Keso

1 1 0
                                    

Thank you Juliet sa pag eedit ng cover God bless.

"Keso"

By: Sueños

"Anak mamaya mo na 'yang keso, " hindi ko na mabilang kung ilang beses Kong sinaway ang anak kong si Miguel. " pang noche buena na iyan anak. "

" Pero inay. Gusto ko na pong kumain ng keso. Sige na po inay kahit maliit lang, hindi ko na po mahihintay pa ang noche buena." sagot sa akin ni Miguel habang nakanguso.

Hindi ko naman siya masisi dahil sadyang sabik na sabik na s'ya sa kanyang paburitong keso, na tuwing pasko n'ya lamang natitikman. Salat kami sa buhay tanging sa pag lalabada ko lamang kinukuha ang aming kakainin sa araw-araw.

"Ang mabuti pa anak. Matulog ka na muna at mamayang hating gabi ay gigisingin kita, para sabay nating pag saluhan ang paburito mong keso. " nanatili lang nakatingin sa akin si Miguel habang naka nguso pa rin. Ilang sandali pa'y nag lakad na rin sya patungo sa aming tulugan.

~~~

Hating gabi na at mas umiingay pa ang mga kapit bahay namin. May mga nag tatawanan, nag kakantahan, at may nag lalabas na rin ng kanilang handa.

"Miguel, anak halika na. Lumabas kana d'yan. Oras na ng noche buena."
Ngunit mukhang hindi ako naririnig ng aking anak. Kaya minabuti kong lapitan na sya.

"Anak, huwag ka na mag tampo. Hindi ba't sinabi ko naman sayo na tanging ang keso lamang na iyun ang maihahanda natin ngayong pasko."
Saad ko habang naka upo sa tabi ng anak kong mahimbing na natutulog.

"Miguel. Gising na anak, para makakain na tayo." pero hindi pa rin sya natitinag. Siguro'y sobrang nag tampo sa akin ang anak ko.

"Miguel kapag hindi ka pa bumangon d'yan, uubusannakita ng keso, " ngunit wala parin siyang tugon. "Miguel, ayaw mo talagang bumangon ah. Sige kikilitiin ka ni Nanay. "
Sinubukang kong hawakan ang tagiliran ng aking anak, ngunit napahinto ako nang may nahawakan akong parang basa. Ang akala ko'y umihi ang anak ko, at natatakot lamang syang mag sabi sa akin dahil baka mapalo ko sya.

Tumayo ako mula sa higaan namin upang buksan ang ilaw at ngbuksan ko ito'y duon na tumambad sa akin, ang aking anak na naliligo sa sarili nyang dugo.

"Jusko! A-anak ba-bakit ka may dugo. " hindi ko alam ang gagawin ko tila namamanhid ang buo kong katawan. " Mga kapitbahay . Tulong ang anak ko may dugo, ang anak ko tama. Tulong ... Tulungan nyo ko. "

Dali daling Binuhat ng isa sa mga kapitbahay ko ang katawanan ni Miguel na wala ng buhay at naliligo pa sa sarili nyang dugo.

°°°
Limang taon na ang limilipas ngunit parang kailan lang nangungulit pa ang anak ko, para bigyan ko sya ng keso. Limang taon na ang nakakaraan ngunit wala pa rin ang hustisya para sa anak kong tinamaan ng ligaw na bala. Limang taon na ang lumilipas—limang taon na akong nag papaskong mag isa.

The end

🌺
Miaurelia

Halo-halong K'wento ni SueñosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon