"Pass your projects class."
Another boring day. Just sleep Slope.
"Mr. Padilla? Where's your project?" Napaangat ang ulo ko doon.
"I was supposed to that project."
"Then?"
"Naisip ko na wala rin palang kwenta kung gagawin ko."
"WHAT? MAGAGAMIT MO ITO SA FUTURE MR. PADILLA."
"Magagamit? Eh kinukuha niyo nga. Paano ko magagamit sa future? Di niyo man nga binabalik."
"HOW COULD YOU SAY SUCH THIN--"
"Kung ibabalik niyo man, eh sinusunog ko lang yan. Okay ma'am. Do you mind if I sleep? Istorbo ho kasi kayo. Salamat."
"YOU'RE IMPOSSIBLE SLOPE, IMPOSSIBLE." Sabi ng teacher ko habang umiiling-iling.
Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin ako naki-kick-out sa school na to. Lahat naman ng teacher dito mainit ang ulo pag dating sakin.
Ginawa ko nang lahat ng kabalastugan dito para ma-kick out. I even painted the Principal's Office. Pinaint ko ng full black. Isn't it cool?
Tapos last week nagpakuha ako ng isang baldeng palaka sa katulong namin. Di ko nga alam kung saan niya galing yun.
Dinala ko sa school yun. Syempre maaga akong pumasok. Hinagis ko yung isang balde ng palaka sa Janitor's Room.
Kinabukasan narinig ko nalang na bali-balitang nag-resign na yung dalawang janitor namin.
Pinatawag ako ng principal. As usual. Pati parents malamang. Nalaman nilang ako yun dahil may nagsumbong na nakita niya raw ako na galing sa Janitor's Room.
Alam niyo ba yung ginawa ko pagkatapos akong patawag ng Principal?
Pinuntahan ko agad yung nagsumbong at inupakan ko. Ayan hindi parin pumapasok hanggang ngayon.
Kauwi ko nun. Pinagalitan ako ni papa at mama, nanaman. Hindi nila ako pinatulog sa loob. Ni-lock nila yung pinto at iniwan akong nasa labas.
Syempre ako pa? May extra key ako dito, pinaduplicate ko lahat ng susi without them knowing.
Yan ang mga Galawang-Gwapo.
Kinaumagahan nun. Nakita nila ako sa kwarto ko. Sinabi ko na pinapasok ako ni Manang. Kaya ayun nasisante si Manang.
Kulang pa yan sa mga ginawa ko. 4th year college nako dito. Since gradeschool nandito nako. Bawat galaw ko yata may napapahamak HAHAHA okay.
*knock knock*
Napaangat yung ulo ko sa kumatok. May naramdaman lang akong kakaiba.
Di ko nalang pinansin. Nilagay ko yung shades ko. Sinandalan ko nalang yung mga braso ko at pumikit.
"Slope. Uy slope." Kinakalbit ako ng katabi ko.
"DON'T DISTURB ME." Tinignan ko siya at pumikit ulit.
"Sasabihin ko lang sana na may chix dun oh."
"I don't care." Hindi naman sa ayaw ko sa babae. Wala lang akong gana ngayon.
"Mr. Padilla. May naghahanap sayo sa labas. Don't worry you're excused sa lahat ng subjects mo ngayon. Go out. May kailangan ka yatang gampanan. Goodluck on that." Sabi ni Mrs. Trinidad habang nakangiti. Aba akala ko ba mainit ulo sakin nito.
Di ko naman tinanggihan ang grasya. Excuse sa lahat! Hanep diba.
Agad kong kinuha yung bag ko at lumabas.