ORIENZO LEVI'S POV
DALA ang bag habang naglalakad patungong Acad Building II ay pinapaikot ko naman sa aking hintuturong daliri ang susi ng aking brand new sport car.
Maraming building ang mayroon sa University namin. Para sa secondary, Acad Building I para sa Grade 7 at Grade 8. Acad Building II para sa Grade 9 at Grade 10. Acad Building III at IV para sa Grade 11. Acad Building V at VI para sa Grade 12.
May iilan pang mga buildings at mga establisyimento ang sa area na ito. Hiwalay naman ang area para sa mga nasa College na.
Tamad akong naglalakad sa daan dahil hindi ko kasama si Aveluna ngayon. Ito ang una kong pagkakataon na hindi siya makakasabay pumasok ngayon, ang ibig kong sabihin, ito yung unang araw na hindi siya kasama ngayon papuntang room.
Nito kasing mga nakaraang taon, siya pa ang humihila sa akin dahil sa kamadaliang nakapasok na sa aming room. Ngayon lang talaga hindi.
Kanina, gusto ko pa sana siyang samahan sa pupuntahan niya pero dahil sa halatang nagmamadali siya, hinayaan ko na lang. Gusto lang kasi na sabay ulit kaming pumasok ng room kahit na may kikitain siya.
Napanguso tuloy ako sa aking naisip.
Hm, sino kaya yung kikitain niyang kaibigan? Babae kaya o lalaki? Makakatikim kaagad sa akin kung lalaki man iyon. Pero sandali nga, kailan pa pala siya nagkaroon ng ibang kaibigan bukod sa akin at sa mga kaibigan ko?
Wala man lang binanggit si Aveluna tungkol dito. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa ako nakakalayo sa parking area nang lumapit sa akin ang pamangkin ng Dean na si Adam. Nakapamulsa ito sa kanyang suot na pantalon. Nangunot ako dahil sa presensya niya.
"Hey!", tawag niya sa akin mula sa malamig niyang tono.
Muli ay nangunot ang aking noo dahil sa kanyang pagtawag sa akin. Nakapaiinis iyon sa akin dahil may sarili naman akong pangalan pero hanggang ngayon ay madalas pa rin niyang tinatawag sa akin ay "hey" lang!
"Uncle wants to talk to you this morning. Meet him in his office right now.", tamad niyang sambit sa akin.
Sasagot na sana ako sa sinabi niya sa akin pero mabilis niya akong tinalikuran. Napapikit ako saglit dahil sa pagpipigil ng inis.
Wala pa rin talagang pinagbago si Adam. Malamig pa rin ang pakikitungo at parang walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Matanda lang rin siya sa akin ng tatlong taon dahil 19 na siya at magbibirthday pa lang siya sa Setyembre, samantalang ako ay 16 na at magbibirthday pa lang sa Agosto.
Kapag edad na ang pinag-uusapan, minsan ay naiisip ko kung gaano kaagwat ang edad namin ni Aveluna sa isa't-isa. 15 pa lang siya dahil nakapagbirthday na siya noong Pebrero pa at mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon.
Nang nalaman niyang mas matanda ako sa kanya, madalas niya na akong tawaging Kuya Oriele o Kuya Enzo. Ikinatatampo at ikinainis ko iyon. Kaya kung minsan naman ay hindi ko siya pinapansin ng mga ilang araw.
Ilang beses ko na kasi siyang sinabihan noon pero minsan ay may pagkamatigas ang ulo. Mabuti na lang ngayong high school na kami, hindi na niya ako tinatawag na Kuya.
YOU ARE READING
Still Into You (Season One)
Teen FictionAVERY LUNA AUXTERO x ORIENZO LEVI MONTIVEROS Luna and Enzo have been best friends for more than years. But their happy friendship ended in just a snap. Her boy bestfriend, easily forget and throw away what they had. And Luna can't accept it. They di...