My Boss' Mistress

5 0 0
                                    

R18

Typo grammatical error ahead
Unfiltered word

Read at your risk.




"Kaya mo pa ba, Love?" tanong asawa kong si Lidia.

"Oo naman, love. Di ako pwedeng umabsent sa work. Late na nga ako eh. Nagpasabi na lang akong ma-le-late ako," tapos ay yumakap ako sa kanya at hinalikan siya.

Si Lidia ay isang magandang babae. May tangkad na 5'6" at makinis ang napakaputing balat. Mahaba ang buhok na lampas balikat.

Ako nama'y hindi kalakihan. 5'7 ang taas at mestisuhin. Nag-ji-gym, ngunit hindi madalas. Maayos naman ang pangangatawan bukod sa konting umbok ng tiyan.

Magkasintahan na kami simula pa nung college. Nung makagraduate, nagtrabaho muna kami at nag-ipon. Tapos ay nagpakasal. 2 taon na kaming kasal ngunit hindi pa rin kami nagkakaanak. Magkasama kami ng missis ko sa trabaho dati kayang lag dahil nga hindi kami nagkakaanak, pinatigil ko na muna siya sa pagtatrabaho at ako na lang ang kumakayod. Baka dahil sa stress niya sa trabaho kaya hindi kami makabuo. Gusto ko mag focus siya sa pagkakatoon namin ng baby

Maganda naman ang trabaho ko. Katunayan nga, last month lang ay na-promote ako. Ako na ngayon ang pangalawang pinakamataas sa kompanya, sunod sa boss ko.

"Next time kasi, learn to say no naman," wika niya.

Ang tinutukoy niya ay ang katakot-takot na trabaho na oinagagawa sa akin ng boss ko sa opisina. Simula ng mag-elevate ang position ko sa trabaho tumaas dkn ang demand ng boss ko sa akin.

Mabait naman ang boss ko. Workaholic kaya hindi na ako nagtataka kung bakit naging successful business man siya kahit halaos magkasing edad lang kami.

"Love, naman, alam mo namang we can't say no to the boss ‘di ba? Hindi naman laging ganito," paglalambing ko sa kanya.

"I know naman na hindi ka makakatanggi sa boss mo, pero sana hinay-hinay pa rin sa trabaho. Late ka na umuwi kagabi tas ang aga mo pang papasok ngayon."

"Oh siya, love, I have to go na. I'll see you later. I love you." tinapos ko na ang usapan namin dalawa para hindi na humaba pa.

Pakiramdam ko nagtatampo siya sa akin. Hindi na naman niya tinugon ang "I love you" ko.

Hinayaan ko na lang  sumakay na 'ko ng vios papasok ng trabaho. Pagdating ng office ay sandamakmak na trabaho agad ang sumalubong sakin. Hinanap ko ang boss kong si Sir Alfred, pero wala siya sa office niya.

Tatanungin ko sana sa sekretarya ko kung tumawag ba si Sir Alfred nang mag-ring ang cellphone ko at siya ang tumatawag.

Nagpasabi lang siyang hindi siya makakapasok ngayong araw dahil masakit ang ulo niya. Ibinilin niya din sakin ang operations habang wala siya.

Alam kong sanay siya sa puyatan lalo na kung tungkol sa trabaho ang pinagpupuyatan,  hindi tulad ko na mabihis bumigay sa antok. Pero naisip ko rin tao lang din baka sumama takaga ang pakiramdam niya.

Sa totoo lang masakit din ang ulo ko, pero dahil wala ang boss kailangan kong tiisin muna ito. Ngunit sa bawat oras ay tumitindi ang sakit ng ulo ko kaya naisipan ko nang mag-half day na lang.

Tutal tapos na din naman ang mga importante talagang mga dapat gawin para sa araw na ito. Ibinilin ko na sa secretary ko at mga managers ang operations sa buong maghapon. Hindi ko na talaga kaya pakiramdam ko tumitibok-tibok ang ulo ko.

Matapos ang lunch break ay napagdesisyunan ko ng umuwi na. Kahit may aircon ang kotse ay parang nararamdaman ko pa rin ang init sa daan kaya't lalo lamang nun pinasama ang pakiramdam ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon