Wakas

16 2 0
                                    

Sa bawat paghakbang na ginagawa ng isang babae sa puting buhangin, at sa tapat ng napakagandang tanawin, kung saan ang araw na papalubog ay nag-iiwan ng repleksyon sa kumikinang at umaagos na tubig sa dagat, ay ang pagbabalik tanaw niya sa ala alang naiwan niya dito sa Isla.

Sa paglipas ng panahon, ramdam niya ang koneksyon niya sa isla na ito. Bagamat hindi niya natatandaan kung bakit tila ang puso niya'y nananahan dito.

Nililipad ng hangin ang may pagkakulot na buhok ng babae. Ang bilogan niyang mata, katulad noon, makikita padin ang pagkamangha sa nakikita, na para bang ito ang unang pagkasilay niya sa tanawin at tila dagat ng mga taong hindi pamilyar sa kaniya. Ngunit sa kabila ng paninibago, hindi siya nakaramdam ng takot--- hindi katulad noon na bawat paggising niya'y may pangamba sa mangyayari kahapon. Dahil ang pakiramdam niya, katulad niya ang mga taong nandito, mayroong nananaig na pakiramdam na siya'y kaisa, tanggap at kabilang. Ito ang nagsilbing tahanan niya makalipas ang maraming taon.

Sa matangos niyang ilong, patuloy ang paglanghap niya sa preskong hanging nagpaparamdam sa kaniya ng kapahingahan, ganoon din sa pamilyar na amoy ng isla. Pumoporma ng ngiti ang kaniyang kulay rosas na labi, napapapikit din ang kaniyang mata habang dinadama ang paligid. Mula sa huni ng mga ibon, hanging sa kaniya'y sumasalubong, ibat ibang boses ng tao sa paligid at ang paglagaslas ng tubig.

"Cade..." pagbanggit niya sa pangalan ng isang lalaki, na para sa kaniya'y isang estranghero. Hindi niya malaman kung bakit sa isipan niya'y nananatili ito. Ang hindi niya alam, hindi lamang sa isipan niya ito naaalala, dahil maging sa puso ay nakabaon na. Nakabaon hindi sa limot, ngunit sa pagmamahal na sa bawat araw na lumilipas, mas lumalalim.

"Lola, nandiyan ka lang po pala. Kanina ka pa po namin hinahanap." Lumingon siya sa babaeng kung titignan ay nasa pagitan ng pagiging dalaga o milenyal ang edad. Ang suot ay crop top na asul habang ang pang-ibaba ay maikling shorts. Nakalugay ang buhok nito at may suot na sunglass sa ulo.

"Hmmm? Anong pangalan mo hija? Ay kay ganda mong dalaga." may pagkamahinhin ang tinig ng boses nito. Napakamot sa ulo ang dalaga, hindi alam kung paano magpapaliwanag.

"Lola Coral, ako po si Amelia. Anak po ni Mommy Jannet na anak po ni lola Andrea." Sabi ng babae sa matanda na nagngangalang Coral.

"May anak na si Andrea?" Umangat ang dalawang kilay ni Lola Coral, hindi makapaniwala sa narinig.

"Opo, nag-iintay na po sila sa iyo. Kakain na po ng hapunan." Nahihirapan pading pag-aaya ni Amelia. Nakangiti siya kay lola Coral ngunit sa likod niyon ay pagkainis dahil imbis na nagpi-picture siya para makapag post sa instagram at maishare o inggitin ang mga kaibigan niya ay narito siya sa harap ng isang matanda na ulyanin sa paningin niya.

May lumapit na babae sa direksyon ng dalawa, si mommy Jannet ayon kay Amelia. Nakangiting lumapit siya sa dalawa. "Happy 79th birthday lola! Halika na po, kain na po tayo. Mamaya po ay kukwentuhan namin kayo." Pagkausap niya kay lola Coral.

Ilang minuto bago pa nila napasama si Lola Coral. Nasa isa na sila ngayong bahay na may kalakihan, tila pinagawa talaga para sa pagbisita nila kay Lola Coral dito sa Isla. Gawa lang sa kahoy, pawid at bamboo ang bahay, tila katulad noong sinaunang panahon ang pagkakadisenyo. Ang mga bintana ay gawa sa kapis.

Pagkapasok doon ay makikita sa kanang bahagi ang mga Rattan Bench na gawa sa kawayan. Malapit ito sa bukas na bintana. Sa gitna ng mga upuan ay maliit at mababa na lamesa. May mga larawan ding nakasabit sa dingding. Larawan ng pamilya at dalaga, mga litratong kuha ng lalakeng minamahal niya.

Sa pagpapatuloy ng paglalakad, makikita ang maykakiputan na daan. Sa kaliwa'y may pinto kung saan makikita ang kwarto. Sa kanan ay maliit na kubeta.

Sa dulo ng hallway, makikita ang pinto. Nang buksan 'yon ni Amelia, bumungad sa kanila ang mahabang lamesa kung nasaan ang hapag kainan. Nandoon nadin sila Lola Andrea at ang asawa nito. Maging si Patricia at Lorencio ay naroon. May katandaan nadin ang itsura nila. Inimbitahan sila ni Andrea nang makarating sila kanina sa Isla. Kumaway sila sa direksyon ni Coral, bagamat ay hindi na siya naaalala ng mga ito, ngumiti siya pabalik.

Reminiscing YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon