AMELIA POV
Nagising ako ng makaramdam ako ng pangangalay sa paa ko at parang ang bigat ng bandang dibdib ko,kung meron nga?
Iminulat ko ang mata ko ng tingnan ko ang kung anong bagay ang naka lagay sa dibdib ko.O mas tamang itanong kung sino!
Putang ina!May kamay sa dibdib ko at parang sarap na sarap pa sa paghawak doon!Nang tignan ko kung sino ang hinayupak na naka hawak sa dibdib ko ay ang magaling kong master yon.Sa gulat ko ay nasapak ko ang napaka gwapong mukha ng master ko.Napaka manyak!
“Shit!What was that for?”Dahil nga malakas ako sumuntok ay napa higa ito sa sahig.Kasalanan nya naman e!
“Manyak!”Sigaw ko at mabilis na tumakbo.Nanggigigil ako!Parang gusto kong maka patay ngayon ng napaka gwapong manyak!Tado sya!
Pagdating ko sa kwarto ko ay sumigaw ako sa sobrang gigil.
“Arggggggggg…”Bwisit na bwisit na ako!
Kahapon,kinuha nya ang first kiss ko!Ngayon naman hinawakan nya ang dibdib ko!Hayop talagaa!“Amy,tara na sa baba at mag handa na tayo.”Hindi ko namalayan na naka pasok na pala si manang.Dahil narin siguro sa sobrang pagka galit ko.
Pero hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang nararamdaman ko kanina.Parang ang saya ko at para bang nasasabik ako!Putcha,ano na bang nangyayari sakin?Mas lumalala na ata ang pagka baliw ko!Aishhh.
“Pano ka po naka pasok dito manang?”
“Kanina pa ako kumakatok paro hindi ka sumasagot kaya naman pumasok na ako dahil nagaalala ako sayo!”Aish.
“Pasensya na po manang,sunod na po ako.Mag bibihis lang po ako.”
“Sigii,bilisan mo na dahil parang maganda ang mood ni master,wag natin sirain!”Bakit kaya?
“Opo!”
Umalis na din si manang pagka tapos nya ako bilinan ng mga dapat kong gawin.Nakaka bwisit pa din talaga ang lalaki na yon!
Nag hanap lang ako ng t-shirt at short na hanggang tuhod ko.Pag matutulog lang naman kasi ako nagmama ikli at pag naiinitan,hindi naman kasi ako sanay.
Pagka tapos kong mag bihis ay sumunod na ako kay manang gaya ng sinabi ko,naabutan ko sya na may hinihiwa kaya naman ako na ang nag prisinta na gumawa non dahil parang medyo nahihirapan na sya.
Hindi naman nag tagal ay natapos na kaming magluto.Nag hain lang ako sa dining at tinulungan ko na si mananh na mag lagay ng mga niluto namin sa lamesa.Bacon,hotdog,egg,ham,french bread,pride rice at tuna ang mga iniluto namin.Natatakam ako pero dahil alam ko kung saan ako pu-puwesto ay binalewala ko muna ang gutom ko.Atsaka ayaw ko din makita ang hinayupak na manyak na lalaking yon!Hindi pa din ako nakaka move-on sa ginawa nya sakin!Tado sya e!
Pagka tapos namin mag hain ay inutusan ako ulit ni manang na ako daw ulit ang mag tawag kay master Dylan sa kwarto nya.Oh, diba?May nababanggit na akong pangalan nya hindi na puro master lang,hehee…
Dahil bad trip pa din ako ay mabibigat ang hakbang ko habang naglalakad sa hagdan papuntang kwarto nya.Gigil ako e,bat ba?
Pagka tapat ko sa kwarto nya ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok ng tatlong beses.Wala pa ding nabg bubukas kaya naman naiinis na naman ako!
“Master,kakain na!”Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapa sigaw dahil sa sobrang inis,at the same time ay pagaalala dahil kanina pa ako katok ng katok at tawag ng tawag ay wala pa dibg nasagot!
Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para masira ang door knob ng kwarto nya para lang maka pasok ako.Nang magawa ko ay dumiretso agad ako sa loob ng kwarto nya at nakita kong nagkalat ang mga gamit nya na kanina lang bago ako umalis ay maayos na naka salansan ang nga gamit.
Hinanap ko sya at natagpuan ko sya sa walk in closet nya.Naka yuko at parang umiiyak.Teka,umiiyak?Shit!
“Master,ayos lang kayo?May masakit ba?May nangyari ba?Master sumagot kayo!”Ayaw nya pa din ako sagutin pero nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.
Ang kaninang galit at inis ko sakanya ay nawala na at napalitan ng pagaalala para sakanya.
Niyakap ko nalang din sya pabalik para naman may magawa ako.Parang sumisikip ang dibdib ko habang nakikita ko syang naiyak dahil parang hindi ito ang nakikita kong master sa mga nagdaang araw at oras.
“Please,w-wag mo d-din a-akong….i-iwan.”Parang nagmama kaawa sya habang sinasabi nya yon.Naaawa ako sa kanya at dama ko din ang pinagdadaanan nya dahil wala din akong nakaramay sa mga nagdaang pag subok sa buhay ko.
“Shh,hindi kita iiwan.Dito lang ako sa tabi mo.”Nginitian ko sya para masigurado ko sakanya na hindi talaga ako aalis sa tabi nya.Hinalikan ko din ang buhok nya at hinimas-himas ang likod nya upang patahanin sya.
Nasasaktan ako para sakanya dahil parang sobrang bigat ng nararamdaman nya,nang pinagdadaanan nya!
“I-im sorry.”Para saan?
“Shh.”
Aalisin ko na sana ang pagkaka yakap ko sa kanya at sa akin dahil balak ko sanang ayusin na ang mga kalat sa kwarto n'ya pero mas hinigpitan pa n'ya ang kapit sa'kin.
"Master, lilinisan ko lang po ang kwarto mo."Nginitian ko s'ya para maniwala s'ya.
Tinitigan n'ya pa muna ako bago s'ya tumango at tumayo kagaya ko.Tiningnan ko s'ya ng may pagtataka dahil sa gimawa n'yang pagtayo.
Nginitian n'ya din ako atsaka kinindatan na parang walang nangyari kani-kanina lang.
"Susundan kita, baka bigla ka nalang lumabas d'yan, e."Tumawa s'ya ng bahagya na kinalabas ng biloy n'ya.
"Tss, sige na nga.Parang wala kang tiwala sa'kin, e.hahaha.."
Pumunta ako ng cr n'ya para kuhain ang mga gagamitin ko na pang linis sa mga kinalat n'ya.
Sinundan n'ya ako ng tingin atsaka s'ya umupo sa kama n'ya.Pinapanood n'ya lang ako habang nag lilinis ako at saka s'ya bigla nalang mangingiti na parang may naiisip na nakaka tuwa.
Ang sarap sa pakiramdam na para bang wala kang pino-problema sa buhay mo?
Hindi ko din maiwasang mapangiti ng mapait sa tuwing may maalala ako na puwedeng ikasira o ikawala ng mga magagandang ngiti n'ya na 'yan.