Rest

4 1 0
                                    

Tiktilaok! Ingay na lagi kong naririnig mula sa manok na alaga ng tatay ko. Tanda na umaga na at kailangan ko nang bumangon.

"Good morning sa future attorney ko. " Bungad ni Mama sa akin. Bata palang ako pangarap na niyang maging abugado ako.

"Oh gising ka na pala Dave bilisan mong kumain d'yan at tulungan mo ako sa pag gawa ng kulungan ng manok." Sabi naman ni Papa na naka papasok pa lang sa kusina. Tumango naman ako bilang tugon.

"Kuya sira na sapatos ko, pwede bang akin lang 'yung sapatos mong kulay puti?"

"Ay huwag 'yun. Hindi ko nga ginagamit lagi 'yun dahil ayoko masira e'." sagot ko.

"Pero kuya wala akong gagamitin sa P.E " Pag aalburoto naman niya.

"Ibigay mo na Dave. Kapag naging abugado ka naman na mag kakaroon ka ng pag kakataon na makabili ng maraming sapatos." Sabi naman ni Mama.

Ayokong ibigay ang sapatos na 'yun dahil 'yun ang unang bagay na nabili ko gamit ang unang sweldo ko sa unang trabaho ko, pero dahil kuya ako kailangan kong mag bigay.

Nakakapagod...

"Ano ba 'yang ginawa mo Dave? Aksaya sa pako 'yan! Dapat itinali mo na lang. Ang tanga- tanga mo naman, akala ko matalino ka. Hindi ba't top one ka? Bakit hindi mo alam ang dapat mong gawin sa kulungan na 'yan!" Sigaw ni Papa sa akin dahil mali raw ang ginawa ko sa kulungan ng anak niya ah este manok niya.

Hindi ako kumibo kahit pa nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Minsan gusto kong sabihin na hindi ko ginusto ko bang  maging top one! Pinilit ko lang para maging masaya kayo! Para maging proud kayo!

Pero huwag, dapat kalma lang tatay ko pa rin yan, kaya dapat tiisin.

Nakakapagod...

"Bakit late ka na naman? Ang tagal na nating ginagwa to diba? Every Wednesday nag de date tayo at everytime na may date tayo lagi kang late." Galit na naman ang girlfriend ko.

"Pasensya na, may nga tinapos pa kasi ako sa bahay. Pasensya na talaga." Paliwanag ko nalang at saka inabot sa kanya ang bulaklak na dala ko.

"Bulaklak lang? Walang chocolates at bear manlang? Oh my goodness Dave naman." Muling reklamo niya.

"Love diba sinabi ko naman sayo na kailangan kong mag ipon para sa bar exam ko? Pasensya ka na sa susunod babawi ako."

"Lagi na lang ganito Dave nakakasawa na." tugon niya.

Lagi na lang ganito ang sistema namin, ni minsan di ko narinig na nag pasalamat siya sa ibinigay ko. Kapag nakikipag kalas naman ako sa kanya ayaw niya.

Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga.

Nakakapagod na...

"Dave 'yung kostumer kanina pa nag hihintay! Napaka tagal naman niyan!" Sigaw ng boss ko.

Sa umaga napasok ako bilang service crew sa isang kaininan dito sa Malate at sa gabi naman nag aaral ako.

"Sorry po, ito na."

Pag kalapag ko palang sa order ng kostumer namin narinig ko na naman ang pangalan ko.

"Dave!" sigaw ng boss ko. Kaya halos madapa na ako sa pag takbo.

"Diba sinabi ko na ayoko ng maruming kusina ano ba 'to ang kalat!" Pasimple kong tinignan ang kasamahan ko at lahat sila nag yukuan.

Tahhh hindi lang ako ang tao dito ah pero ako lagi ang nakikita.

Nakakapagod na...

Dumating na ang araw ng bar exam. Kahit kulang ako sa tulog dahil sa trabo, at pag re review kailangan ko pa ring ituloy 'to. Isinang tabi muna ang lahat ng stress ko sa trabaho, sa pamilya ko, sa gorlfriend ko at sa lahat ng bagay. Kailangan kong makapasa, para sa pangarap ni Mama.

Ayun na nga yata ang silbi ko sa bahay ang gawin ang lahat para sa kanila kahit pa

Nakakapagod na..

After three months lumabas na ng result ng bar exam. Sinabi ko kay Mama na gusto kong ako mismo ang unang maka alam ng resulta kaya naman mag isa akong nag punta sa pinaka malapit na Korte dito sa amin. Kinakabahan ako. Sana maka pasa ako para kay Mama.

Pag dating ko sa bahay ang daming tao. Wala namang may birthday at hindi naman piesta pero ang daming bisita.

"Ano pong meron Ma?" Nag tataka kong tanong.

"Oh mga kaibigan narito na ang abugado ko!" sabi ni Mama.

Napaliunok ako.

Naiiyak ako.

Natatakot ako.

"Mama I'm sorry di po ako nakapasa." halos pa bulong kong sabi.

Kitang kita ko sa mukha ni Mama ang pagka dismaya. Pati s'ya na disappoint ko na.

"I'm sorry di ako naka pasa. Ginawa ko naman lahat. Nag review ako at nag araw ako ng mabuti Ma, pero di ko kinaya I'm so sorry." Wala akong na rinig na kahit anong salita kay Mama, pero pag kadismaya na sinisigaw ng mata niya sapat na para mabingi ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko.

Umiyak, dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha ko sa unan saka sumigaw.

Ayoko na!

Napapagod na ko!

Matapos 'yun ilang minuto akong natulala sa kawalan na para bang wala na ako sa sarili kong katinuan.

Tumayo ako at hinalughog ang ang sarili kong gamit na para bang may hinahanap ako na bagay na hindi ko naman alam kung ano.

Sa pag halughog ko isang kapirasong papel ang nakita ko. Naalala ko nuon may isang babae ang nag abot sa akin nito at sinabi niyang...

"Sa kanya mapapahinga ka."

Lumuhod ako, nag dasal at lahat ng dinadala ko isinumpong ko sa kanya.

Lord nakakapagod na, parang ayoko na. Lord ginawa ko lahat para mapasaya sila pero di ko na kaya. Lord gusto ko na magpahinga.

Ang dami kong isinumbong sa kanya. Sa dami nun di ko namalayan na naka tulog n pala ako.

Kinabukasan nagising ako ng maaga di dahil sa ingay ng manok ni Papa kundi dahil sa amoy ng mabangong sinangag na alam kong si Mama lang ang makakagawa.

Bumaba ako at di nga ako nag kamali si Mama nga ang nasa kusina.Lumingon siya sa akin ng maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya.

"Halika Dave mag almusal ka na. Hindi ka nag hapunan sigurado akong gutom ka na."

"Hindi ka galit Ma?" Tanong ko.

"Hindi anak. Bakit ako magagalit?" Tanong rin niya.

"Hindi ba't na disappoint ka kasi di ako naka pasa?"

"Hindi anak may next year pa naman diba? Next year mas galingan mo pa."

Napatakbo na lang ako sa kanya at yumakap. "Mama."

"Shhh. Mag almusal ka na at pag katapos mag pahinga ka."

🌺

miaurelia



Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon