Chapter 08

86 2 0
                                    

AVERY LUNA'S POV

KANINA pa dapat nagsisimula ang unang klase pero hanggang ngayon, wala pa si Sir Leo. Tatlumpung minuto na siyang wala. Nahuli sigurong pumasok? O pinatawag na naman ng Dean? Wala na siguro siyang balak magdiscuss?

Sa bagay, Coordinator si Sir ng Grade 9 level. Hawak niya ang buong grade 9 students. Kung ano-ano na naman tuloy ang ginagawa ng mga kaklase ko. Kanya-kanyang mga pinagkakaabalahan. Ito namang mga kasama ko, katulad ng dati ay ganoon rin. Dating gawain rin.

Si Max, as usual, nagbabasa ng libro. Si Eyden, 'yon... abala na naman sa kanyang phone na sa tingin ko ay nakikipaglandian na naman sa bagong babae niya ngayong araw. Oo, as in ngayong araw talaga. Bawat araw, iba iba talaga ang naging babae nito eh. Talagang  gagawin ko na siyang hari ng mga babaero.

Si Raven naman, gumuguhit ng sarili nyang art. Wala siyang pinagkokpyahan na kahit ano eh. Ito namang kakambal niyang si Daven, kalaro si Jaxon sa Mobile Legends. Magugulat na lamang nga ako bigla basta bigla rin na sisigaw dahil sa kalalaro niyon. Focus na focus ba naman sa Mobile Legends, akala mo naman eh may pustahan talaga.

Habang itong kababata ko namang si Oriele, natutulog... siguro? Basta, nakasubsob lang ang kanyang mukha sa brasong nakalagay sa desk niya. Hindi ko nga alam kung natutulog ba talaga ito o nakikinig lang sa mga kaibigan niya.

Alam kong hindi naman basta makakatulog ang kaibigan kong ito dahil sa ingay ng mga kaibigan niya. Balak ko sanang makipagkwentuhan sa kanya pero huwag na lang. Halata rin naman na nasa hindi siya magandang mood kanina pa simula nang dumating siya dito sa room.

Samantalang ako? Wala. Wala akong naisipan na gawin. Hindi ko na naman nadala yung librong laging nakalagay lang lagi sa study table ko. Lagi kong nakakalimutan kaya hindi ako makakapag basa ngayon. May mahihiraman naman sanang libro sa library kaso, sa ngayon, under construction pa iyon. Nirerenovate kasi.

Siguro nga ay saka lang iyon matatapos sa katapusan ng taong ito. Excited na tuloy akong mamalagi ulit doon. Tamihik at walang ibang manggugulo sa akin doon, bukod sa kanilang magkakaibigan.

Katulad ni Raven, guguhit rin sana ako kaso, baka bigla na namang maisipan ni Max na pagtripan ako, kaya hindi na lang. Tamang masid na lamang sa mga kaklase ko. Tamang hintay na lang rin na dumating si Sir.

Pero bigla na lamang natahimik ang lahat nang biglang dumating si Sir. Napaayos na rin ang lahat sa kanya-kanya nilang pinagkakaabalahan.

Speaking of him!

"Good morning class. Sorry, I'm late. I'm just taking care of something more important.", diretsahang sabi ni Sir sa amin kahit kakapasok pa lang niya sa room. Kasabay niyon ay ang paglapag niya ng kanyang mga dalang gamit sa teacher's desk.

Wala na ni isa amin ang nagsalita man lang bumod sa binati namin siya ng "Good morning". Dahil tila ba ang lahat ay parang naguguluhan sa ikinikilos ni Sir Leo. Kahit ako ay ganoon rin ang nararamdaman.

"By the way, before I forgot, may mahalaga akong sasabihin sa inyo." Sumandal siya sa table niya saka nagkrus ng braso. "This is all about what we discussed at the meeting yesterday."

Ahuh? Mahalaga kaya ito kaya ganito na lamang ang pagiging seryoso ng mukha ni Sir Leo?

"This coming Friday, dadating ang owner ng paaralang ito. So, para maiba naman ang pa-welcome natin sa kanila, may cooking contest na magaganap.", panimula ni Sir Leo dahilan para magsimulang mag-ingay ang ibang kaklase ko.

Still Into You (Season One)Where stories live. Discover now