AMELIA POV
Natapos na akong mag linis sa kwarto n'ya at nakita ko s'yang naka tulog na, siguro sa sobrang paghihintay sa'kin.
Lumabas na muna ako para itapon ang mga kalat na nalikom ko.Nasa labas ako ng makita ko ang taong ayaw ko pa na makita sa ngayon.
Pumasok na lang ako at nasa hagdan palang ako ng may marinig akong kalabog sa taas.Nag madali akong umakyat at halos madapa na ako maka-akyat lang ng mabilis.
Nakita ko si Master na parang may hinahanap na sobrang halaga sa kan'ya.
Nang tignan ko sya ay para syang takot na takot.Hindi ko alam ang totoong nararamdaman nya dahil ang daming kong emosyon na nakikita sa mata nya.
Pero isa lang ang alam ko,ang ayaw nyang maiwan ulit mag-isa!Na parang pag nawala pa ang isang bagay o tao man na 'yon ay hindi n'ya kakayanin pa.
Nang makita n'ya ako ay mas huminahon na s'ya at parang gumaan ang pakiramdam.
Nilapitan ko s'ya at saka ko s'ya hinawakan sa kamay.
Tinanggal ko ang pagkaka hawak ng kamay ko sa kamay n'ya ,hindi para umalis kung hindi para yakapin sya at iparamdam sakanya na hinding-hindi ako aalis sa tabi nya at hindi ko sya Iiwan!
Wag lang ulit syang magkaka mali na magpaka manyak ulit!Kakatayin ko talaga sya ng buhay.
Inalalayan ko syang maupo sa kama nya atsaka ako umalis sa pagkaka hawak ko sakanya.Tumayo ako at sinimilan ng ayusin ang mga gamit na nag kalat sa loob ng kwarto.
Malapit na akong matapos ng may makita akong isang picture.Isang batang lalaki na kung hindi ako nagkaka mali ay si master ito,may kasama pa syang isang babae na naka akbay sya.Maganda ang babae kahit bata palang ito ay masasabi mi na talagang lalaki itong maganda,parang pang miss univers ang datingan!
Bigla nalang kumirot ang puso sko ng isipin kong ito ang dahilan kung bakit nagkaka ganito si master.Siguro sya ang babaeng minamahal at mamahalin ni master.Bagay na bagay sila.
Iniligpit ko nalang ang litrato at inayos na ang mga hindi ko pa naaayos.
Nang matapos ako mag ayos ay binalikan ko na ulit si master.Nakita ko syang natutulog habang kalahating katawan lang ang nasa kama at ang paa naman nya ay nasa lapag.Inayos ko sya kahit pagod na ako at nabibigatan na ako sakanya.Naka limutan ko na tuloy ang agahan na inihanda ni manang.
Lumabas muna ako para sabihin kay manang ang nangyari.Nang makita ko na si manang ay tinawag ko sya.
“Manang!”Tumingin sya sakin at nginitian ako.
“Oh bakit hindi pa bumababa si master?”
“May nangyari po kasi manang.”
Kinuwento ko kay manang lahat ng nangyari except doon sa litrato at doon sa may kiss.Nakaka hiya naman kung pati yon ay sabihin ko din.
“Pag pasensyahan mo na Amy ah?Kakausapain ko nalang si master.”
“Nako hindi na po,ayos lang naman po.”
“Sigii,salamat iha.”Nginitian ko nalang sya at nagpaalam na din ako na aalis dahil may gagawin pa ako.
Pag talikod ko ay tumakbo ako ulit papunta sa kwarto ni master dahil naka limutan kong linisan sya.Pagka pasok ko sa kwarto nya ay nakita ko syang mahimbing pa ding natutulog kaya naman Kumuha ako ng isang t-shirt sa walk in closet nya.
Pinunasan ko muna sya ng kinuha kong palanggana na may tubig at bimpo.Matapos ko syang palitan ay niligpit ko na lahat ng ginamit ko at iniayos ko ulit sya ng higa.
Umupo ako sa tabi nya atsaka sinuklay suklay ang buhok nya gamit ang daliri ko.Hindi ko itatanggi na may nararamdaman na ako para kay master.Alam kong bawal at mahirap tanggapin dahil magka layo kami ng estado sa buhay.Sa mata ng lahat ng tao ay lalabas na ginagamit ko lang sya para maka kuha ng yaman.
“Dylan,ano bang ginawa mo sakin?”Para akong tanga na kinaka usap sya kahit alam ko naman na hindi nya ako sasagutin.
“Alam mo bang sobra akong nasasaktan?May nakita akong litrato mo noong bata ka at may kasama kang babae.Sobrang ganda ng babae at talaga namang bagay kayo!Siguro sya yung dahilan kung bakit ka nagkaka ganyan.Siguro sya yung sinasabi mong nang iwan sayo.”Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
“Hindi ko itatanggi na naiin-secure ako sa babaeng kasama mo,dahil halata namang maganda sya at mukha ding mayaman.Talaga namang bagay talaga kayo.”Ngumiti ako kahit alam kong pilit lang yon.
“Hindi ko din itatanggi na nagkaka gusto na talaga ako sayo.Pero alam ko namang hindi tayo pwede,hindi naman na ako aasa sa wala.”Pagak akong tumawa dahil sa sarili kong sinabi.Para na akong baliw dito.
“Siguro kailangan na muna kitang iwasan.Mahirap oo,pero ito ang kailangan kong gawin dahil alam kong sa huli ay ako ang kawawa.”
Hinalikan ko muna sya sa labi sa huling pagkaka taon at pinunasan ang luha ko atsaka ako lumabas ng kwarto nya.
Mabibigat ang hakbang ko habang naglalakad papunta sa katapat ng kwarto ni master kung nasaan ang kwarto ko.
Pagka pasok ko sa loob ng kwarto ay kumuha ako ng damit sa cabinet ko para maka ligo na ako dahil mag aayos pa ako ng pananghalian ni master.
Pagka tapos kong mag ayos ay lumabas na ulit ako at diretsong pumunta sa kusina para simulan nang magluto.Sinigang at Pakbet lang ang niluto ko dahil hindi ko naman alam ang paborito nyang pagkain.
Pagka tapos kong mag luto ng pananghalian at nag ayos na ako ng dining at inihain ko na ang mga niluto ko.Lumabas muna ako ng bahay at pumunta sa garden pagka tapos kong mag ayos sa dining.
Nakita ko si Carlos na naka upo sa isa sa mga bleacher dito sa garden.Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya dahil simula ng pumasok ako dito bilang katulong ay hindi pa kami nakaka pag usap ng maayos dahil na nga rin sa pag tutok nya ng baril sakin ay medyo takot na ako sakanya.
“Hi!”Ngumiti ako sakanya dahil baka sabihin nya ay masungit ako.
“Anong kailangan mo?”Takteee.Ang pogi talaga nya.Ang cool nya pa!
Gusto ko kasi talaga syang maging kaibigan kahit na tinutukan nya ako ng baril!Nakaka takot sya pero alam ko namang totoo syang tao!