"MR. PADILLA WHAT ARE YOU DOING?!"
Oh terror.
"Uh I'm just listening to a song. See this?" Tinaas ko yung earphones at ipod ko. "Isn't it obvious? tss."
"I DON'T WANT YOU IN MY CLASS!" Uh annoying.
"What's wrong with this? Okay fine Professo--what's your name again? I forgot."
"I SAID GET OUT!" Well that's the cue. I grabbed my bag and my ipod. I went out. What's new?
What to do?
Oh, cutting classes baby *smirk*
I went straight to our school's gate. Putek nandoon si Manong Guard. Isip isip. Isip ng plano. Isip isip..
*ting*
Kinuha ko yung bag ko. Alam ko may sleeping pills dito. Aba pinaghirapan ko pa tong kunin sa medicine box ni mama.
I ordered a plate of carbonara and a glass of juice. Dinurog ko yung pills at nilagay sa juice.
Let's do this baby.
Pinuntahan ko si Manong Guard.
"Oh manong guard! Kain ka muna oh. Mukhang di ka pa nagtatanghalian."
"Aba salamat iho. Tamang-tama ang dating mo. Hindi pa ko kumakain." Uto-uto.
"Walang anuman ho." sabay saludo ko sa kanya.
"Mali pala ang sinasabi nila sayo. Mabait ka naman pala iho. Sabi kasi nila pasaway ka." At hindi sila nagkakamali. Tanggap ko na isang dakilang pasaway ang tulad ko. Wala na yatang tatalo pa. Gwapo pa. Saan ka pa!
"Oh manong mukhang nabubulunan ka na. Uminom ka muna." AYAN. Ininom na niya yung juice. Maya-maya tumba na to. Poor guard.
Agad naman akong lumabas sa gate.
Saan ba pwedeng pumunta? Sa tambayan nalang. Siguradong nandun naman sina Kats.
Maglalakad lang ako. Kesa naman pasundo ako sa driver edi nalintikan ako kay mama kapag nalaman niya to. Sabagay, di pa ba siya sanay na lagi siyang pinapatawag sa school.
Sa kabilang kanto lang naman yung tambayan. Ang init pa naman, maglalakad ang ako.
"ANO BA! YUNG GWAPO KONG MUKHA NAIINITAN. ANG INI--"
"OOPS SORRY!!" UGH STUPID GIRL! Bungguin ba naman ako.
"SALAMAT SA SORRY MO AH. NAKATULONG!" lumingon naman siya. Lumapit siya sakin gamit yung skateboard niya. Cool huh.
"Uyy so hot nga ako?" tapos hinarap niya yung mukha ko.
"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT LADY?" Lumayo ako ng konti sa kanya.
"I'm hot that's why I said sorry to you. Diba sabi mo mainit?" UNBELIEVABLE! Akala ko nagso-sorry siya kasi nabunggo niya ko. Annoying.
"UH ANNOYING." Tinalikuran ko nalang siya. Walang mapapala ang mga gwapong tulad ko sa kanya.
"Meron ka no? Sungit!"
"Anong meron?"
"Meron. As in meron OMG DALAGA KA NA GURL."
"SHUT UP. LEAVE ME ALONE." walangya tong babaeng to. Nasasayang oras ko.
"Sungit mo talaga. K fine." Tumalikod na siya. Buti nalang umalis na siya. Nakakabanas.
"BEEP!!"
Napalingon ako sa malakas na busina ng jeep.
WHAT THE HELL?
Ang tanga ng babaeng to. Muntik ng masagasaan.
Nakita ko siyang napaupo at agad na niyakap ang dalawang binti.
Pinuntahan ko agad siya. May konsensiya pa naman ako.
Nilapitan ko siya. Naririnig ko siyang humahagulgol. Huh? Weak pala tong babaeng to. Di naman nasagasaan.
tss cry baby
Tinignan ko yung paligid. Nakatingin sila lahat sa amin. ANO BA ITONG PINASOK KO. Nakakahiya. Aalis na sana ako ng biglag hawakan nungg babae yung kamay ko.
"Wag *hik* mo ko iiwan *hik* dito. Hindi ko *hik* kaya." dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya. Umiiyak talaga siya!
"Shh sige ihahatid kita saan ba bahay mo? Tss pasalamat ka mabait ako ngayon."
"Ayokong *hik* umuwi. Natatakot *hik* ako. Isama *hik* mo nalang ako *hik* sa bahay niyo."
"ARE YOU INSANE? BAKA KUNG ANONG ISIPIN NILA MAMA. BAKA PALAYASIN PA AKO NG MGA YUN PAG INISIP NILANG NAGPAIYAK AKO NG BABAE. LALO NA SI PAPA! ugh"
"*hik* Please *hik*" tinignan niya ko sa mata. Ano ba talagang problema nito? May pinagdadaanan ba siya? Nakakaawa rin kasi.
WHAT?! NAAWA AKO SA KANYA?
tss sige na nga ngayon lang to. Binuhat ko nalang siya. Ayaw niyang tumayo. Binuhat ko siya na parang pang-bagong kasal. Nagpasundo na ako sa driver kahit labag sa kalooban ko dahil siguradong pagagalitan nanaman ako. Ano pa bang bago? Kung di lang dahil dito sa babaeng to!
Teka, di ko pa man nga alam pangalan ng babaeng to. Ano ba 'tong pinasok ko. Alam ko hindi ako mabait eh. Ang alam ko gwapo lang ako psh
Dumating rin naman agad yung driver ko. Doon ko lang napansin na nakatulog na pala siya sa mga braso ko. Inihiga ko nalang siya sa backseat at sumakay narin ako sa shotgun seat. Bahala na.
Tinext ko agad ang tropa,
To: Kats, Les, JC, Seth
Brad hindi muna ako makakapunta sa tambayan ngayon. Wag niyo ng tanungin kung bakit kundi malilintikan kayo sakin.
Bahala na.
------------------------------------------
Vote and Comment! :)
