Senyorita

4 1 0
                                    

I am a Filipino inheritor of a glorious past, hostage in the uncertain future.  As such I must prove equal to a two fold tast - task that meeting my responsibility in the past, and the task of performing my obligation in the future."

Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase ng pinsan kong si Vanery na parang mga mga baliw. Kasalukuyan silang nasa labas ngayon ng bahay namin nag pa practice ng performance nila para sa gaganaping speech choir competition sa school nila dahil malapit na ang 'Day of Valor'. Habang ako naman ay nasa tuktok ng bahay namin dito ko sana balak matulog dahil presko ang hangin at tahimik din pero wala na sa lakas ng boses ng mga nag pa- practice sa ibaba na akala mo'y may ipinag lalaban nasira ang pag si siyesta ko.

"Mga buringot!"

Hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw sa inis. Well di naman nila ako maririnig, bukod kasi na nasa pinakamataas na bahagi ako ng bahay na namin e napakalakas din ng mga sigaw nila.

Tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko para hindi ko na sila marinig. Gusto ko talagang matulog.

"Bilisan mo ang pag takbo mo Valeria at baka tayo ay maabutan ng mga hapon."  dama ko ang sakit at pagod ng buong kong katawan. Kanina pa kami tumatakbo upang hindi makita ng mga gumagalang Hapon.

"Inay napapagod na po ako. Kung maari po sana'y mag pahinga na muna po tayo, sa palagay ko'y malayo na po ang nararating."  patuloy lang kami sa pagtakbo kahit ang pag hinga ko ay hinahabol ko na rin.

"Hindi maari anak at baka tayo ay maabutan. Tiyak kong ikaw ay dadakipin nila kagaya ng ginagawa nila iba pang mga kababaihan." matigas ang pag tutol ng aking ina. Kaya naman kahit ako'y pagod na pinilit ko pa ring tubakbo.

Hindi nag laon ay may nakita kaming bahay na yari sa matibay na bato. Noong una'y nag aalangan pa kami ng aking ina na pasukin ang naturang bahay, ngunit dahil sa kagustuhan naming mag tago at mag pahinga pansamantala ay pumasok na rin kami sa loob ng bahay.

Sobrang tahimik ng loob nito at halatang walang tao.

"Dito muna tayo mag pahinga Inay sobra na ang pagod na aking nadarama."

Inalalayan ko ring umupo ang aking ina. Pag katapos ay nag tungo naman ako sa kusina upang mag hanap ng malinius na tubig upang kami ay makainom.

Laking tuwa ko nang makakita ng isang banga "Tiyak kong ito'y nag lalaman ng malinis na tubig" bulong ko sa aking sarili.

Nang makakuha na ako ng tubig ay nag tungo na ako sa aking ina. Ngunit hindi pa man ako lubusang nakakalabas sa kusina ay may mahabang baril na ang nakatutok sa akin.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa pamamahay ko?" hindi ko man magawang lumingon dahil sa takot  ay batid kong isa siyang binibini.

"Naparito ho kami upang mag pahinga," panimula ko "Sa pagkat kami ay hinahabol ng mga sundalong hapon." unti unti niyang ibinababa ang hawak niyang baril.

"Sino ang kasama mo at nasaan siya?" muling tanong ng binibini.

"Iniwan ko po ang akin inay sa may bakunahe sapagkat siya'y hinang hina."

Humakbang na ako upang puntahan ang akin ina. Sumunod naman sa akin ang binibini.

"Siya po ang aking ina."  Umupo ako sa tabi ng akin ina at saka ko siya inalalayan uminom ng tubig, siya ay hinang hina na.

Sandali kaming minagmasdan ng binibini saka siya umalis sa aming tabi. Pag lipas ng ilang sandali ay bumalik na siya. May kasama na siyang isa pang dalaga na may dalagang puting tela at mga halamang gamot.

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon