin kung sino at ano ang kailangan nito.

"Pasensya na sa abala mare ha, nagpatatawag kasi ng meeting si G. Pedring ukol sa mga gagawin sa pagtatanim ng mga prutas at gulay. Maari ka bang sumama?., pag-anyaya ni manang Nimfa. Kapit bahay nila nanay.

"Pe...pero.. Pa...a...no..itong mga bulaklak...?? ..napatingin sa akin si inay.  "Iha, maaari mo ba itong dalhin sa pack house at ibigay sa Alpha?", usal ni nanay. 

Pinaunawa na nila sa akin kung ano ang Alpha, beta , Delta at Zeta. Dahil yun raw ang kadalasan kong naririnig sa kanilang bayan. Pack house raw ang tawag sa mansiong iyon na abot tanaw sa kabayanan.

Pumayag naman ako sa kagustuhan ng inay.. ..sapagkat nais ko ring makilala ang taong nagligtas ng aking buhay.

*********

xxxlheizhyllxxx

Hidding the Pup's Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon