AMELIA POV
Hanggang ngayon hindi pa din ako mapakali dahil hindi ko pa din ang alam ng pangalan ng master namin.Pumasok nalang ako sa loob ng magiging kwarto ko dahil sa sobrang pagka dismaya.Sino ba namang hindi?Palagi ko nalang nakaka limutan itanong ang pangalan nya!Ako lang ata ang katulong na hindi alam ang pangalan ng amo nya!
Nakaka inis.Ano nalang itatawag ko?Master lang?Psh.
Pagka pasok ko sa loob ng kwarto ay mas na mangha pa ako sa sobrang ganda.Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ako may-ari ng bahay,hahaha.Ang ganda talaga.
Nag ayos nalang ako ng gamit ko at para maka tulong na ako kay manang na mag ayos ng mga lulutuin mamaya at para makapag linis na din ako.Nakaka bored kaya pag walang ginagawa.Atsaka sabi ni master "You can start now." Oh diba bongga?Aishh.
Pagka ayos ko ng lahat ay lumabas na ako at hinanap si manang,hindi naman ako nahirapan sa paghahanap sa kanya dahil nakita ko lang sya sa garden.
“Manang!”Sumigaw na ako para sure na maririnig nya.Baka kasi mahina na ang pandinig ni manang,haha...
“Ano ba ‘yon?Sumisigaw ka dyan,akala ko kung ano nang nangyari!”Hehee…
“May maitutulong po ba ako?Ako nalang po ang mag luluto!”Ngumiti pa ako para mas gumanda ako.Charr.Ngumiti ako kasi baka sabihin nya attitude ako!Bait kaya si ako!Hehee…
“Oh sige!Hali at ipapakita ko sayo ang kusina.”Sumunod nalang ako sa kanya ng mag simula na syang mag lakad.
Hindi naman nag tagal at nakita ko na nga sinasabi nyang kusina.May pinto pa bago pumasok sa kusina at pag pasok namin ay namangha ako sa laki!Parang kasing laki na ‘to ng bahay ko e!Susmeee.
“Sige ho,salamat!”Ngumiti ako sa kanya at sinuklian nya naman ako.Yeheyy,ngumiti na sya sakin.hahaha...
Umalis na sya at may gagawin pa daw s'ya sabi nya.
Alasingko na ng hapon kaya naman ng umpisa na akong mag ayos ng mga dapat kong lutuin.Sinabi din sakin ni manang na tatlong putahi ang kailangan kong ilutong ulam dahil para maka pili daw si master at para daw may ulam na din kami.Ehehe...
Nag luto nalang ako ng Michado,Caldereta at Chapsoy para naman may gulay.
Pagka tapos kong magluto ng ulam ay nag ayos na ako sa dining para maihain na ang mga pagkain at nag ayos na din ako ng plato nya.Baka sabihin nya hindi ako marunong gumalang sa mas nakaka taas sakin!Tss.
Pagka tapos kong ayusin ay tinawag ko na si manang at sinabing tapos na ako.
“Oh sya,puntahan mo na si master sa kwarto nya!”Aish,bakit ako?Nakaka takot kaya si Master!
“S-sige ho.”Naman e!
Umakyat na ako at pinuntahan ang kwarto ni master dahil 'yon ang utos ni manang at malay n'yo ay malaman ko na din ang pangalan ni master,kahit na masungit s'ya ay tingin ko naman ay magpapa kilala s'ya sa'kin.
Kumatok ako ng maka rating ako sa tapat ng pinto nya at kumatok.Walang sumasagot kaya naman mas nilakasan ko na ang katok at sumigaw na rin ako para lang marinig nya!Kulang nalang masira ang pinto ng kwarto nya dahil sa ginagawa ko!Ano ba kasing ginagawa nya at hindi nya marining ang katok ko at ang mga sigaw ko!Nakaka inis!Arggggg.
“Master,lumabas kana!Kakain kana!”
Sinipa ko na din ang pintuan ng tsaka lang bumukas ang pinto.Hingal na hingal na ako dahil sa sobrang tagal ng ginawa ko.
