Jzhielle's POV:
Pinapasok ako agad ng kasambahay sa loob ng pack house. Inilibot ko ang aking paningin mula sa labas at hanggang sa loob nito. Kasing laki ito ng aming mansion. Antigo ang lahat ng gamit, midieval period ang ayos ng bahay. Halatang-halata kung sino ang may-ari nito dahil nakasabit ang malaking larawan ng buong pamilya at larawan ng kasalukuyang Alpha. Naagaw ang pagmumuni-muni ko ng marinig ko ang tatlong lalaking naghahalakhakan pababa ng hagdan. Nagulat ko ata ang mga ito dahil bigla silang natahimik.
Zeke's POV:
Masaya kaming nagkukwentohan habang pababa ng hagdan. Kakatapos lang kasi ng aming pagpupulong tungkol sa karagdagang siguridad sa bayan na nais ipatupad ng Alpha nang makita naman ang Luna. Tila nagmamasid ito sa loob ng bahay, kaya naman natahimik kami bigla.
"Magandang umaga binibi. Di ba ikaw ung nasa cafe?. Ano ang iyong sadya at naparito ka?", pambungad bati ko.
"Oo ako nga..Ipinapabigay pala ng nanay ko ang bulaklak na ito sa inyong Alpha". ,mahinhing sagot nito. Ayukong bigyan ng di-magandang papuri ang Luna dahil baka bukas mabalitaan na lang ng taong bayan na wala na ang gwapo kong mukha.
"Ang Alpha ba ang iyong hinahanap?, nasa hardin siya", turo ni Clinton.
"Ganun ba? Maraming salamat".,sagot niya. Napakabait ng aming luna. Malayo sa ugali ng aming Alpha. Kung di lang siguro kami kaibigan ng Alpha..hay ewan ko na lang. Tatalikod na sana kami ng biglang magsalita ulit si miss cafe.
"Ay miss cafe !!", gulat kong sambit. Napatingin sa akin ang dalawang bugok pati ang Luna.
"Hahahahaha..Iniisip mo ba ang aking pangalan?, hahahaha.. Hindi ito miss Cafe ." ,tatawa-tawa nitong sagot. Wala akong reaksyon dahil sa pagkakapahiya pati ang dalawang bugok nakatingin lang sa Luna'ng tawa ng tawa. Ang ganda niya pag-nakangiti.
"Ahem...ahem...gusto ko sanang itanong sa inyong tatlo kung sino ang tinatawag nilang Zeta ng Alpha." ,nakangiti nitong tanong.
Xander's POV:
"Ako yon lu..binibini", pag-amin ko.
"Para sayo..tanggapin mo ang munting pasasalamat ko sa pagligtas mo ng aking buhay." ,masayang sabi nito. Nag-aalinlangan akong kunin ang maliit na kahon. Ngunit tinanggap ko na lamang dahil baka mangawit ito.
"Jzhielle Azura Blair...yan ang aking pangalan hindi miss cafe.. Hahhahaha..", sabay lahad ng kanyang kamay.
"Xander Kurt Williams.", gagap ko sa kamay niyang nakalahad.
Anu yang binigay sayo? Patay tayo niyan kay Alpha. Bitawan mo na ang kamay ng Luna para mabuhay pa tayo ng matagal. (Mind Link ni Zeke)
Binitawan ko agad ang kamay niya. Nakipag-kamay din ito kina Clinton at Zeke.
"Clinton John Smith, ang Delta ng Alpha.", pagpapakila ni Clinton.
"Zeke Andrew Scoth, ang beta at bestfriend ng Alpha", sabay yuko ni Zeke.
"Nice meeting you all"., masayang bati ng Luna at tuluyan na itong umalis patungong hardin.
"Huwag nating gagalawin ang cake na yan, para yan sa Alpha.", wika ni Zeke.
"Mukha atang mapapahamak ka sa kalagayan mo ngayon Zeta," panunukso ni Clinton.
"Huwag naman sana..hahaha", turan ko na may mahinang tawa. Bitbit ang maliit na kahon umakyat kaming muli upang dalhin iyon sa opisina ng Alpha.
Jzheille's POV:
Napapamangha talaga ako sa pack house na ito. Bukod na sa malaki, magagandang desinyo sa loob at labas ng bahay ay mayroon din itong malawak na hardin na punong puno ng bulaklak, mayroon ding ilog sa tabi ng hardin na ito. Naglakad-lakad ako patungo sa ilog ng makita ko ang isang bangka. Nakita ko ang Alpha na natutulog dito. Akma ko na sana siyang gigisingin ng magpagiwang- giwang ang bangka, kamuntikan na akong mahulog ng biglang......
"TSUPPPP"...O______O
Kasabay nito ang pagdilat ng kanyang mga mata. Nakatitig ako sa singkit niyang mga mata at ganun din siya sakin..ang gwapo pala talaga niya at ang ganda ng pilak niyang mga mata..
"Naglalaway ka....",insultong sabi nito. Hinawakan ko ang aking labi ngunit wala akong mahawakan..bwesit talaga..bumangon na ako mula sa pagkakadapa..
"Libangan mo ba ang pagtitig sa isang tao?", taas kilay niyang tanong.
"Kung hindi ka sana gumalaw, hindi ako matitisod at babagsak sayo.", yamot na sabi ko habang inaayos ang aking sarili sa pagkakaupo.
"Bakit ka nandito?" ,masungit na tanong nito. Oo nga pala.. Aixxxxttt kasi naman..
"Ipinapabigay ng nanay ko",sabay abot ng bulaklak. Tiningnan niya ito at kinuha. Napalingon naman kami sa tatlong taong papasok sa hardin patungo sa amin. Sina Zeke, Clinton at Xander.
"Alpha, dumating na po ang mga elders para sa pagtitipon" ,saad ni Zeke.
"Nakahanda na po ang presentasyon Alpha", wika ni Clinton
"Maayos na po ang lahat, Alpha. Kayo na lang ang hinihintay", magalang na wika ni Xander. Na ikina-ngiti ko ng lihim. Tanging tango lamang ang isinagot nito sabay tayo sa bangka.
"Pwede mo namang ipabigay sa mga taga-silbi ang mga ito. Maliban na lang kung gusto mo makita ang ASONG tulad ko.',mayabang na wika niya.
"Kung ikaw lang din naman, di bale ng sa kanya na lang.. Mabait, gwapo ,magalang at marunong pang magmalasakit sa kapwa", turo ko kay Xander. Namilog naman ang mga mata nung tatlo na parang natakot bigla.
"Talaga ba??!!.. ..tsk.tsk.tsk ", pailing-iling na sagot nito saka naglakad papalayo sa amin. Inalalayan naman ako ni Zeke na makatawid ng bangka. At sabay-sabay na kaming lumabas ng hardin. Hinatid muna nila ako sa labas bago sila pumunta sa meeting.
*******
xxxlheizhyllxxx
![](https://img.wattpad.com/cover/294879586-288-k594472.jpg)
BINABASA MO ANG
Hidding the Pup's Of An Alpha
Hombres Lobo"Ang pag-ibig ay hindi basta isang emosyon na nararamdaman kundi isang desisyon na dapat mong panindigan." "Ang hirap mahalin ng taong tulad mo. Akala ko totoo ka. Nakakapagod magparamdam sa isang taong kagaya mo na ang tanging alam ay puro pang-sa...