Tikbalang

2 1 0
                                    

Nag aagaw na ang dilim nang marinig ko ang sigaw ni lola Amanda tinatawag niya ako.

"Marilyn halika rito. " wika niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Bakit po lola?" tanong ko.

"Samahan mo ako sa kabilang Barangay may lamay daw ngayon duon gusto kong dumayo upang makapag laro ng tong its" napakamot nalang ako sa aking ulo. Kahit kailan talaga 'tong si Lola tong its is life.

Madilim na nang makarating kami ni lola sa lamay. Maraming tao abala sa kani-kanilang mga laro pati mga bata nag kalat aakalain mong walang patay na pinag lalamayan.

"Ano bang ikinamatay?" pakinig kong sabi ng isang babaeng nakikipag lamay.

"Nag punta lang daw sa gubat, tatlong araw di naka uwi tapos ayan bangkay na nang makita." sagot naman ng kausap niya.

"Hindi tao ang naka burol" biglang sabi ni Lola.

"Lola naman kun'di tao 'yan e' ano pala?" maang ko namang tanong.

"Saha apo, saha ng saging." Tugon ni lola. Medyo natawa naman ako sa sinabi niya, pero hindi ko pinahalata. Ayokong makurot noe.

Maya maya pa may player na nag aya makipag laro kay lola kaya naman iniwan niya muna ako, pero bago siya umalis binilin niya muna sa akin na huwag akong lalapit sa kabaong at baka mag pakita sa akin ang sundo.

"Hay ano naman kayang gagawin ko rito?" bagot na bulong ko sa hangin naka upo ako ngayon sa isang bakanteng lamesa.

Habang ang lahat ay abala sa pinag kakaabalahan nila ako naman ito bagot na bogot. Feeling ko mag ta-tae na ako sa dami ng mani na kinain ko.

Maya maya magawi ang paningin ko sa bandang kanan kung nakalagay ang photo stay ng pinag lalamayan. Kung titingnan hindi naman siya mukhang patay sa picture niya buhay na buhay nga e'

Ay shunga lang self malamang na buhay pa 'yan sa picture niya, buhay pa siya ng kinunan 'yan e'.

Napailing na lang ako sa sarili kong iniisip. Grabe na ang bagutan ko dito ah.

Sa bagot ko hindi ko na namalayan na naka lapit na pala ako sa kabaong ng patay.

Huli na ng maalala ko arng bilin ni Lola na huwag akong lalapit sa kabaong, tas ano nga sinabi ni lola na makikita ko?

Sundo ba 'yun?

E' wala namang kakaiba rito sa pinag lalamayan nila ah tao naman ito at hindi saha. Sunuri ko ang kabuan ng kabaong para makita kung anong basehan ni lola sa sinabi niyang saha ng saging ang naka burol at hindi tao pero wala naman akong nakita.

Pinag titrip lang siguro 'yun ni lola para takutin ako.

"MARILYN!" Gulat akong napalingon kay lola sa lakas ng sigaw ni lola maging ang mga tao sa burol ay napalingon rin sa kanya.

Dali daling lumapit sa akin si lola at galit na hinawakan ang braso ko.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag kang lalapit d'yan" itinuro ni lola ang kabaong.

"Pero lola wala naman pong kakaiba sa naka burol ah" pangangatwiran ko naman.

"Umuwi ka na. Ipapahatid na lang kay Anton." nangiwi naman ako sa sinabi ni lola. Sa dami naman ng tao dito bakit si Anton pa na di naliligo.

"Ako na lang po mag isa ang uuwi, kayo nalang po ang mag pahatid kay Anton." umalis na ako sa burol at hindi ko na intindi ang sinasabi ni lola, hindi na rin ako lumingon sa kanila.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag lalakad ko nang biglang umihip nang malakas at malamig ang hangin. Hindi naman ako natatakot nag eenjoy pa nga ako kasi ang sarap sa feeling  nga lang may dalang kilabot din ang bawat pag dampi ng hangin sa balat ko.

"Marilyn…"

"Marilyn…"

Dalawang beses kong narinig ang mahinang pag tawag sa pangalan ko kaya nilibot kong ng paningin ang paligid ko. Sobrang dilim na ng paligid at napaka lalayo pa ng mga ilaw ng poste. Sa paglibot ko ng mga mata ko isang lalaki ang naka suot ng kamoseta de tsino at itim na slacks ang nakita ko sa ilalim ng poste. Nakasuot rin siya ng salukot kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. Humakbang naman ito papalapit sa akin kaya umatras naman ako hanggang sa makarating ako sa kabilang poste ng ilaw.

Patuloy pa rin sa pag sunod sa akin ang lalaki 'di nag tagal at nakalapit na nga siya sa akin ng tuluyan.

"Dapat nakinig ka sa lola mo…" bulong niya.
"Sino ka ba at anong sinasabi mo?" kunot noo kong tanong sa kanya.

Dahan-dahan naman niyang ini-angat ang kanyang ulo laking gulat ko nang makita ang kanya mukha. Hindi ako pwede mag kamali siya 'yun, 'yung naka burol!

"Pa-papaano  ka-kang nakasunod sa akin. Diba naka burol ka?" sa unang pag kakataon nakaramdam ako ng takot tila ginimbal ang buong sistema ko.

"Hindi ako ang na ka burol dahil sinundo na ako." sagot niya habang naka ngiti.

Napalonok nalang ako sa kaba. "Si-sinong sundo?" dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kamay at may itinuro sa bandang likuran ko.

Nang lumingon naman ako sa likuran ko isang napakalaking kabayo na may katawan ng tao ang nakita ko, pulang pula ang kanyang mga mata at nangingintab ang kanyang katawan.

"Wala ka ng takas batang matigas ang ulo."

Miaurelia

🌺

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon