Nakatulog pala ako. Maayos na din pala pakiramdam ko. Malamig nga lang.
Buti nalang may extra clothes ako sa bag. Balak nga sana naming magbabarkada na mag-overnight kina Seth.
Eh sinama ako ni Kaeigh dito. Wala akong nagawa.
Tumayo nako at naginat-inat. Hinanap ko si Kaeigh.
Hinalughog ko na yata yung buong bahay, wala parin siya. Lumabas nalang ako.
Wala yung kotse niya wth? Iniwan ako dito? Wala pa naman akong number niya.
Papasok sana ulit ako sa bahay ng may narinig akong kotse na pumarada.
Nakita ko si Kaeigh dun kaya pinuntahan ko agad.
"Saan ka galing? Akala ko iniwan mo ko dito." Sinabi ko yan ng buksan ko ang pinto ng kotse niya.
"Diyan l-lang." I heard her voice cracked.
Iiyak nanaman ba to? Sawa na ko uy!
Pumasok ako sa kotse. Umupo ako sa shotgun seat. Hindi nako nagsalita. She has a problem, i know. Kailangan niya ng karamay.
Lumapit ako sa kanya.
I held her head and placed it on my left shoulder.
I can't imagine myself taking care of a girl, a stranger.
Ang alam ko lang puro kabalastugan. Puro kalokohan. Pang-aasar.
Why am I taking care of her?
Siguro nakaka-relate ako sa kanya? Siguro parehas kaming may problema? May pinagdadaanan? Nah.
Di ko pa nga alam yung kwento niya eh.
Tahimik lang sa paligid. Walang nagsalita. Walang gumalaw.
I just enjoyed every second, every ticking of the clock. I felt the cool breeze in my nostrils.
Niyakap niya ko, mahigpit.
Doon ko na siya narinig na humikbi.
"Minahal ko siya *hik* Mahal ko siya *hik* but life is so unfair. It took him *hik* a-away from me. Hindi *hik* ko yata kaya. Wala siya *hik* sa tabi ko n-ngayon. Sabi niya lagi siyang nasa *hik* tabi ko. But where is he now?! Wala siya.. wala." Yinakap ko rin siya.
I felt her sadness, her disappointments.
"Shh. Nandito naman ako. I'm here for you. Overnight tayo dito diba? Kung wala siya sa tabi mo ngayon, let me replace him. I'm here. Don't worry babe." Napabalikwas siya.
"Y-you called me babe." I heard her chuckled.
"Sabi mo eh, ayaw mo nun.. babe?"
Laughter filled the atmosphere. Masaya siya. Napasaya ko siya. Well, another Galawang-Gwapo.
"Oo na hahaha sorry nagda-drama ako sayo." Umalis na siya sa pagkayakap.
"Oh asan yung honey ko?"
"Baliw haha tara na honey."
***
Nandito kami sa Strawberry Farm ngayon.
"Bili mo kong taho." Sabi niya.
Bumili ako. Strawberry flavor to mukhang masarap. Bumili ako ng dalawa.
After nun bumili din kami ng tig-isang jar ng Strawberry Jam. Masarap to sa tinapay.
Napansin ko lang na hindi pa ginagalaw ni Kaeigh yung taho niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/36252726-288-k919936.jpg)