Kabanata 1

101 10 39
                                    

Coral.
|Year 2011

Nagising ako mula sa huni ng mga ibon. Itinaas ko ang dalawang kamay at nag unat ng katawan. Gumulong gulong pa muna ako sa higaan bago iminulat ang mga mata. Medyo nasilaw pa ako nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw.

Unang bumungad sa akin ang kisame na kulay kayumanggi dahil sa pagka purong kahoy nito. Galing sa pagkakahiga ay naupo ako at saka inilibot ang tingin sa paligid. Nasaan ako? Unang tanong na pumasok sa isipan.

Tumingin ako sa kaliwang parte ng kama. Isang lamesang maliit ang nakita ko doon at ang pulang diary ko na nakapatong sa babaw. Kinuha ko 'yon at tinignan ang huling pahina. Nakapagtatakang hindi ako pamilyar sa sticky note na naka dikit doon.

Nagtatakha ka siguro kung nasaan ka ngayon at tila naguguluhan sa nangyayari. Isinulat mo ang note na ito kasama ang iba pang note na nasa ibat ibang sulok ng bahay na 'to para ipaalala sayo kung ano ang mga natarapat mong gawin. Narito ka sa Puerto Galera. Sa lugar na ito ka nanunuluyan matapos mawala ang memorya mo. Sa isang buong araw...

"Sa isang buong araw, ang lahat ng kaganapang nasaksihan ko ay mabubura kinabukasan at hindi ko na maaalala pa." Pagpapatuloy ko sa binabasa.

Ang hirap iproseso sa isipan ko ang mga nababasa. Sa pagkakaalam ko kasama ko na dapat ngayon sila mommy at daddy. Ilang araw na nga ba ako dito? Ilang araw nang ganito ang bawat umagang paggising ko?

Gulong gulo sa nangyayari, tumayo ako mula sa pagkakahiga at naglakad patungo sa pader na gawa sa kahoy. May mga papel ding naka dikit doon katulad nang nakita ko kanina sa talaarawan ko. Hindi maitatangging sulat kamay ko nga 'yon. Sa tingin ko ay pare parehong patungkol 'to sa nangyayari sa buhay ko. Pero ni isa sa mga isinulat ko ay wala akong maalala.

Napangisi ako at natawa nalang din ng bahagya. "Andrea! Itigil niyo na ang kalokohang 'to." saad ko, nagbabakasakaling isang kalokohan lang ang lahat. Lumingon pa ako sa paligid ko, umaasang nagtatago lang sa sulok ng kwartong ito si Andrea bagamat masikip at maliit lang ang kwarto. Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mapagtantong hindi biro ang nangyayari.

Nang makita ang lumang aparador malapit sa kama, dali dali kong binuksan 'yon. Hinalungkat ko ang mga gamit na nandito habang ang kamay ay nanginginig sa kaba. May mga damit ako doon, tsinelas, at ilang piraso ng papel at panulat pero bukod doon ay wala na akong nahanap na makakatulong sa'king kontakin ang mga magulang ko.

Nang wala akong napala ay nanlulumong napaupo ako sa sahig at sumandal sa kama. Napasuklay ako sa buhok, hindi ko na malaman ang gagawin.

Bakit wala manlang tumulong sa akin para maka alala? Bakit nga ba nawalan ako ng memorya?

Sa pagkakaalam ko ay susunduin namin si mommy at daddy ngayon galing sa ibang bansa dahil sa vacation trip nila. Papaanong bigla ay gumising ako ng may ganitong kundisyon?

Mariin akong napapikit sa biglaang pananakit ng ulo ko. Tumayo ako at lalabas sana ng kwarto nang mapaupo ako dahil sa panlalambot ng tuhod. Pinakalma ko muna ang aking sarili hanggang sa makarinig ako ng tatlong magkakasunod na pagkatok mula sa pinto. Dumampot ako ng unan na malapit lang sa'kin na akala mo'y magiging matibay itong pangdepensa sa sarili. Pagkapasok na pagkapasok nito ay hinagis ko kaagad sa kaniya ang unan.

"Aray ko naman, hija." Natatawang sabi ng matandang lalaki. "Hays, ilang buwan mo kaya ako hahagisan ng unan? Aba e nong mga nakaraang araw ay hinagisan mo din ako ng unan ay." Hindi siya galit sa akin, sa halip ay natatawa pa nga na tila ba alam na niyang mangyayari iyon, o kaya naman ay sanay na siya na ganoon ang ginagawa ko. Napaaayos ako ng tayo at napapahiyang tumungo.

"P-pasensya na po..." Dali dali kong kinuha ang unan at ibinalik sa kama. "Sino po kayo?" Takang tanong ko. Sa ngayon alam kong nababakas ang kaba sa itsura ko at sa ikinikilos. Nanatiling mahigpit ang kapit ko sa sariling damit. Sino ba naman ang hindi kakabahan kung hindi mo kilalang tao ang bubungad sa iyo?

Reminiscing YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon