Nasa taas po ang picture ng bawat lugar.. 😊😊
Photos are not mine ❗
Credits to the rightful owner😊😊😊-_-_-_-_-_-_-_
AUTHOR'S POV:Pagkatapos ng isinagawang pag-plano ukol sa pagdiriwang na gagawin ng ALPHA WALKERS HOUNDS PACK, ay agad na nagpatawag ng pagpupulong ang Alpha, sa packhouse. Ipinaalala nito ang mga dapat gagawin. Ang pagdiriwang ay gaganapin sa NIRVANAH , lugar sa bayan ng Nimuek na natatago sa pinaka-pusod ng gubat.
-_-_-_-_-_-_-_-_
Sandro's POV:
" Xander, puntahan mo ang bandang katimugan ng bayan sa my baybaying dagat upang ipagbigay alam ang pagdiriwang.", utos ko sa aking Zeta
" Clinton, ikutin mo rin ang kabayanan at mag-bigay ng abiso sa mga taga-roon tungkol sa planong pagdiriwang.", saad ko naman sa aking Omega.
"Masusunod po Alpha,". sabay na sagot ng dalawa at umalis na.
" Zeke, sa farm tayo.", pagmamando ko sa aking beta. Agad naman itong tumalima. Nakasunod lang ako sa kanyang paglalakad. Bawat taong nakaka-salubong namin sa pack ay nagbibigay galang sa akin hanggang sa makarating kami ng sasakyan.
Lulan ng sports car, tinahak namin ang daan patungong bukirin. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang malawak na palayan at gulayan ng mga magsasaka. Pansin ko rin ang kanilang pagka-alarma at agarang pagtitipon sa pagsalubong saakin.
" Magandang umaga ho, Alpha." ,wika ni Mang Pedring ang katiwala ko dito sa farm.
" Magandang umaga naman.", panimulang bati ko.
" Ano ho ang atin at napasyal kayo dito, Alpha? Magaganda naman ho ang aming ani. Malalago rin ho ang mga gulayan.", saad ni Mang Pedring.
" Narito ako upang ipagbigay alam sa inyo ang gaganaping pagdiriwang ng kalayaan, sa NIRVANAH.Asahan ko ang inyong pagdalo", taas-noong pag-bibigay alam ko. Tahimik lamang si Zeke sa aking likuran.
" Maasahan niyo ho, Alpha." , sabay-sabay na sagot ng mga magsasaka. Tatalikod na sana ako ng mapansin ko ang aking mate kasama sina Aling Norma at Mang Johnny.
" May anak na pala kayo Mang Johnny,?", usisa ko. Kahit alam ko naman ang katotohang wala itong anak.
" Anak ho siya ng aming amo sa Maynila, Alpha. Nagbabakasyon ho siya dito.", turan ni Mang Pedring.
" Ganun ba,? Mayaman pala siya. Buti na lang at nagawi siya dito sa farm? Baka naman mangati 'yan, kutis mayaman pa naman. ", may panunuyang tono ang aking pagkakasabi.
" Masipag ho na bata iyan, Alpha.", ngiting saad ni Aling Norma. I just smirked.
Hahakbang na sana kami ni Zeke papuntang saksakyan ng magsalita siya.
" Hindi naman lahat ng mayayaman nag-aantay lang sa bahay para bigyan ng ayuda ng mga taong nagpapakahirap magtrabaho", may diing pahayag niya. Alam kong para saakin iyon.
" Hindi ba?, Ang alam ko kasi pagtitig lang sa mga stranghero ang kaya nilang gawin?", ngiting aso kung turan. Pinamulahan ito.
" Hindi mo naman pwedeng husgahan ang isang tao ng naaayon lang sa nakita mo, di ba?", supladang turan niya. Natutuwa ang aking wolf sa ginagawa niyang pagsagot.
"Malakas ang loob ng ating mate. Tucker murmured."
" Talaga ba?, Nakakapagtaka lang madami naman ang lugar na pwede mong puntahan. Mayaman ka afford mo ang countryside? Bakit dito pa?? Saka maraming matitipunong stranghero ang matititigan roon o sadyang taga-bayan na ngayon ang tipo mo?," dagdag asar ko.
" Pwede din naman na isang taga-bayan na may magandang pag-uugali, kesa naman isang mayamang mapanghusga, di marunong gumalang at may ugaling aso ang matipuhan ko, ?". May diin niyang sagot pabalik. Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ng taong nakapaligid sa kanya. At siya ring pagtikhim ni Zeke.
Linapitan ko ito at yumuko, sa sobrang lapit maling galaw niya lang ay mahahakilan ko na ito.." Ingat lang baka sa isang aso ring ito ang bagsak mo!.",. Ang sarap niyang asarin. Kumunot ang noo niya sa pag-kakasabi ko. Nagbulong-bulongan naman ang mga tao sa paligid. Aso pala ha. Tila lumulundag naman sa tuwa si tucker sa narinig niya. Diko na hinayaan pang makasagot ito at naglakad na kami pabalik sa sasakyan. Ngunit bigla na lang may tumamang bagay sa aking likuran. Binato niya ako.
" Hindi ako pet lover", .sigaw niya. Tatawa-tawa namang binubuhay ni Zeke ang makina ng sasakyan. Palihim na napangiti na lamang akong umangkas sa sasakyan namin ni Zeke.
" Nakakatuwa ho kayo, Alpha. Para kayong Daniel and Kathryn sa eksena kanina",. Kinikilig na pagkakasabi nito habang nagmamaneho. Nasa disi-otso paba kami para ikumpara niya doon?.Tumikhim na lamang ako at palihim na sumulyap sa side mirror. Malayo na kami sa farm pero ramdam ko parin ang nakabusangot na mukha ng aking mate.
"Yan ba ang paraan mo upang mapalapit sa kanya? - anang ni Tucker sa isip ko.
"Ang alin? Kinausap ko lang yung tao , may masama ba doon. ?," takang tanong ko.
"Sabi mo eh,". tuwang sagot nito. Kinikilig ata tong wolf na to. Blinock ko na ulit siya at itinuon na lamang ang aking pansin sa daan.
Hindi ka pala pet lover ha.... ..
Tingnan natin......❗❗❗**********
xxxlheizhyllxxx
BINABASA MO ANG
Hidding the Pup's Of An Alpha
Werewolf"Ang pag-ibig ay hindi basta isang emosyon na nararamdaman kundi isang desisyon na dapat mong panindigan." "Ang hirap mahalin ng taong tulad mo. Akala ko totoo ka. Nakakapagod magparamdam sa isang taong kagaya mo na ang tanging alam ay puro pang-sa...