“What?”Ay depungal!
“Anong what?kanina pa ako katok ng katok wala ka bang naririnig?Sumigaw na din ako wala pa ding nag bubukas!Bingi kaba?Sabi ko kakain na!”Nako naman talaga!
“Tss.Whatever!”Ayy potaccaaaaa.
“Ina mo kang tukmol ka ha.”Bulong lang yan syempre.Ayaw ko pang matanggal agad sa trabaho ‘no!
“Saying something?”Psh!
“Wala.”
Naiimbyerna ako sa mukha nya!Akala ko naman may pagka mabait s'ya,wala pala talaga!Kahit gustong-gusto ko na malaman ang pangalan n'ya ay hindi ko na magawang mag tanong dahil sa inaasta n'ya.
“Go to my room later before 9:00 pm.”Ano daw?baliw ba sya?
“Bakit Master?”Diniian ko talaga ang pagkaka sabi ko ng 'master' para dama nya!Huh!!Akala nya ah!
“just do what I said!”
“e, pano kung hindi ako pumunta?”
“Then I will be the one who go to your room.”Aba’t ang tigas talaga ng bungo nito!Hayoppp!
“Then I will lock my door knob then!”ginaya ko pa ang ginawa nya pati ang accent nya habang sinasabi ko yun!.Hehee…
“Just do what I said,you stubborn woman!”Halaaa,galit na sya!huhuu
“O-opo,master.”Nanginginig ako dahil sa kaba,hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa tuwing makikita ko syang magalit!Nakaka takot.Nakaka kaba.
Hindi ko maintindihan ‘to,ang weird ng feeling kasi natakot na naman ako pero hindi ganito!
“Do I look scary?”Halaa shit!
“H-hindi po.”Halos taranta kong sagot sa kanya.Nakaka hiya naman kasi kung o-oo ako sa kanya!Aishh
“You sure?”Tanong ulit n'ya.
“M-medyo lang p-po.”Nanginginig na talaga ako sa hiya at kaba ko sa kanya.Help me lupa!
“I’m sorry!”W-what?
“Halaa master,hindi mo po kailangan mag sorry kasi wala naman po kayong kasalanan!Ako nga po ang dapat na mag sorry kasi sinasagot sagot ko po kasyo kahit ikaw po ang master ko.Hindi ko po talaga sinasadya na sumagot-sagot,naiinis lang po talaga ako kanina!Wag nyo po sana ako tanggalin sa trabaho!”Halos maiyak na ako dahil baka tanggalin nya ako sa trabaho at baka maubos na ang pera ko,pag naubos ang Pera ko wala na akong pang kain.Pag wala ma akong pag kain mang hihina na ako,pag nang hina ako,mamamatay ako!Ayoko pang mamatay dahil bata pa ako at maganda ako!
“Gagawin ko po ang lahat wag nyo lang po ako aalisin sa trabaho at gagawin ko na po lahat ng utos nyo!Basta wag lang po ang mag hubad ako ng damit at kung ano-anong ka arggg.Basta gagawin ko po ang lahat wag lang yung hindi kaaya-aya!”Hingal na hingal ako nang matapos ko ang napaka haba kong speech para sa master.
"Hahahahah.....your so advance thinker!hahahahahha....”Ayy gago,pinagtawanan ako!Walanghiya ‘to!“Anong tinatawa-tawa mo dyan?”Inis na tanong ko dahil wala naman akong nakakatawa na sinabi!Baliw na ata ang master ko.
“Nothing,just go to my room like what I said!”Tumalikod na sya sakin pagka sabi nya non at hindi na ako inantay na sumagot!Ayy shitt!naka limutan ko na naman ang pangalan nya.Puchaaaa naman oh!
Pumasok nalang muna ako ng kwarto at nag bihis ng short at sando.Tapos na din naman ang trabaho ko at mag huhugas nalang naman ang gagawin ko pagka tapos namin kumain ni manang!
(Edited.)