"Umuwi na pala yung kapatid mo tsong!" Sabi ni Dom. Nandito kami sa tambayan ngayon. Actually isang malaking puno lang tong tambayan namin.
"Oo nga brad! Wala ba siyang libre diyan hehe" Sabi naman ni Pat.
"Hoy kayo! Kakagaling lang sa coma nun tss di na naawa tong mga to." Sagot ko sa kanila.
"Two weeks ng gising yun! Maayos na lagay nun HAHAHAHA PWEDE NA MAGPALIBRE." Sabi ni Dom. Sabagay nga naman. Buti nga hindi nagka-amnesia yun eh. Tindi ng aksidente na natanggap niya hays.
"HOY BRAD HAHAHAHA." Sabi naman ni Alex.
"Anyare sayo?" Tanong ko sa kanya. Wagas na tumawa. Naka-singhot yata ng milktea.
"AKALA MO DI KO ALAM YUN AH HAHAHAHA"
"Anong di mo alam?" Pusang gala naman kase.
Bumulong siya kina Dom tsaka Patrick. Tumango-tango naman sila at sabay hagalpak sa tawa. Anong nangyari sa mga putakteng to.
"Anong meron?" Tanong ko ulit.
"KASI ANO-HAHAHA PAANO BA TO HAHAHAHA-aray!" Binatukan ko si Alex tss tuloy parin naman sa pagtawa leche.
"ANAK PATENG KAYO ANO BANG MERON HA. WAG NA WAG NIYO KONG MAPAGTRIPAN DIYAN!"
Bumuntong-hininga sila.
"Na-excuse ka ng buong isang araw.."
"Sinabi samin ni Ma'am yung dahilan.."
"Na-nakabuntis ka daw.."
"H-ha?"
"Alam m-mo tsong! Nakakasakit ka na huhu sabi mo l-loyal ka sakin. M-masakit! Parang sinaksak puso ko. Pinakaingat-ingatan ko nga to tapos sa iba mo lang pala b-binigay ya-ARAY!"
"Gusto mo isa pang batok?"
"Biro lang naman huhu wag kang ganyan sakin Slope huhu."
"Tss di ko nabuntis yun."
Napatayo naman silang tatlo.
"Totoo?"
"Weh?"
"Palusot."
"Gusto niyo sapak?" Pinakita ko sa kanila kamao ko. Mga loko pagdudahan ba naman ako.