Kabanata 9

16 4 32
                                    

Cade.
| Year 2011

Nakatanggap ako ng imbitasyon sa isang selebrasyon. Kaarawan ng nag-iisang anak ng mga De Vera, si Andrea. Dati nang naging kasambahay si nanay sa pamilya nila kaya naman kahit hindi na doon nagtatrabaho si inay, tinuring na siyang kapamilya. Hindi naman pinapaunlakan ni inay ang imbitasyon, si kuya ay nasa trabaho kaya bilang respeto ay ako ang dumadalo.

Nagsuot ako ng pantalon at simpleng t shirt na may pagkakulay kahel. Puting sapatos naman para sa sapin sa akin paa. Isinuot ko sa aking leeg ang camera bago lumabas ng kwarto. Bago umalis ay nagpaalam ako kay inay na abala naman ngayon sa pagluluto. May katandaan na ito pero tila sumasalungat ang pangangatawan niya. Masigla pa din kasi ito at kailan ma'y hindi nagkasakit. Aktibo pa din siya at palaging kumikilos. Bukod nalang kapag naaalala niya si tatay, parati siyang natutulala.

"Mag-ingat ka anak. Konserbatibo ang pamilyang iyon kaya ika'y maging maayos sa pagkilos. Ang anak nila, hindi naman siguro lingid sa kaalaman mong may pagtingin sa iyo ang batang 'yon ngunit huwag mo na sanang balewalain katulad ng ginagawa mo sa iba. Naiintindihan mo?" Malumanay na sabi niya. Saulo ko na ata ang linya niyang iyan dahil parati niya itong sinasabi sa tuwing pinag-uusapan ang pamilyang De Vera.

Bumyahe na ako papunta ng Pagsanjan dahil sa Balai Ilocos Restaurant daw gaganapin ang event. Pagkarating ko doon, malaking outing gate ang nakita ko at malapad na hagdan paakyat. Ang istilo ng lugar ay parang maka sinauna, tila isang bahay ang itsura ng labas. Umakyat ako sa hagdan, ngumiti sa akin ang tagapagtanggap ng bisita.

Hindi na ako nagpatagal pa, balak ko lang magpakita at umuwi na. Hindi din naman ako mahilig sa mga celebration na ganito.

"Cade? OMG! You're here na!" Dinig kong pamilyar na tinig ng babae. Naka suot ito ng fitted dress na kulay pula, akala mo'y nasa resto bar. Mataas din ang takong na suot niya sa paa.

Akmang hahalik ito sa aking pisngi nang humakbang ako papatalikod, nanatiling walang ekpresyon ang mukha. Natawa naman siya. Marahan nitong hinampas ang braso ko. Palihim akong napabuntong hininga.

"Ang laki na ng pinagbago mo ha? I remember when we're still in high school you're so payat pa." Natatawang sabi niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang din napansing may hawak pala siyang wine glass dahil hindi ko naman siya masyado tinignan kanina.

Ngali ngali kong sabihing ang payat na ito ay nagustuhan mo naman pero hindi ko nalang sinabi, nakakatamad magsalita.

"You're much more manly now eh? Hmm." Ngumisi ito sa'kin. "Anyway, let's go? You want some food?"

"Aalis nadin ako. Nagpakita lang ako dahil iyon ang nais ni inay." Walang paligoy ligoy na sabi ko. Natigilan naman siya bago ngumiti.

"Kahit kailan talaga you're so formal mag talk." Natatawang aniya. "Don't you even want to congratulate me first? I own so many business at a young age. You lost this girl, Cade. I'm so sorry for you."

Buti na lamang ay napigilan ko ang sariling sagutin siya. Ang sabi sa akin ni inay, ang mga business na mayroon si Andrea ay hindi dapat sa kaniya napunta. Sa isang babae dapat iyon maipapamana ngunit nabaliktad ang lahat. Nakakaawa daw ang pamilya ng babaeng 'yon dahil nawala ang para sa kanila. At ngayon ay wala pading hustisya sa pagkawala ng pamilya nila.

Kaya hindi ko maintindihan paanong nagagawang maipagmalaki ni Andrea ang mga bagay na mayroon siya na sa simula't sapul ay hindi naman dapat sa kaniya? Hindi ba dapat ay malungkot siya sa nangyayari? Balita ko ay halos apat na buwan palang ang nakakalipas simula nong mawala ang pamilya ng kamag-anak nila. Kung tutuusin, dapat ay hinahanap nila ang mga ito, hindi dapat nila inangkin ng basta basta ang mga pamana.

Umiling iling nalang ako. Hindi na dapat ako makialam sa gulo nila.

Dahil talagang mapilit si Andrea, wala akong nagawa nang higitin niya ako at dinala sa lamesang naka reserba para sa amin nila nanay at ng ilan pang grupo na hindi ko kilala. Kung ano anong pagkain ang ibinigay nito sa akin na hindi ko naman maubos ubos. Pasalamat na lang ako sa Diyos dahil sawakas ay lumayo na siya sa paglingkis sa akin.

"Good afternoon to all! This is Mr. Soriano ang inyong emcee for today. And it is really a pleasure to be invited here and to especially greet our gorgeous celebrant. I know some of you seem her already but let me introduce her again, no other than the sweet, kind, humble and loving daughter, Ms. Andrea De Vera!" Pagpapakilala ng tagapagsalita kay Andrea.

Hindi pa namin siya makita hanggang sa sumilip na ang buhok niyang naka pusod mula sa hagdan. Paakyat na siya doon habang malaki ang ngiti at kumakaway kaway sa mga bisita. Iba na ang suot niya ngayon, kulay pulang one shoulder long dress ata ang tawag doon sa suot niya.

Ano kamo ang sabi ng emcee? Loving daughter, kind, humble at sweet si Andrea? Hindi na ako magtataka kung scripted ang mga sinasabi ng tahapagsalita. Hindi naman sa nanghuhusga ako, pero kadalasan ay kabaliktaran sa mga iyon ang ginagawa ni Andrea. Kung gagawin man niya ang kabutihan, sa piling tao lang siguro at doon sa mga taong may makukuha siyang kapalit.

Naglakad na ito papunta sa harap at tinignan ang tagapagsalita, sa likod ng tingin niyon kitang kita ang pagtataray nito. Tinignan niya ang mic na hawak ng lalakeng tagapagsalita. Naintindihan naman niya iyong gusto niya ipahiwatig.

"Once again, Ms. Andrea!" Binigay niya kaagad ang mic sa babae.

Panay ang palakpak ng mga tao sa paligid. Nanatili lang naman sa magkabilang bulsa ang kamay ko.

"I would firstly like to thank everyone for coming and next is to my dear mother and father, mommy Francesca and daddy Allec. You've really made this day gorgeous, just like me." Pinasada niya pa ang mga daliri sa buhok na para bang magulo iyon. "By the way, your outfit is so outdated sir. Were you from the 90's or 80's? Too old fashioned right guys?" Pakikipag-usap niya sa lalaki, hindi naman malaman ng lalaki kung anong gagawin. Ngumiti ngiti lang ito. Kunyari namang natawa ang mga tao sa paligid. "Just kidding man, don't be so sensitive." Tumatawang aniya.

Marami pa siyang sinabi, lalo na ang pangangalandakan sa tao na magaling siya. Na madami siyang na achieve. Ganito naman siya, noon pa man ay mataas na ang tingin niya sa kaniyang sarili.

Pasimple akong pumuslit para makaalis. Mabuti na lang at medyo natatakluban ang hagdan kaya hindi pansin ang pagbaba ko doon. Napangiti ako nang sawakas ay makakaalis na ako. Hindi padin ako makapaniwalang nagawang magtagal ni nanay sa pagsisilbi sa mga Navarro ng sampung taon. Ako nga'y iilang minuto palang nada loob gusto kona lumabas.

Natigilan lang ako sa pagtangkang umalis nang makita ang isang babae na tila naliligaw. Mahaba ang buhok niyang nililipad dahil sa preskong hangin. Ang suot niya'y t-shirt na kulay pink. Naka tuck in pa ito sa kaniyang pantalon. Humarap ito sa puting gate kung nasaan ako. Hindi ko namalayang natigil na pala ako sa pagbaba ng hagdan at nanatiling tulala sa babae.

Tila may dumaloy na kuryente sa sa katawan ko nang... lumingon ito sa'kin. Nagtama ang mata naming dalawa. Kumikislap iyon tulad nong una ko siyang makita. Mapupungay ang mga mata niya, alam mong pagod siya. Nagwawala ang sistema ko. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan
Unti unti ay bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nong humakbang siya palapit sa direksyon ko. Napalunok ako nang palapit na siya ng palapit sa akin. Parang bumabagal ang takbo ng paligid ko, ewan, kakaiba sa pakiramdam. Hindi normal sa akin.

Ngunit tila nawala lahat ng nararamdaman ko. Ang iniisip ko, ang pangangamba, ang pagkalito at kaba ay naglaho nang... lagpasan niya lang ako. Na para akong isang bula. Na tila hindi niya ako kilala.

Kunot noong tinignan ko ang babae na ngayon ay likod nalang niya ang nakikita ko. Abala siya sa pagtingin sa paligid. Sumisilip silip pa siya sa loob ng event na para bang may kinukumpirma.

Hanggang sa maka akyat na siya ay tila may pumukaw ng atensyon niya. Hindi ko alam pero biglang tumahimik sa loob ng event. Ang nagsasalita kanina sa micropono na nagbibigay ng birthday wish ay hindi nadin naituloy.

"A-Andrea..." halos maluha luhang sabi ng babae.

Anong nangyayari?

Reminiscing YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon