"Babae, hindi babae lang"

3 1 0
                                    

"Maari po ba akong sumama sa digmaan?" kahit alam ko na ang isasagot nila sa akin ay magbakasali pa rin ako na magbago pa ang isip nila.

"Hindi pwede. Bawal ang babae du'n, baka umiyak ka lang" Nagtawanan naman ang iba pang mga sundalo na kasama niya.

Napahiya man ako'y nangingibabaw pa rin sa puso ko ang kagustuhan na sumama. Ayokong maghintay nalang dito sa aming bayan hanggang matapos ang giyera. Kung mamatay man ako gustong mamatay ng kalaban.

Babae nga ako pero hindi babae lang at patutunayan ko sa kanilang lahat iyon, ako ang magsisilbing gunting na puputol sa hindi patas na tradisyon.

Masikip, mainit at halos hindi na ako makahinga matapos akong pumuslit upang makasama sa mga sundalong sasabak sa giyera. Pilit kong ipinagkasya ang aking sarili sa likod ng isang sasakyan na ginagamit nila. Ang mga katabi ko rito ay mga baril, at pampasabog.

Kahit sobrang hirap na ng sitwasyon ko, buo pa rin ang loob ko. Lalaban ako para sa kalayaan ng bayan ko.

"May kalaban!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga sundalong nasa labas. Bigla akong nakaramdam ng panginginig at takot, pakiramdam ko'y tinakasan ako ng tibay at lakas loob.

"Diyos, ko, dito na po ba ako mamatay?" Lumuluha kong sabi.

Sunod-sunod na putukan at pagyanig ng lupa ang aking nasaksihan. Ganito pala ang nangyayari sa loob ng digmaan.

"Anong ginagawa mo dito!" Gulat na sigaw sa aking ng isang sundalo. Kitang kita ko ngayon ang halo-halong emosyon sa kanyang mukha. Takot, galit at gulat.

"Narito na ako, hayaan mo, akong lumaban." Sigaw ko pabalik sa kanya. Kahit na nilalamon na akong takot pinali ko pa ring panindigan aking kagustuhan na lumaban.

"Hindi maari-" hindi na niya nagawa pang tapusin ang kanyang sasabihin dahil mula sa kung saan may bigla nalang tumamang bala sa balikat niya, dahilan upang mamilipit siya sa sakit.

Nanginginig kaming nagtago, kita ko ang agus ng dugo sa kanyang balikat. Hindi ako maaring umupo na lang dito at pagmasdan ang kamatayan ng mga sundalong lumalaban para saming kalayaan.

"Lalaban pa ako!" Nanginginig kong sigaw. Tumayo ako mula sa aking pinagtataguan at lakas loob kong pinaputukan ang aming mga kalaban.

Sa gitna ng aking paglusob bigla akong naubusan ng bala. Takot na takot ako lalo na at nakikita kong papalapit na sa aking puwesto ang mga kalaban ko.

"Ba-babae? I-sang babae." Gulat nilang saad matapos nilang makita ang aking itsura.

"Umatras na tayo at huwag  na natin silang sakupin. Dinaig pa tayo ng babaeng ito, siya ay lumalaban para sa kanilang kalayaan, habang tayo naman ay parang aso na sumusunod lang sa utos." Saad ng kanilang heneral.

"Isang kang babae ngunit hindi babae lang." Dagdag niya pa.

••••
🌺

Miaurelia

Thank you #WordPlay

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon