Himig ni Nanay

1 1 0
                                    

Sa tuwing sumasapit ang hating gabi parati akong nagigising dahil sa malambing na himig na nagmumula sa katabi kong silid.

Masarap sa tenga ang himig na naririnig ko ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ako pinatutulog nito.

"Puyat ka naman ba, Mia?" Tanong sa akin ng kasamahan ko sa Dorm.

Tinanguan ko lang siya bilang sagot sa tanong niya, habang sinusundan ko ng tingin ang bawat pag galaw niya.

"Bakit ba parati ka na lang di makatulog?  May insomnia ka ba?" dagdag niyang tanong. Nagtitimpla na siya ng kape ngayon habang ako naman nakahilata lang sa sofa.

"Wala akong insomnia sadyang maingay ka lang talaga kahit gabi na kanta ka pa rin nang kanta." may lahong reklamo kong sagot sa kanya.

"Adik ka ba? Bakit ako kakanta sa gabi?" umupo na siya sa harap ko at amoy na amoy ko masarap na amoy ng kape niya.

"Kung hindi ikaw ang kumakanta e'di sino?" nakatitig lang ako sa kape niya.

"Oh huwag mo pagnasahan ang kape ko, 'di ko ibibigay sa'yo 'to." saad ni Giselle bagay na ikinatawa ko.

"Buang bakit pag nanasahan ko 'yan puwede naman ako gumawa ng sarili kong kape."  Naiiling kong tugon.

Kinagabihan muli ko na naman narinig ang malambing na himig, para bang nag hehele ito ng sanggol.

"Patulugin mo naman ako, Please!"  sigaw ko.

Ngunit nagpatuloy lang ang malambing himig sa pag awit.

hindi ko na kaya 'to nayayamot na talaga ako!

Nanggigil akong tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko at padabog na tumayo mula sa higaan ko.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa pinagmumulan ng tinig.

"Giselle kapag nahuli kita humanda ka sa akin." gigil kong bulong sa hangin.

Nang marating ko ang katabing silid ng k'warto ko agad ko itong sinipa upang mabuksan.

Isang babaeng may mahabang buhok ang bumungad sa akin. Napa atras ako sa takot kilala ko siya at 'di ako puwedeng magkamali.

"Ma-mama?" nauutal kong sambit " pa-patay ka na diba?" patuloy ako sa pag atras,nanginginig na rin ang katawan ko sa takot.

Patay na siya namatay siya sa mismong harapan ko, namatay siya dahil pinrotektahan niya ako.

Lumindol noon nang malakas at takot na takot ako dahil sa malalas na pag yanig ng lupa at ang tangin nagpapakalma lang sa akin ay ang himig ni nanay.

"Huwag kang matakot anak narito lang ang nanay."

Habang nasa loob kami ng k'warto ko noon may naka abang na tablang babagsak sana akin, ngunit sinalo iyon ni nanay.

"Oo anak patay na nga ako, pero kagaya ng pangako sa 'yo mananatili ang himig ko sa tabi mo."

🌺

Miaurelia

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon