CHAPTER 10-❤ROGUE❤

9 1 0
                                    

Nasa taas po ang picture ng bawat lugar.. 😊😊
Photos are not mine ❗
Credits to the rightful owner😊😊😊

Jzhielle's POV:

Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng pagod. Nagpalinga-linga ako ngunit 'di ko na mahanap ang daan pabalik sa NIRVANAH. Naliligaw na yata ako.. Tumakbo ako ng tumakbo, at sa kasamaang palad lalo pa ata akong napalayo. Ilang minuto pang paghahanap ng daan pabalik ang ginawa ko, ngunit diko talaga ito mahanap . .

Binalot na ako ng takot, dahil sa mga naririnig 'kong kumakaluskos sa aking paligid. Kinabahan ako ng maramdaman kong may kung ano sa aking likuran. Natatakot man ay matapang ko itong hinarap. Halos nanlambot ang mga tuhod kong napaatras, ng makita ko ang isang malaking itim na aso, hindi!!! Isa itong lobo. Dahil hindi naman ako bobo para di malaman ang bagay na 'yon.

Alam kong sa mga oras na ito ay maaaring maging isa akong masarap na hapunan ng lobong nasa harapan ko. Habang dahan-dahan ang aking paghakbang papalayo ay siya namang paunti-unting paglapit nito.

Naglalaway itong nakalabas ang matutulis na pangil, kasabay ang nakakatakot na pag-ungol nito. Kitang-kita sa mapupula nitong mga mata ang diterminasyong lapain ako sa ano mang oras. Nakarinig kami ng isang napakalakas na alulong na nanggagaling sa di kalayuan saamin kaya napalingon ito kung saan nagmumula ang nakakakilabot na alulong. Kinuha ko itong tsempo para makatakas.

Kung gaano kabilis ang pagtakbo ko ay siya namang bilis ng paghabol ng lobong sumusunod sa akin. Napapaiyak na ako sa mga nangyayari. Wala na akong pakialam kung nagkanda punit-punit at nagkagalos-galos na ako. Ang mahalaga ay makalabas ako ng buhay sa kagubatang ito.

Napaatras ako ng mapagtanto kong nasa dulo na pala ako ng isang bangin. Maling hakbang ko na lamang ay siguradong mahuhulog na ako. Ramdam ko sa aking likuran ang prisensya ng lobong kanina pa sumusunod sakin. Napapikit na lamang akong iniisip na hanggang dito na lang ang aking buhay. Kung alam ko lang na ganito ang aking kahahantungan sana pala sumama na lang ako kila mommy't daddy. Mukha atang picture ko na lng ang makakabalik sa kanila... Patuloy na ang pag-agos ng mga luha sa aking mukha..........

Sandro's POV:

Nagpupuyos na sa galit ang aking dibdib dahil hindi ko parin mahanap ang aking mate. Nakikita ko sa aking isipan ang mukha niyang nababalot ng takot. Kaya mas lalo ko pang binilisan,dahil di ko na siya naamoy. Isang napakalakas na alulong ang pinakawalan ko upang magbigay banta sa kung sino-man ang may hawak sa kanya. Patuloy parin ang aking pagtakbo at mas lalo ko pa itong binilisan. Hanggang sa...................

Zeke's POV:

Tapos ko ng ihacked lahat ng system sa mga border upang hindi na makalabas ang mga rogue na nakapasok sa bayan. Nang marinig ko ang isang malakas na alulong na nagmumula sa gitna ng kagubatan. Alam ko kung kanino nanggagaling 'yon. Siguradong sa mga oras na to ay galit na ang Alpha at mapapatay niya ng walang awa ang kung sinomang pumagitna sa daraanan niya....Gustuhin ko mang sumunod ngunit, madami na ang rogue dito sa Mansion.....Kung kaya Kaliwa't kanan na ang pakikipaglaban namin ng Alpha ng WILDFANG PACKS na si Cayden, kasama ang mga taga-rito na nagpalit anyo na rin bilang lobo.

Clinton's POV:

Napagod na ako kaka-sakmal dito at sakmal doon, masyado silang madami para sa one on one naming labanan kaya naman nag-shift na ako't dali-daling kinuha ang aking sniper. Napansin ko ring nag-sipag shift na ang mga tauhan ko at pumusisyon na rin sila't nakahanda ng umasinta sa aking hudyat. Sabay-sabay naming pinuntirya ng bala ang mga rogue na nagsisidatingan pa upang hindi na makapasok pa sa aming teritoryo. Napahinto ako ng marinig ko ang isang nakakatindig balahibong pag-aalulong. Isang tanda na handa ng pumatay ang aming Alpha. Nakaramdam ako ng awa sa lobo o rogue na makakasalo ng galit na iyon. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang aking pag-aasinta.

Xander's POV:

Tila hindi nababawasan ang mga rogue na pumapasok sa border kaya naman nag-shift na ako't kinuha ang aking espada at panangalang. Ganun din ang aking mga kasamahan. Patuloy lang sa pagwawasiwas at pamamana ang aming ginagawa. Napatigil ako bigla ng marinig ko ang nakakagimbal na alulong ng isang lobo. Alam kong kay Alpha ng gagaling yun. Nahabag ako para sa sasapitin ng isang rogue. Kasalanan din naman nila yon ang walang pakundangang pumasok sa aming teritoryo. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa.

-------------
AUTHOR'S POV:

Nagkalat na ang mga rogue na namamatay may mga ilan ding miyembro ng Alpha ang mga sugatan ngunit patuloy parin ang nagaganap na labanan. Ngunit di kalayuan sa nagaganap na kaguluhan ay may mga matang nagmamasid.

------------

Someone's POV:

"Hindi pa nagtatapos ang lahat dito, Sandro. Maghaharap pa tayo. Makukuha ko rin ang iyong trono at mapapasaakin rin ang iyong teritoryo", Nakakuyom ang mga kamaong pinagmamasdan ko ang ngyayari sa ALPHA WALKERS HOUNDS PACK. Matalino talaga ang kanilang beta at nagawa nitong ikulong ang mga rogue na mga sumugod. Wala ng kawala ang aking mga alipin, siguradong walang makakabalik ng buhay sa mga ito. Nagpupuyos akong umalis at tumakbo sa kagubatan.

Babawi ako. ........... Mapapatay din kita Sandro.

**********
xxxlheizhyllxxx

Hidding the Pup's Of An AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon