Halimaw sa Barii

2 1 0
                                    

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng gambalahin kami ng halimaw na pumapatay sa mga bario ko.

Lahat kami ay natatakot sa kanya. Wala pa ni isa amin ang nakakita sa totoong anyo ng halimaw.

"May bago na namang pinatay ang halimaw." Pagwika ni nanay nang makapasok siya sa bahay.

"Sinong pinatay? " nag aalalang tanong ni tatay.

"Si Jane 'yung anak ni ka Monli." Tugon ni nanay.

"Hala ka bakit naman pinatay ang batang 'yun kakawa naman napaka bait na bata agad naman nawala." Nanghihinayang na tugon ni tatay.

"Napaka bait daw e ang sabihin niyo pasikat siya pati sa eskwelahan namin bida bida siya." Bulong ko sa aking sarili habang sinusuklay ang balahibo ng akin pusa.

"Salamat sa halimaw nabawasan ang bida bida."

"Anong sinabi mo Claire?!"

Gulat akong napalingon kay nanay at sa gulat ko muntik ko na maihagis ang pusa ko.

"P--po?" Nauutal kong sagot hindi ko inaasahan na maririnig niya ako.

"Bakit masaya ka pa na may napatay na naman ang halimaw ah!"

Napalunok na ako sa kaba. Iba magalit si nanay kung si tatay hanggang sermon lang, si nanay nang hahagupit talaga ng sinturon.

"Clarissa ano ba 'yan at sinisigawan mo na naman ang anak mo?" Saway ni tatay kay nanay.

"Tong anak mo lumalaki na may kakaibang sungay. Akala mo ba hindi ako nakakahalata na sa tuwing may mamatay natutuwa pa ang anak mo!"

Sila naman ngayon ang nag aaway.

Hinayaan ko na lang silang dalawa at lumabas na ako ng bahay.

Pag punta ko sa kanto nadatnan kong naka upo sa tapat ng tindahan ni Mang Ron ang grupo ni Jim. Mga tambay sila at walang magawang matino sa buhay.

"Pswwt"

Bastos na pagsipol ng isa sa kanila. Hindi ko iyun pinansin.

"Claire ang ganda ganda mo."

Nilapitan pa ako ng isa kanila at marahas na hinawakan sa braso.

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.

"Claire ako na lang ang kakain sa 'yo nakakapang hinayang naman kung ikaw susunod na aatakihin ng halinaw ang ganda ganda mo at ang bango bango mo pa."

Malakas na samapal ang isinagot ko sa kanya dahilan upang bitawan niya ako. Pagtapos ay tumakbo na ako papalayo.

"T&%#inang 'to ang arte." Rinig kong minura niya ako ng malutong.

Kinabukasan may bago na naman biktima ang halimaw.

"Hindi ba't pinuno ng mga adik 'yang si Jim?" Sabi ni aling Marites.

"Alam mo ba mare kahapon may binastos raw 'yang si Jim. Yung anak ni mang Jose. Si Claire yata ang pangalan nun." Sagot naman ni aling Isay.

"Ito si Claire oh." Nagulat ako nang bigla akong ituro ni Ka Monli.

"Luh bakit ako?" Maang kong sagot.

"Bakit nga ba ikaw Claire? Bakit kung sino ang nakakalaitan mo pinapatay ng halimaw? Hindi kaya ikaw ang halimaw?" Dagdag ni ka Monli.

Kaagad akong dinumog ng mga tao lahat sila nanlilisik ang mata sa akin.

"Hindi po ako halimaw! Ang ganda ko namang halimaw"

Kaagad akong nakatakbo pabalik sa aming bahay. Hingal na hingal ako.

"Mga adik na 'yun." Sa lamesa ako nag tungo upang makainom ng tubig pakiramdam ko nauubosan ako ng tubig sa katawan.

Nang maibaba ko ang baso ko napaisip din ako.

Bakit nga ba kung sino ang nakakaway ko siya rin ang pinapatay ng halimaw?

Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam na ako ng gutom.

"Nanay gutom na po ako anong pag kain natin ngayon?!" Binuksan ko ang kaldero may kanin naman ngunit ang mga kaserola at kawali ay malinis na nakataob pa.

"Nanay gutom na po ako!" Muli kong tinawag si nanay ngunit walang sumasagot.

Nag punta ako sa kwarto nila wala siya duon.

Nag punta naman ako sa halamanan niya ngunit wala rin siya dun.

Sumunod sa likod bahay naman ako nag punta.

Medyo madilim na kaya nakakatok na ring lumabas pero dahil masa loob naman ako ng bakuran namin kaya kahit papaano kampante ako dahil maari naman akong makatakbo sa loob kung sakali man na makita ko ang halimaw.

Nang makarating ako sa likod ng bahay namin usok ang una kong nakita, sumunod si tatay.

Mukhang abala siya sa ginagawa niya. Maya maya naka amoy na rin ako ng mabangong pag kain mukha nag iihaw si tatay!

"Tatay ano 'yang ginagawa mo?" Tanong ko.

"Halika Claire may niluluto akong tiyak na magugustuhan mo." Pag wika ni tatay sa malambing na tinig.

Kaagad akong dumulog sa kanyang pwesto at tinikman ang inihaw niyang karne.

Masarap ito kakaiba ang lasa.

Tatlong malalaking hiwa na ng karne ang nauubos ko nang maalala kong wala nga pala si nanay.

"Tatay nasaan si nanay? Bakit wala siya dito? Baka magustuhan niya 'to magtira tayo." Suhestyon ko.

"Claire walang maaring manakit sa 'yo." Sagot ni tatay.

"Po?"

Sa halip na sagutin ni tatay ang tanong ko bigla nalang siyang tumawa ng malakas!

"Tatay bakit po? Anong nakakatawa sa sinabi ko po?" Naguguluhan kong tanong.

"Claire di mo ba nakikilala ang balat ng nanay mo sa karneng hawak mo?"

Napakunot ang noo ko.

"Ba--ba-- balat?" Inangat ko ang karneng hawak ko at sinipat ang maitim na bahagi nito. Bigla kong naalala ang balat sa hita ni mama.

"Ta---tay an---ong gi--gina---wa mo?" Lalo akong nanginig sa takot nang bilang nag bago ang anyo ni tatay.

Naging isang malaking itim naaso si tatay ang mga mata niya ay nanlilisik na kulay pula.

Hindi maari ang tatay ko ang halimaw!

Miaurelia

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon