Kabanata 21

23 2 11
                                    

Note: Ang pangalan po ni Coral ay mapapalitan dito ng Discelia dahil sa bagong buhay na kinaharap niya :)

Mahaba ang chapter na ito so tyagain niyo nalang haha.

Third Person's PoV
After 4 Years (Year 2015)

"Bakasyon nanaman!" Magiliw na saad ng isang guro na lalaki. Pumasok ito sa loob ng silid kung saan makikita din ang ibang kaguroan. Magaslaw ang galaw nito, kilala na talaga siya sa mapagbiro at mapaglaro niyang salita at kilos.

"Oo nga ano? Ang dami ko pang naiwang papel na dapat tsekan. Tapos may ipepresent pa sa meeting mamaya." napapabusangot na sabi ng gurong babae. Nakalugay ang mahaba niyang itim na buhok. Kaharap nito ang laptop, nandoon ang report card ng mga estudyante sa screen niya. "Dapat matapos ko na to. Kayo ba, saan lakad niyo?" tanong pa nito sa kapwa guro.

Itinaas ng lalaki na siyang dumating kanina ang kaniyang kamay. "Kami nila Sir Aaron at nila Maam Meldi pupunta ng Quezon para mag swimming dun sa may dalampasigan doon. Palm Resort ata. Kayo ba sama ba kayo? KKB ah?" Pang-eengganyo ng lalaki.

"Uy sama ako d'yan, Ronald ah? Hindi na talaga ako magpapahuli." ngiting wika ng babae kaninang may mahabang buhok.

"Balita ko nga mag-iibang bansa si Ms. Perez e. Hayy isang araw ako din makakalabas ng bansa natin." Kwento pa ng gurong babae. Napangalumbaba pa na tila ba inilalagay sa imahe ang sarili na nasa ibang bansa. "Pero sa ngayon, kailangan munang bayaran bills ng kuryente, tubig at panggastos bago pa ako makarating diyan." Napapangiwing aniya na sinang-ayunan ng iba, may ilan pang natawa sa katotohanang iyon din ang gagawin nila.

Ang lahat nga ay maraming inaasikasong report card at mga papeles dahil malapit nadin ang bakasyon. Usap usapan din sa bawat department kung saan magpupunta pagkasimula ng summer break. Isa na doon si Ronald na kanina ngang nagpanimula ng usapan.

Ilang saglit nga ay dumating sa silid ng mga kaguroan ang makisig na lalaki. Ang ilang kababaihan naman ay napaayos ng upo sa pagdating nito, kahit ang ibang may asawa na ay inayos ang sarili. Hindi naman kasi maitatangging gwapo ang guro na iyon. Marami din ang sumusubok na mapalapit sa kaniya lalo na't binata pa.

"Sir Cade! Sama ka next week? Punta kami ng Quezon." Saad ni Ronald sa lalaki. Ngumiti lang ito at umiling. Kinantyawan naman siya ng ilang guro dahil parati siyang humihindi sa tuwing nagkakaroon ng gala. Sobrang dalang lang nito sumama sa kanila, minsan pa ay parating maaga umuwi.

Natawa si Cade sa mga ito. "Aalis din ako, sa susunod nalang." Nagkatinginan naman ang mga guro, mukhang alam na nila kung saan nanaman siya pupunta.

"Sa Puerto nanaman 'yan noh?" siguradong sigurado na saad ni Ronald. Nangingiting tinuon nalang ni Cade ang ginagawa sa pagliligpit ng gamit. Tuwing bakasyon noon ay doon nga siya palaging pumupunta. Ngunit hindi na muling naulit noong taong 2011. Sa tagal ng panahon, ngayon lang uli siyang pupunta doon.

"Baka naman kasi mayroong ka date yan si sir." pangkukuntyaw pa ng isang guro. Tinutukoy nito so Dianne na parating nakikita na kasama ni Cade. Napuno nanaman ng tawanan at asaran sa loob ng silid. Isang ngiti o tawa lang naman ang nagiging sagot nito sa kanila. Kahit ilang beses niyang sabihing walang namamagitan sa kanila ng babae ay tila pinagpipilitan nila.

"Sige na ser, una na ako." Saad ni Cade. Tinapik ni Ronald ang balikat ng kaibigan.

"Ingat."

Papasakay na si Cade sa kotse niya nang may tumawag sa pangalan n'ya. Paglingon niya, nakita niya si Dianne na kumakaway dito. Nakasuot ito ng unipormeng pang guro tulad niya. Simpleng ngiti ang tinugon nito sa babae.

"Pauwi ka na? Papunta sana ako sa mall, may bibilhin." Sa pinapahiwatig ng babae, mapapansin na gusto niyang magpasama sa lalaki. "Mag gagabi na pamandin kaya mahihirapan akong makauwi mamaya."

Reminiscing YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon