Cade.
| Year 2011"Pupunta ka uli ng Puerto Galera?" Tanong sa'kin ni Kuya bago paman ako makaalis ng bahay.
Tumango ako kay Kuya. Ngumisi ito sa'kin. "Naniniwala ka pa din sa kwento ni tatay?" Hindi makapaniwalang sabi n'ya. Isang ngiti lang ang naging tugon ko sa kaniya.
Makalipas ang dalawang taon, wala namang gaanong nagbago. Ang tahanan namin ay hindi na tulad noon na gawa sa kahoy at kawayan. Mula sa naipon naming pera ni kuya ay nakapagpundar na kami ng sariling bahay na sementado. Kung noo'y palipat lipat ako ng part time job na pinapasukan, ngayon ay malapit na ako maging ganap na guro. Mukhang maayos naman ang lahat, umuusad ang buhay namin bukod na lang kay nanay. Simula kasi nung mamatay si tatay ay palagi namin siyang naririnig umiyak. Mabuti nga ngayon ay unti unti nang bumabalik ang sigla niya. Hindi man buo pero alam kong dadating ang araw na makakabitaw na siya ng malaya.
Sumakay ako ng jeep at naupo sa upuang malapit sa pinto. Pinagmasdan ko lang ang tanawin sa labas ng bintana habang dinadama ang simoy ng hangin.
May ikinuwento si tatay sa akin noon. Sa purong buhangin sa dalampasigan, may napadpad doong lalaki. Isang babae ang natanaw niya hindi kalayuan. Nagpakilala ito at di nagtagal ay naging komportable sila sa isat isa. Pumupunta parati doon ang lalaki para masilayan ang babae. Pero hindi inaasahang pangyayari ang naging dahilan ng pagkakahiwalay nila ng sinisinta. Naiwang mag-isa ang babae na lumuluha, pumunta ito sa dagat kung saan sila huling nagkita. Umaasa pading magbabalik ang mainamahal niya.
Hindi ako bumabalik sa Isla na ito nang dahil lang sa kwentong iyon tulad ng inaakala ni kuya. Ang nasa isip kasi niya ay nag-aala leading man daw ang sa kwento at ako daw ang nag-iintay doon sa babae na umalis. Minsan kasi mahina ang utak ni kuya, hindi niya ata nagets na kwentong pag-ibig 'yon ni tatay noon.
Nahihiwagaan lang akong sadya sa kwento na 'yon. Basta, hindi ko din maipaliwanag kung bakit ba tumatatak sa'kin 'yon kahit wala namang kinalaman 'to sa buhay ko.
Pero sa kwento ni tatay tungkol sa unang pag-ibig niya, minsan ko ding inisip kung bakit hindi sila ang nagkatuluyan sa dulo? Hindi naman sa gusto ko sila magkatuluyan, nandoon lang talaga ako sa bingit ng mga tanong kung bakit ang paghihintay ng isang tao ay nagkakaron ng hangganan?
. . .
"Tatay Isko!" Masayang tawag ko sa matandang lalaking nakasuot ng puting t shirt na pang itaas at shorts na kulay brown, mga hanggang tuhod ang haba. Kaibigan siya ni tatay simula noong nag high school sila.
Lumingon lingon pa ito sa paligid bago niya ako nakita. Agad siyang napangiti at kumaway sa direksyon ko. Nagpaalam pa ata muna siya sa kausap bago lumapit sa'kin.
"Cade, hijo. Matagal tagal ka ding hindi nakakapamasyal dito ano?" Ginulo niya ang buhok ko.
"Oo nga po eh." Nahihiyang sagot ko. "Naging abala din po kasi ako sa pag-aaral. Pero ngayong nakapagtapos na ako'y gusto ko muna bumalik dito." Umangat ang dalawa nitong kilay, di makapaniwala sa sinabi ko.
"Aba? Nakapag tapos na pala ikaw. Dapat natin iyang ipagdiwang!" Nasasabik niyang sabi tsaka ako inakbayan habang naglalakad. "Alam mo hijo, ako'y di nakapag tapos ng pag aaral, kahit ang itay mo hindi nakatapos dahil inuna niyang patapusin ang nanay mo." Tumango ako. Naikwento nga iyon sa'kin ni Tatay. "Kaya bilib na bilib ako d'yan kay Roberto. Sa hirap at ginhawa, hindi pa din sumuko." Ngumiti ito sa akin dahilan para makita ko ang dalawang bungi niyang ngipin sa taas sa bandang harapan.
BINABASA MO ANG
Reminiscing Yesterday
Teen FictionSa mundong ang mga tao ay nais makalimot, may babaeng nais maalala ang lahat, maging ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Si Coral Presley, siya ay isang babaeng minamahal ng maraming tao dahil sa kagandahan ng loob nito at pagiging pursig...