Nagising akong nasa bahay nila Andrea. Nagsalubong ang kilay ko sa nakita sa paligid. Punong puno ng katanungan.
"You killed your own parents."
Napatakip ako ng teinga sa narinig na boses. Ang nangyari--- ang mga nalaman ko ay nananatiling malinaw sa isip ko. Ang pagpatay ko sa sariling magulang. Bawat salitang lumabas sa bibig nila Andrea ay naaalala ko. Ako ang dahilan ng pagkawala nila mommy at daddy. Lahat ng nalaman ko kahapon ay bagong bago sa utak ko. Pero ang mga pangyayari bago 'yon ay hindi kona alam.
Mabigat ang pakiramdam na naupo ako. Naglakad ako palabas ng veranda ng kwarto. Pinagmasdan ko ang araw na sumisilip na mula sa kadiliman.
Kahit kailan, hindi ko intesyong mawala sila sa buhay ko na ako pa ang dahilan. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Nagbabadya ang luha sa mata ko sa oras na 'to. Tinakpan ko ang bibig nang kumawala ang impit na pag-iyak.
Matapos kong matulala sa labas ng veranda, nagpasya akong lumabas ng kwarto. Sa tapat ng kwartong 'to ay ang kay Andrea.
Naaalala ko, lagi kaming naglalaro ng mga laruan sa kwarto niya. Nagtatakbuhan kami sa mansyon at nahbabahay bahayan. Kahit noong tumungtong kami ng high school ay magkasama padin kami hanggang sa unti unti ay lumalayo na s'ya sa'kin. Oo nagkakasama padin kami ng mga panahong 'yon hanggang sa pagkakolehiyo, pero may iba. May nakaharang sa pagitan namin.
Bumuntong hininga ako at nilagpasan nalang ang kwartong 'yon.
"Makakalimot din siya ngayon kaya hindi natin kailangan mag-alala." Dinig kong salita ni tita Francesca. Natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang kwarto nila tita Francesca. Dahan dahana kong naglakad habang palapit sa pintong naka awang. Sinubukan ko sumilip sa loob pero hindi ko padin sila makita. Dinikit ko nalang ang teinga malapit sa pinto para mas marinig ang pinag-uusapan nila.
"This wouldn't have gotten worst if you didn't drug her, Francesca." may diin sa mga salitang salita ng boses lalaki. Sa tingin ko ito ang asawa niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Gusto kong kwestyunin ang ginawa nila sa'kin pero hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako. Kahit sa loob ko, hindi ako makapaniwalang nagawa nila akong gawan ng hindi maganda. Na matapos ang kagandahang pinakita ko sa kanila, ito ang isinusukli nila sa'kin.
"She's just a pain in the ass." Walang ganang sagot ni tita. "Besides, dapat panga niya akong pasalamatan hindi ba? Hindi naman makakasurvive ang bata na'yan kung hindi dahil sa pagpapamanman ko d'yan sa mga body guard. Ewan ba kasi sakaniya, pasaway! Nandoon nanga siya sa Isla, eh pumunta punta pa dito!" Nangagalaiti niyang sabi. "And that stupid Old Man from the Island. Who is he? Oh! Yeah, the so called tatay Isko. Hindi dapat niya hinayaang makabalik pa s'ya dito! Estupido!"
"Pero hindi padin tama ang ginawa mo---"
"Will you just stop?" Naaasar na tugon ng asawa. "Bakit ba lagi mo pinagtatanggol yang bata na 'yan? Baka nalilimutan mo? Inagaw niyan lahat ng dapat ay para sa anak natin! Siya ang pumatay sa kapatid ko at dahil sa kaniya, nagulo ang pamilya na'to!" May tumusok sa puso ko sa bawat salitang sinabi niya. Dahil totoo 'yon. 'yon nga ang nangyari. Hanggang ngayon, nahihirapan padin akong paniwalaan. Na nagawa ng isang anak ang pumatay sa sarili niyang mga magulang.
"Tsaka..." napangisi siya. "Huwag mo nga maka sisi lahat sa'kin. Hindi ko kasalanang natrauma yan doon sa Kiel o kung sino man 'yon na naging kaibigan niya noon. Ang tanga naniwala na kaibigan talaga ang turing sakaniya, ayan, pera lang pala talaga ang habol." Natatawang sabi ni tita.
Si Kiel. Naaalala ko. Siya yung lalaki na hindi ko alam kung bakit lumapit sa'kin bigla isang araw at nakipagkaibigan. Matagal din kaming nagkasama, hanggang sa bigla siyang nawala. Pero hindi pala s'ya biglang nawala lang. Kasi memorya ko ang nawala. Kaya pala hindi kona siya nakita pa, ay dahil nabura ang parte ng alaala ko na nang kidnap siya sa'kin para ipalit ako sa pera.
BINABASA MO ANG
Reminiscing Yesterday
Ficção AdolescenteSa mundong ang mga tao ay nais makalimot, may babaeng nais maalala ang lahat, maging ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Si Coral Presley, siya ay isang babaeng minamahal ng maraming tao dahil sa kagandahan ng loob nito at pagiging pursig...