MAXIMO DALLUS POV
KANINA pa kaming magkakaibigan dito sa classroom kasama si Jax at ang mga kaklase naming may mga kanya-kanyang ginagawa. Ang tanging ginagawa lang namin ay ang magmukmok sa upuan para hintayin ang pagbalik ni Enzo kung saan man siya galing.
Isa rin si Luna sa hinihintay naming bumalik. Simula nang mag-away kami kanina, hindi pa siya nakakabalik dito. Pero maaring nasa kung nasaang sulok na naman ng campus siya nagpunta. At talagang dinamdam niya ang pagkasira ng artwork niya dahil sa akin.
Hindi ko naman masisisi si Luna kung magalit siya ng ganoon sa akin dahil lang doon. Mahalaga sa kanya ang paguguhit ng kung ano-anong bagay o imaheng naiisip niya. Isa pa, sarili niya ang ihinuguhit niya kasama si Enzo.
Kung ako nga siguro siya, nakasuntok na ako ng tao. Hm, buti na lang marunong ako kumontrol ng emosyon. Hindi katulad ni Enzo. Kapag may topak at mainit ang ulo, hindi mo makakausap ng matino at maayos. Tss.
"Bakit nga pala late ka ng pumasok kanina, Jax? Buti na lang, wala ng klase ngayong umaga.", puna ni Daven kay Jax na nagbabasa ng comics sa Bili-bili app sa cellphone niya.
Hm, maganda rin kaya ang mga babasahin sa app na iyan? Subukan ko rin kaya ang magbasa doon. Madalas kasi sa libro ako nagbabasa.
Napasulyap ako kay Jax mismo nang lingunin kaming magkakaibigan.
As usual, magulo ang pagkakalagay ng upuan namin ngayon. Pinabilog namin dahil iyon ang gusto namin.
"Hm, hindi ko kasi maiwan-iwanan si lola sa Bicol.", sagot ni Jax na ikinanuot ng noo naming lahat.
"Huh? And dami naman ng mga maids ninyo doon, ah? Kaya hindi naman siya mapapabayaan ng mga naroon.", sambit ni Jayden.
"Hindi lang siguro ako sanay na malayo ako sa kanya.", sagot ni Jax at nagkibit ng balikat.
"Kung ganoon pala, kailan ka lang umuwi? Kahapon?", tanong naman ni Raven.
"Kaninang 3AM lang.", sagot ni Max na ikinangiwi namin.
Kung ganoon, nag-eroplano na lang siya? Sa bagay, mga 2 to 3 hours lang ang byahe mula Bicol hanggang dito.
"Kaya pala mukhang antok na antok ka pang pumunta ng University. Kung nagpahinga ka na muna kasi niyan. Para kang zombie na naglalakad.", singit ko naman.
"Gusto ko kasi kaagad makita si Luna."
Nagkatinginan kaming magkakaibigan dahil sa sinabing iyon ni Jax. Kalaunan ay sabay pa kaming ngumiwi dahil parang hindi naman iyon nagustuhan.
"Hm, kung nandito lang si Enzo, nasipa ka na ng pinsan mong iyon!"
Walang anumang bakas ng emosyon ang mukha ni Raven nang sabihin niya iyon. Pasimple pa iyong napairap kay Jax kasabay ng pagkrus ng kanyang braso.
Hm, kung nandito lang talaga si Enzo ngayon, napikon na naman iyon sa pang-aasar ng pinsan. Mahilig pa naman mang-asar si Jax lalo na kay Luna na hindi naman nagugustuhan ni Enzo ang paglapit nito sa kaibigan.
Hindi na nasundan pa ang usapan. Bumalik na lang kami sa kanya-kanya naming ginagawa.
Si Jayden at Daven, naglalaro na ng Mobile Legends. Si Raven naman, katulad ni Luna kapag walang madalas na gawin, gumuguhit ng mga kung anong bagay na nakikita nila o naiisip nilang gawin.
Si Jax naman, katulad ng kanina ay ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng comics sa kanyang cellphone. Pero kalaunan ay naisipan rin ang umidlip.
YOU ARE READING
Still Into You (Season One)
Teen FictionAVERY LUNA AUXTERO x ORIENZO LEVI MONTIVEROS Luna and Enzo have been best friends for more than years. But their happy friendship ended in just a snap. Her boy bestfriend, easily forget and throw away what they had. And Luna can't accept it. They di...